𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟹𝟽 : 𝙷𝙰𝚃𝚁𝙴𝙳

26 1 0
                                    

XARIA'S POV:

"Congratulations Mrs. Dawson you can now get rid of your crutches" sambit ng Doctor.

Dinala ako ni Denver dito sa hospital para masiguro kung pwede na akong hindi gumamit ng saklay.

Ayoko na rin sana kasi para akong bata pero request 'yon ni Papá.

"Thank you Doc" nakangiting sagot ko.

"Pero ingat ingat parin baka mabinat yang paa mo imbes na tuloy tuloy na ang paggaling e lalong lumala" paalala ng Doctor.

"Yes Doc" muling sagot ko.

Nagpaalam na kami sa Doctor at agad lumabas.

"Since magaling ka na you need to fulfill your job" saad ni Denver.

"Ano ngayon? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doctor? Bawal parin akong magkiki-kilos o gumawa ng mabibigat na bagay" sagot ko.

Ayoko munang magbantay sa kanya gagantihan ko pa si Devon.

Napaisip kasi ako sa sinabi ni Regie kahapon may point siya.

Wala naman akong ginagawa kay Devon pero galit na galit siya sa akin.

Kailangan kong malaman kung bakit. Anong dahilan at pinahihirapan niya ako.

"Fine just go home for the mean time, Mas mahaba pa pahinga mo kaysa ang pagsilbihan ako" reklamo niya.

"Hoy baka nakakalimutan mo mas kailangan mo 'ko kaysa kailangan kita. Umayos ka" singhal ko rito.

"Dati ka bang machine gun? Grabe kung makaratrat yang bunganga mo" he retorted.

"Pwede ba kung aalis ka umalis ka na" inis na turan ko.

"What do you mean by that? Did you forget i'll take you home" saad niya.

"Hindi na may bibilhin pa ako kaya kong umuwi mag-isa" saad ko at nag-umpisang maglakad palayo sa kanya.

"Hey! Alam mo naman siguro yung daan pauwi diba?" he asked.

"Malamang kaya umalis ka na shoo!" saad ko.

"Kinn go with he---

"Hindi na ako bata Denver! Tyaka mas kailangan mo si Kinn sa tabi mo" saad ko at humarap sa kanila.

"Oo nga Sir tyaka may meeting kayo ngayon diba? Halika na kaya na ni Xaria 'yan" pagsang-ayon ni Kinn.

"Makinig ka kay Kinn oh baka naman crush mo na 'ko kaya nag-aalala ka" pang-aasar ko at kinindatan siya.

Agad namula ang magkabilang tenga niya na ikinatawa ko.

"What the fuck are you talking about? Crush my ass! I'm not worried na may mangyareng masama sayo. Ang inaalala ko baka lumala yang topak mo at bigla kang magtago malalagot ako kay Dad" sambit niya.

"Aysus idadamay mo pa si Papá alam kong crush mo ko pero sorry may usapan tayo bawal kang mahulog sa akin. Tyaka kahit wala tayong usapan bawal ka paring magkagusto sa akin hindi kita type ayoko sa mga hindi malaki ang alaga" pang-aasar ko pa lalo.

"Shut up! I don't like you!" he stated and his face started to darken.

"Aysus tatanggi pa e namumula ka nga" muling pang-aasar ko.

"Xaria!" galit na turan niya kaya mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila.

Napatingin ako sa paa ko at mukhang balik na talaga ako sa dati.

Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)Where stories live. Discover now