𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟸𝟷 : 𝚈𝙾𝚄'𝚁𝙴 𝙶𝙴𝚃𝚃𝙸𝙽𝙶 𝙼𝙰𝚁𝚁𝙸𝙴𝙳?!

221 2 0
                                    

RAIN'S POV:

Sabay na umalis si Regie at Xaria, pero si Regie lang ang nakabalik.

"Magkasama kayo diba? Bakit hindi mo alam kung nasaan siya?" tanong ni Athena.

"Hindi ko alam kasi dumiretsyo siya sa cr, Hindi siya sumunod sakin sa counter kaya akala ko bumalik siya rito!" saad ni Regie.

"Wag na tayong magsisihan, hanapin na lang natin siya" sambit ko at lumabas.

This is the second time na nawala siya bigla dito sa bar ni Regie.

Nakakahiligan niya ang bigla na lang nawawala.

Pagpasok ko sa cr ay wala akong naabutang Xaria.

Aalis na sana ako nang may marinig akong humihingi ng tulong sa cr ng mga lalaki.

Dali dali akong pumasok sa cr dahil baka si Xaria ang naroon.

Binuksan ko ang cubicle at tumambad sakin si Rico.

Bugbog sarado ito at nakatali ang mga kamay at paa nito.
Hindi kaya si Xaria ang may gawa nito?

"T-tulungan mo ko" nanghihinang saad niya.

"Nasaan si Xaria?!" agad na tanong ko.

"H-Hindi ko alam m-may lalaking k-kumuha sa kanya" sambit niya.

Agad kong inapakan ang tyan niya at kwinelyuhan siya.

"ARGHUK" nahihirapang saad niya.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?! Oras na malaman kong nagsisinungaling ka pinapangako ko sayo, Hahanapin kita at babalatan kita ng buhay!" galit na turan ko at iniwan siya.

"Wag mo kong iwan dito!! Tulungan mo ko!!" sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin.

Dumiretsyo ako sa kwarto kung saan naroon ang mga cctv footage.

Pinareview ko sa tao ni Regie ang cctv footage kanina.

Sira ang cctv na nasa cr, sinira raw ng lasing na customer nung isang araw.

Pero pinacheck ko parin ang cctv na nakatutok sa entrance at exit ng bar.

"Ma'am siya po ba ang hinahanap niyo?" sambit ng tao ni Regie.

Saka ipinakita sakin ang footage kung saan may lalaking lumabas at may buhat buhat ito.

Pinazoom ko ito at si Xaria nga ang buhat ng isang lalaki.

Nakilala ko ang suot na skirt ni Xaria at ang sapatos nito.

Agad akong lumabas at hinanap si Regie at Athena.

"Someone took her" pagimporma ko sa kanila.

"What do you mean someone took her?" saad ni Athena.

"Galing ako sa cctv monitoring room, nakita sa cctv na may lalaking buhat buhat siya at lumabas" sambit ko.

"The fuck? Sino yung lalaki? Si Rico ba?!" Regie asked anxiously.

"Hindi, nakita ko sa cr si Rico bugbog sarado at nakatali tinanong ko siya ang sabi niya may lalaking kumuha kay Xaria" i explained.

"Who the hell would kidnap her?!" inis na turan ni Regie.

"I don't kn---

Biglang umalis si Regie at nagtungo kung saan.

Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)Where stories live. Discover now