Kael's Pov
The host mentioned Ash, and the people give her a round of applause.
Ash starts on singing while I'm here just listening and looking at Mauri.
Tumingin ako sa kawalan at iniisip kung ano na ang takbo ng buhay ko.
Sobrang gulo, hindi tulad ng dati, yung dating puro saya at walang problema.
Iniisip ko din yung arrange marriage na fi-nixed ni mom, bakit nya nagawa yun?
Bakit nya kayang gawin sa'kin yun? Pakiramdam ko tuloy kontrolado na ang buhay ko.
Sobrang bigat, ang hirap hirap na mismong mother mo pa ang maglalagay sayo sa sitwasyong paghihirapan mo.
At ngayon, unti-unti na 'ring lumalayo sa kanya si dad, hindi ko alam kung bakit marahil siguro ay dahil sa arrange marriage na ginawa ni mom.
Kahit naman ako, lumalayo na din sa kanya. Hindi ko na maintindihan si mom, hindi ko din alam na kaya nyang gawin sa akin yun.
Pakiramdam ko tuloy parang napakahina kong tao ni hindi ko man lang maipaglaban ang karapatan ko.
Pero hanggat kaya ko, hinding hindi ako papakasal sa taong hindi ko naman mahal.
Kahit pa kasuklaman at itakwil ako ni mom hinding-hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko naman mahal at kahit kailan hindi ko kayang mahalin.
Kasalanan ba ang pagsuway sa kagustuhan ng magulang? Siguro hindi naman sa lahat ng bagay, at hindi naman dapat na laging si mom ang masusunod.
“huy! Ano iniisip mo?" biglang untag ni Mauri sa akin.
“ahmm nothing" tipid na sagot ko.
I don't want to talk about it!
“halatang malalim iniisip mo, you can tell me if mabigat na” saad ni Mauri na nakapagpatingin sa akin sa kanya.
Bakas sa kanya ang pagtataka sa ikinilos ko, bago lang kasi sa akin ang mga salitang iyon.
Sya ata ang unang babaeng nagsabi sa'kin nyan, kung sino pa itong kakakilala ko lang sya pa ang handang makinig sa kwento ko. Kahit sa sarili kong mother hindi ko napakinggan yan, bukod tangi sya.
Sinasabi din naman sa akin ni Kaius ang mga salitang yan, pero bukod sya kasi lalaki sya, at ang tropa always naman nandyan yan para sa'kin.
Pero ito? Itong katabi ko, iba dahil sya lang ang babaeng nagsabi sa'kin ng salitang iyan.
Handa na sana akong magsalita ngunit inunahan nya ako.
“i feel you” lintanya nya.
“what do you mean?" tanong ko sa kanya.
“i know what it feels na magkaroon ng problema, mabigat di'ba?” saad nya na agad kong tinanguan.
“pero wala naman tayong choice, ay wait walang no choice kundi ang harapin ang lahat ng ito” litanya nya pa.
Nakikinig lang ako sa kanya.
“we don't have any rights to give up, kasi pagsumuko ka ano nalang sasabihin ng mga taong nakapaligid sayo? na mahina ka?” saad pa nya.
Napaisip ako don, tama nga sya, wala akong karapatang sumuko.
“alam mo ba ang the best solution sa problem?" she asked me and I shaked my head waiting for the answer.
“don't give up and keep fighting” nakangiting sabi nya.
How?
“pano?” tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Billionaires Obsession (Billionaires Series #1)
RomanceStatus in life doesn't matter when it comes to love. Kael was Mauri's long time crush in her childhood days. Kael Ethan Wellington is a billionaire and from a well-known family, he has a 10 company in different countries, he was looking for a respo...