Chapter 18

31 1 0
                                    

warning⚠️ : strong language ahead!! read at your own risk.❗

lalabas ang pagiging red flag ni Pea!

Mauri's Pov

Few weeks later.

Punyawa, punyemas, punyeta, kingina, tangina, puta, yawa, putangina, putarages.

Gustong-gusto kong isigaw lahat ng murang 'yan dahil sa masamang balita na natanggap ko.

Gusto kong hindi maniwala, gusto kong isipin na nagsisinungaling lang ang naghatid sa'kin ng balitang iyon pero hindi eh, hindi ko magawa kasi best friend ko mismo ang nag balita sa'kin.

Walang ibang salita ang nagrerehistro sa'kin kundi ang salitang sinabi sa akin ni bes habang katawagan ko sya.

“bes, nasa hospital Lolo mo"

Yan lang ang nagrerehistro sa utak ko, ni hindi ko na maintindihan kung ano ba dapat kong gawin, dahil may thesis pa akong dapat tapusin dahil ngayon na ang deadline non.

Kanina ko pa din gustong sigawan ang prof namin dahil sa ayaw nya akong payagan.

Kingina! Ano ba 'to? Naging professor pa sya kung hindi nya kayang makaintindi.

“putangina, papalabasin mo ako o bubutasin ko yang bonbonan mo? pag lang talaga may nangyaring masama sa Lolo ko nang wala man lang ako sa tabi nya, habang buhay kitang sisisihin at habang buhay ka din gagambalain ng konsenya mo kung meron ka man non" sigaw ko sa aming prof na ikinagulat nya.

Bakas sa kanyang mukha ang takot pero nanatili pa'rin syang matapang.

He walk towards me and he said “and who are you to say that? you are only a student here" matapang na saad nya.

Aaminin ko natatakot din ako sa kanya pero tangina naman kasi kailangan ako ng Lolo ko.

Halos maiyak na'ko dito pero wala pa'ring pake ang prof ko sa'kin.

Ayaw ko sanang gawin 'to pero wala na akong ibang choice, kailangan ako ni Lolo.

“kilala ko owner ng campus na 'to!" malakas na sigaw ko sa prof namin at agad naman akong nakatanggap ng tawa nya at tawanan ng mga classmate ko.

Anong nakakatawa? Bakit ba kasi ngayon pa sila nawala? Sila Skyler may gagawin daw, si Yvene naman nilalagnat daw at may pa excuse letter pa sila.

Kingina!

“kilala mo owner dito? eh lahat naman kilala ang owner ng campus na 'to" natatawang saad ni Prof at don ko lang napagtanto na mali ang nasabi ko.

Nanatili akong nakatayo ng matuwid kahit na puno na ako ng kahihiyan.

“I mean, bbf ko ang owner ng campus na 'to" I manage to say and he can't help but to quivered his lips.

Got this Mauri!

“and who's that bbf?" my prof ask me while he's raising his brows.

“the one and only Kael Ethan Wellington" I said and he just rolled his eye.

Kingina sasapakin ko na talaga 'tong baklang 'to pasalamat sya at may natitira pa akong kahit kunting respeto para sa kanya.

Tumalikod sya sa akin tsaka nagsalita “ you can leave now, you can pass your thesis tomorrow morning" he said.

Gusto ko mang ngumiti sa sinabi nya pero para saan? Dapat pa ba akong maging masaya dahil pinayagan nya ako? dapat pa ba akong maging masaya dahil pwedeng bukas pa ako mag pasa ng thesis ko? Mas gugustuhin ko pang tumawa kahit na ngayon ang pasa ng thesis ko basta nasa maayos naman na kondisyon ang Lolo ko.

The Billionaires Obsession (Billionaires Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon