Chapter 16

89 6 1
                                    

Kael's Pov

Nakita ko na sya! Nahanap ko na sya! Yung matagal kong hinanap kasama ko na ulit.

Kaya pala ganun nalang ang pagkagaan ng loob ko kay Mauri kasi sya pala si Pea.

Sya yung batang babae dati na nagturo sa'kin kung pano kumain ng street food.

Mabait pa'rin ang tadhana sa'kin, pinagbigyan ang anim na taon kong pinagdasal.

Finding her and waiting her for almost 6 years is been worth it even though we meet again in unexpected situation.

“wahhh” sigaw ng mga nanonood, actually horror naman pinapanood namin pero di naman nakakatakot.

Texas chainsaw lang naman pinapanood namin na more on thriller.

I turned my gaze on her, her eyes was close because she's scared.

Wala pa'rin talaga syang pinagbago takot pa din sya sa horror.

Dahil sinapian nanaman ako ng aking kapilyuhan pinitik ko ang noo nya dahilan para mapasigaw sya at tumingin ng masama sa akin.

“aray! ano ba?!” inis na saad nya.

I just smiled at her.

Tatabunan na sana nya ng kanyang kamay ang kanyang mata pero pinigilan ko sya.

Nilapit ko ang aking bibig sa may tainga nya and I whispered “hindi naman nakakatakot"

“impakto ka! para sayo oo hindi nakakatakot pero para sa'kin nakakatakot!" sigaw nya sa tainga ko.

Parang masisira eardrum ko! Wala pa'rin talaga syang pinagbago sya pa din yan, yung mahilig sumigaw kahit malapit lang naman ang kausap.

“hindi naman talaga nakakatakot, nadadala ka lang sa sigawan ng mga tao sa paligid”

Tumingin sya sa akin tsaka nagsalita “baka nga"

Umayos sya ng upo at tsaka nanood ng buong tapang pero hindi pa nagtagal ng dalawang minuto ay napasigaw na sya at aksidenteng napayakap sa akin.

Bigla akong naistatwa, hindi ako makagalaw ang lakas din ng tibok ng puso ko.

“oh sabi na sayo eh, nandyan si Kael may mayayapos ka" natatawang saad ni Kaius.

Agad na umayos ng upo si Pea at nilaro ang kanyang daliri siguro ay nahiya sa nangyari.

“pahamak ka talaga Kaius bakit kasi horror 'to" saad ni Mauri at masamang nakatingin kay Kaius.

“hmmm si Ash may gusto nyan" natatawang saad ni Kaius.

Sinunod mo naman tado ka!

I tried to distract myself kasi alam kung aasarin lang kami ni Kaius.

Saktong kuha ko ng popcorn ay saktong kukuha din si Pea, anyare yung kamay ko ang nadampot nya.

I looked at her, she quickly turned back her hand and she looked away.

I can't help but to smile, halata kasing naiilang at nahihiya sya.

Inabot ko sa kanya ang popcorn and she look at me.

“grab it" I said and she grab it with hesitation.

I looked at Kaius and Ash they're talking with their brightest smile.

May time na nagugulat din si Ash pero nai-mamanage naman nya ang kanyang sarili, not like Mauri na takot talaga.

“uhh ahh arghhhh" biglang ungol ng isang babae na nasa unahan namin, dahilan para mapatingin si Mauri doon.

The Billionaires Obsession (Billionaires Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon