𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 32 : 𝚆𝙴𝙳𝙳𝙸𝙽𝙶 𝙳𝙰𝚈

183 3 0
                                    

GALVIN'S POV:

Nagmamadali kaming pumunta sa mansion nila Denver.

Kagabi kasi nagising akong nagbabangayan si Kenjie at si Kaizer.

Nung tinanong ko sila kung anong nangyare pumalpak daw ang sorpresa ni Kaizer.

Imbes na dancer ang lumabas sa kahon ay si Alice ang lumabas mula rito.

Nangako si Kaizer na wala siyang alam sa nangyare pati siya ay nagulat.

"Good morning Manang Belen nasaan si Denver?" tanong ko.

"Ay sir nakaalis na po sila kanina pa" sagot ni Manang Belen.

"Ho? Eh diba mamayang 10:00 pa ang flight nila?" nagtatakang turan ni Kenjie.

"Ay sir ang dinig ko po kasi may kailangan ayusin sa villa nila roon sa greece kaya mas maaga silang pumunta roon" sagot ni Manang.

"I'm doomed!" saad ni Kaizer na tila nawalan ng lakas.

"Maraming salamat po Manang Belen, Pasensya na po sa abala aalis na po kami" paalam ko at inaya sila Kenjie na umalis na.

"A-Anong gagawin ko? Sigurado akong galit na galit sa akin si Denver, Gusto kong magpaliwanag sa kanya kaso umalis na sila" saad ni Kaizer.

"Calm down fucker! Kung talagang wala kang ideya sa nangyare kagabi wala kang dapat ipag-alala. Tutulungan ka naman naming makapagpaliwanag kay Denver eh" saway ko sa kanya.

"Oo nga tyaka hindi naman ganun kakitid ang utak ni Denver. Sa ngayon mas mabuti pang ayusin na muna natin ang mga dapat nating ayusin para masundan na natin si Denver sa greece" segunda ni Kenjie.

"Sige tatawagan ko kayo kapag tapos na ako sa mga papeles sa kumpanya" sambit ni Kaizer at sumakay sa kotse niya saka humarurot paalis.

"Hindi parin ako nakakamove-on sa nangyare kagabi. Pagbalik ko sa sala ginagapang na ni Alice si Denver. Grabe pala talaga ang epekto ng phobia niya sa kanya parang batong nanigas si Denver sa kinauupuan niya" sambit ni Kenjie.

"I told you having a phobia is not being dramatic. Hindi yun ginagawang biro kasi matindi ang epekto nito sa taong nakakaranas" seryosong turan ko.

"Ewan ko ba naman kay Kaizer kapag nakakita ng hubad na babae nakakalimutan niya na ang mga taong nasa paligid niya. Tapos ikaw knockout na kung bakit ba naman iba ang epekto sayo ng ininom natin kagabi. Buti na lang bumalik ako sa sala kung hindi baka kung ano ng ginawa ni Alice sa kaibigan natin" pag-iiba niya ng usapan.

"Oo nga pala anong ginawa mo kay Alice?" takang saad ko.

"Kinaladkad ko siya palayo kay Denver, Saka ko siya ipinatapon sa mga katulong ko" sagot niya.

"Ipinatapon? Ano siya basura?" natatawang saad ko.

"Tinatanong pa ba 'yan?" saad niya at tumawa ng malakas.

"Umalis na tayo baka mamaya tumawag bigla si Kaizer tapos tayo nandito parin" aya ko at sumakay sa kotse ko.

Ganun din ang ginawa ni Kenjie at magkasunod kaming umalis.

Nakakapangsisi na nalasing ako kagabi, Sino ba naman kasing mag-aakalang susulpot si Alice kagabi?

Ibang klase ang babaeng 'yun hindi marunong makaintindi nakakasura.

Pagdating ko sa opisina binilin ko ang sekretarya ko.

At pinirmahan ang mga dapat kong pirmahan.

"Kapag nagkaproblema, Call me right away" muling paalaka ko sa sekretarya.

Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)Where stories live. Discover now