Chapter 4

185 14 2
                                    

Mauri's Pov

May kabaitan din palang taglay si Kael eh 'no? Sabagay sya nga pala yung hero at savior na tinuturing ko nong childhood days ko.

Yeah Kael Ethan Wellington been my hero and savior because he always protect me from those our schoolmates who's insulting and bullying me.

Kilala pa kaya nya ako? Pano nya kaya ulit ako makikilala?

I feel this heavy feelings of mine kasi hindi na nya ako kilala, kinalimutan na nya ako.

Kung sabagay I don't have any rights para magreklamo na kinalimutan na nya ako.

At tsaka ang taas taas nya ang hirap abutin.

Sino naman kayang tanga ang papangarapin ang isang Kael Ethan Wellington na sobrang hirap abutin?

Syempre ako yun!

Hoy teka!

Nakalimutan mo na sya Mauri!

Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa aking kwarto.

Sumandal ako sa pinto at tsaka sinabunutan ng mahina ang sarili.

Nakalimutan mo na sya!

Wag mo ng ituloy ang binaon mo ng nararamdaman para sa kanya.

No! Hindi pwedeng mangyari 'to!

Hindi pwede, dahil unang una sa lahat mayaman sya at malabong ako'y magustuhan nya.

Campus crush kaya sya dati sa HNHS

Pigilan ang dapat pigilan Mauri!

Dali-dali akong pumunta sa Cr tsaka naligo dahil hindi naman naging sapat ang ligong uwak ko kanina.

Matapos maligo ay agad akong bumaba at kita ko si Lolo na nakaupo na sa hapag kainan, nakaayos na ang pinggan at pagkain ako nalang ang hinihintay nya.

“oh apo, kain na tayo hanggat maaga pa”sabi sa akin ni Lolo.

Agad akong naupo at nanalangin kaming dalawa.

Si Lolo pa ang nagbigay sa akin ng kanin at ulam, ganyan nya ako kamahal.

Hindi man swerte sa magulang swerte naman dahil may Lolo akong mapagmahal.

“kamusta nga pala apo trabaho mo?” maya-maya'y tanong sa akin ni Lolo.

“ayos lang naman po” sagot ko

“hindi ka naman nahihirapan sa trabaho mo?” tanong nanaman sa akin ni Lolo.

“naku hindi po Lo, sobrang gaan po ng trabaho ko! utak lang po kailangan at tsaka mabait ang manager Lo!” nakangiting saad ko kay Lolo.

“mabuti naman kung ganun, at sino ba yang manager na yan o may-ari ng company na yan ah?” tanong sa'kin ni Lolo.

Dami pwedeng itanong yun pa talaga.

“Lo, tanda nyo pa po ba si Kael?” tanong ko kay Lolo.

Tiningnan ako ni Lolo at inilagay nya ang kanyang hintuturo sa kanyang baba na animo'y nag-iisip.

“Kael? Yung tumatakas sa kanila dati para lang pumunta sa dati nating bahay? Yung batang tinatakasan ang elegante nya'ng nanay para lang makapag-laro? Yung batang lalaki na lagi mong kinu-kwento sa akin?” sunod-sunod na tanong ni Lolo na sunod-sunod ko din namang tinanguan.

“hindi pa rin talaga nagbabago ang batang yun, mabait pa'rin” nakangiting saad ni Lolo at iiling-iling pa sya.

Natapos kaming kumain at nagpresenta akong ako na ang magliligpit ngunit hindi sya pumayag.

The Billionaires Obsession (Billionaires Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon