Mauri's Pov
Hindi pa ako nakakapasok sa bahay ay dinig ko na si Lolo, tumatawa sya.
Ha? Wala namang kasama si Lolo dito ah?
Imposible namang kausap ni Lolo si Lola dahil wala na si Lola.
At hindi pa naman nasisiraan ng bait si Lolo para magtatawa mag isa.
“Lo, nandito na po ako" sigaw ko pero hindi nya ako napakinggan.
Pumasok na ako ng diretso sa bahay at ganun nalang ang gulat ko ng mapagtanto kung bakit tumatawa si Lolo.
May kasama sya! At si Kael pa.
Tsaka lang ako napansin ni Lolo ng pumasok din sa bahay si Ash at Kaius.
“oh apo nandito ka na pala, nakakatuwa naman ang kaibigan mong ito” nakangiting saad ni Lolo at nakaturo pa kay Kael na ngayo'y nakatingin sa akin.
“anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Kael.
Hindi sya nagsasalita pero si Lolo ang sumagot ng tanong ko.
“kaibigan ka nya apo, malamang dadalaw sya sayo” saad ni Lolo.
“Lo, hindi ko sya kaibigan!" mabilis na saad ko kay Lolo.
Tiningnan ako ni Lolo ng puno ng pagtataka, tumingin sya kay Kael sabay baling ulit sa akin ng tingin.
“eh ano mo sya?" tanong pa ni Lolo.
“boss ko sya Lo, sya yung may-ari ng company na pinapasukan ko" mahinang saad ko.
Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Lolo at kay Kael.
“totoo ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Lolo kay Kael.
Tinanguan sya ni Kael, ganun nalang ang pagkabigla ni Kael sa mga salitang binitawan ni Lolo.
“Kael! apo!” halos maiyak sa tuwang saad ni Lolo.
Puno ng pagtataka at pagtatanong si Kael.
“po? pano nyo nalaman pangalan ko?” nagtatakang tanong ni Kael.
Lo! Wag muna ngayon please!
Sana wag nyong sabihin!
“nakalimutan mo na ba kami ng apo ko?” sambit ni Lolo at tumigil sya sa pagsasalita na parang may iniisip pa “nakalimutan mo na ba yang apo kong iyan na iyakin at tinatawag mong Pea kasi matakaw sa palaman na peanut butter?” litanya ni Lolo at si Kael bahagyang nag-isip.
Bigla syang nag-angat ng tingin kay Lolo at nangingiting nagsalita.
“Lolo Mauricio! kayo po ba yan?” buong kagalakang tanong ni Kael.
“oo apo ako 'to, yung lagi mong dinadalhan ng palabok sa tuwing pumupunta ka sa bahay” nakangiting saad ni Lolo.
Niyakap ni Kael si Lolo.
“namiss ko kayo Lo! It's been 6 years since I last saw you, laki na ng pinagbago nyo” nakangiting saad ni Kael habang hinihimas ang likod ni Lolo.
Humiwalay sya sa pagkakayakap kay Lolo sabay tingin sa akin.
“ikaw ba talaga yan Pea?” tanong nya na tipid kong tinanguan.
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.
“laki na ng pinagbago mo, dati lang iyakin ka pa eh pero ngayon nag-improve ka” nakangiting saad ni Kael.
Nag-improve lang ako pero hindi naka moved forward sayo.
“Lo, nakainom na po ba kayo ng gamot nyo?" pag-iiba ko sa usapan.
Ayaw ko munang alalahanin.
“oo kanina pa apo” saad ni Lolo.
BINABASA MO ANG
The Billionaires Obsession (Billionaires Series #1)
RomansaStatus in life doesn't matter when it comes to love. Kael was Mauri's long time crush in her childhood days. Kael Ethan Wellington is a billionaire and from a well-known family, he has a 10 company in different countries, he was looking for a respo...