𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟺𝟸 : 𝙷𝙸𝚂 𝚂𝙴𝙲𝚁𝙴𝚃

2 1 0
                                    

XARIA'S POV:

Maaga akong gumising dahil balak kong ihatid si Devon.

"You're too early than me, What are you planning to do this time?" taas kilay na saad ni Denver.

"Secret!" masiglang sagot ko at dumiretsyo sa cr para makaligo.

Paglabas ko ng banyo wala si Denver kaya dumiretsyo ako sa walk in closet niya dahil naroon din ang mga damit ko.

Dahil ihahatid ko si Devon gamit ang bigbike ko ay isinuot ko ang paborito kong black leather jack, black pants at fitted na white sando.

"Where are you going? And why are you dressed like that?" takang saad ni Denver paglabas ko ng walk in closet.

"Secret nga e" pag-uulit ko.

"Have you fogotten our rules?" seryosong turan niya.

Napaikot ako ng mata dahil wala na siyang ginawa kundi banggitin ang pesteng rule niya.

"Fine, Ihahatid ko si Devon sa school niya masaya ka na?" sambit ko habang sinusuklay ang buhok ko.

"So you're really serious about taming my brother? But unfortunately while you were taking a bath he went out already Kinn drove him to school" saad niya.

"Ano? Bakit ngayon mo lang sinasabi?" inis na saad ko at nagmamadaling dinampot ang susi at ang helmet ko.

Buti na lang pinadala na ni Rex ang kotse at bigbike ko nung matapos niyang maayos ang sinirang windshield ni Rico.

"Hey! I'm still talki---

Hindi ko na inintindi ang sinasabi ni Denver at nagmamadaling bumaba.

Halos liparin ko na ang hagdan marating ko lang ang dulo nito.

"Oh Hija? Where are you going?" takang saad ni Papa.

"Ahh Pa hahabulin ko po si Devon ako na maghahatid sa kanya" nagmamadaling turan ko.

"Hija! Paano ang sugat mo?" pahabol ni Papa.

"Okay na Pa! Mag-iingat po ako good morning po pala" pasigaw na saad ko.

"Alright take care!" sagot niya.

Agad akong sumakay sa bigbike ko at binuhay ang makina nito.

Bumusina pa ako dahil isasara na ni Manang Belen ang gate.

"Good morning manang!" sambit ko habang palampas sa kanya.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at binilisan ang pagpapatakbo ng bigbike ko.

Bahala na kung hindi pa ganun kainit ang makina ang mahalaga maabutan ko si Kinn at si Devon.

Hindi nagtagal ay natanaw ko ang sinasakyan nila Kinn at Devon.

Hindi ako agad makalapit sa kanila dahil marami ring sasakyan ngayon medyo traffic.

Kada hinto ay panay ang sipat ko dahil baka mawala sila sa paningin ko.

Sa Ashwood High nag-aaral si Devon alam ko 'yun dahil sa ID niya at uniform niya.

Pero nagtataka ako dahil biglang bumaba si Devon mula sa kotse at kita kong umikot na ang sasakyan pabalik.

Ang alam ko medyo malayo pa rito ang lokasyon ng Ashwood High.

Hindi ko na pinahinto si Kinn dahil mas interisado ako sa kung saan pupunta si Devon.

Lihim ko siyang sinundan at pumasok siya sa Spades isang sikat na Bar at bilyaran sa mga kabataan.

Agad kong ipinarada sa harap ng bar ang bigbike ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: an hour ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)Where stories live. Discover now