REGIE'S POV:
"Kamusta na kaya si Xaria? Naayos na kaya niya ang problema niya kay Devon?" sambit ni Athena.
Nandito kami ngayon sa isang cafe, Pinilit nila akong dalawa ni Rain na mag coffee break.
Ilang araw na rin kasi kaming hindi nag-uusap at nagkikita personal man o sa video call.
Busy ako sa bar ko at kumpanya namin habang si Rain at si Athena naman ay nagsisimula nang pag-aralan ang pagmamanage ng kumpanya nila.
As soon as I graduated college ako na ang humawak sa kumpanya namin.
Si Rain at Si Athena naman ay medyo nahuli dahil wala naman silang interes sa business world.
Pero eventually ay pumayag na sila dahil wala namang ibang aasahan ang mga magulang nila kundi sila.
Si Xaria naman dahil nga itinakwil ay nagfocus siya sa Khalifa mawt.
Buti na lang ay pumayag si Tito Dmittri na hindi muna kami kukuha ng kahit anong misyon sa Khalifa mawt.
"I haven't talked to Xaria, Baka si Regie?" sagot ni Rain.
"Nope kayo nga hindi ko matawagan siya pa kaya" sagot ko.
"Pustahan na lang tayo" sambit ni Athena.
"Anong pustahan?" takang saad ni Rain.
"Pustahan tayo kung patay na ba si Devon o hindi pa" saad ni Athena dahilan para batukan siya ng marahan ni Rain.
"Anong patay? Siraulo ka ba? Bayaw siya ni Xaria syempre hindi niya sasaktan yun" saad ni Rain.
"Oh edi palitan pustahan tayo kung takot na ba si Devon kay Xaria o hindi pa" muling turan ni Athena.
"Ang kulit e! Sige magkano pusta mo?" agad na sagot ni Rain.
Napailing na lang ako habang pinapanood sila.
"100k oh, Dun ako sa takot na" sagot ni Athena.
"Sige dun ako sa hindi pa" matapang na turan ni Rain.
"Regie tawagan mo nga si Xaria para magkaalaman na" suhestyon ni Athena.
"Fine para makausap na rin natin siya" pagpayag ko at vinideo call si Xaria.
Ilang segundo lang ay sumagot naman si Xaria.
"Hi hun! We missed you!" saad ko at ipwinesto ang phone kung saan makikita kaming tatlo ni Xaria.
"Hello I miss you three!" masayang turan niya.
"Oh ano te? Kung hindi ka pa namin talaga tinawagan hindi ka pa talaga magpaparamdam? Nakalimutan mo na ba kami?" sermon ni Athena.
"Ha? Hindi no! Busy lang ako sorry na" sagot ni Xaria.
"By the way kamusta pala 'yung problema mo kay Devon? Naturuan mo na ba ng leksyon? Takot na ba siya sayo o ano?" singit ni Rain.
Napapalunok naman si Athena habang hinihintay naming sumagot si Xaria.
"Actually hindi ko siya pinatulan kasi sabi sa akin ni Rex nung umuwi ako sa mansion amuhin ko na lang siya, Ang kaso pumalpak ako mas lalo siyang nagalit kaya ang sagot sa tanong mo ay hindi pa siya takot sakin" paliwanag ni Xaria.
"Alright! Yes! Just give me my money!" masayang turan ni Rain at inilatag ang kamay niya sa harap ni Athena at hinihingi ang pera.
"Anong money?" takang saad ni Xaria.
YOU ARE READING
Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)
RomanceA girl who accidentally became the contractual wife of a mafia lord. Will she ever regret her decision in accepting this contract or will they truly become a couple in the end?