𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙾𝟼 : 𝙳𝙴𝙰𝙻 𝙾𝚁 𝙽𝙾 𝙳𝙴𝙰𝙻?

54 15 1
                                    

ATHENA'S POV:

"We're waiting for a long time now and there's no sign of Xaria im bored" reklamo ni Rain.

"She told me she's going to meet Tito Dmttri alam mo namang medyo malayo ang hideout natin e" Regie replied.

"Malayo nga pero dapat sa ganitong oras nag update na siya kung papunta na ba siya rito o ano" reklamo ko.

"Hintayin na lang muna natin siya after an hour kapag wala pa rin let's call her" suhestyon ni Regie.

"I don't know but i'm sick of waiting and doing nothing" atungal ni Rain.

"Bored ka ba at wala kang magawa? Narito na ang life hack lara sayo, Umutot ka saka mo habul-habulin at BWALA! May ginagawa ka na magmumukha ka pang tanga!" natatawang saad ko.

"Ah talaga ba Athena? Fuck you!" inis na turan ni Rain saka niya ako binato ng unan sa mukha.

"Aray! Ito naman binibigyan ka na nga ng gagawin mo choosy ka pa!" iritadong saad ko at ibinato pabalik sa kanya ang unan.

"BWAHAHAHAHA" umalingawngaw ang tawa ni Regie sa bawat sulok ng condo ni Xaria.

"Oh diba pati si Regie tawang tawa, Alam mo ba ang tawa ng tawa gusto raw mag-asawa" sambit ko.

"Ulol wag mo nga akong idamay audience lang ang papel ko rito ha, Kayong dalawa lang dapat ang nagbabardagulan" hirit ni Regie.

"Yeah whatever but seriously aren't you bored? Baka pwede namang ngayon na natin puntahan si Xaria sa hideout o kaya papuntahin mo na lang sa bar mo si Xaria dun na lang natin siya hintayin" sambit ni Rain.

"Gaga ka talaga! Diba nga sabi ni Regie pabalik balik si Denver doon. Edi kung dun natin pinapunta malay ba natin kung saktong bumalik ulit si Denver edi wala na finish na, It's over duh?!" singit ko.

"Don't you dare call me gaga baka itulak kita sa balcony naririndi na ko sa bunganga mo!" inis na turan ni Rain.

"Nyenyenye" pang - aasar ko saka siya inirapan.

"Aba't talaga naman!" sambit niya at akmang hahablutin ako pero agad akong tumakbo palayo.

"Enough para na naman kayong mga elementary na nakawala. Ok fine ganito na lang para hindi na tayo maburyo kakahintay, Pumunta muna tayo sa coffee shop dun muna tayo text ko na lang si Xaria" sambit ni Regie

"Game!" sabay na sagot namin ni Rain.

Dali dali kaming lumabas at dumiretsyo sa elevator.

"Oh ma'am aalis na po kayo?" tanong ni kuyang guard nang makarating kami sa lobby.

"Punta muna kami sa coffee shop tagal ni Xaria e" sagot ko.

"Ah sige po ma'am enjoy po kayo" nakangiting saad ni kuya guard.

Nginitian ko lang siya at saka lumabas, iisang kotse lang ang ginamit namin at yun ay ang kotse ni Rain.

Katamad magdala ng maraming sasakyan tyaka baka mahirapan pa kaming makahanap ng parking kapag ganun.

"I already texted Xaria sinabi kong magtext na lang siya pagnakauwi na siya" sambit ni Regie.

"Yan tama para siya naman ang maghintay satin sa condo niya ginagawa ba naman tayong waiting shed" sambit ko.

"That's fine, Mahilig ka ngang maghintay sa taong hindi ka naman mahal ay sorry nadulas" sambit ni Rain.

Babatukan ko na sana siya pero pinadilatan ako ni Regie.

Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)Where stories live. Discover now