XARIA'S POV:
Dumiretsyo ako ng uwi dahil hindi talaga ako natutuwa sa ginawa kanina ni Denver.
Nakakahiya! Nakakabanas, Ni hindi nga ako nagpapahalik sa labi nung kami ni Rico.
Tapos siya nagagawa niya yun kahit anong oras niya gusto? Ang kapal talaga ng manyak na yun!
"Oh bakit nakakunot yang noo mo? Akala ko ba may photoshoot kayo ang aga mo yatang umuwi" salubong ni Rex sa akin.
"Tapos na yung photoshoot gusto ko na ngang magpahinga kaya umuwi ako agad" pagdadahilan ko.
"Sabagay, May pagkain sa kusina initin mo na lang, Aalis na muna ako kailangan ako ni Dad sa hideout nagkaproblema kasi ang mga tao natin sa italy" sambit ni Rex.
"Sige ingat" tipid na sagot ko at nahiga sa couch.
Napuno ng katahimikan ang buong mansion, Walang katulong si Dad dahil ayaw niyang may ibang tao sa loob ng pamamahay niya.
At kung sakaling kailangan niyang magpalinis tumatawag na lang siya ng cleaning services.
Binuksan ko ang tv at nanood ng palabas.
"Why did you leave me there?" sulpot ni Denver.
"Ay puke! Tangina naman Denver! Pano ka na naman nakapasok dito?!" inis na turan ko.
"Sa pinto" pilosopong sagot niya.
"LABAS!!" galit na sigaw ko.
Pero imbes na lumabas siya ay lalo pa siyang lumapit sa akin.
"Huwag kang lalapit! Isa sinasabi ko sayo! Sasaktan kita kita mo!" banta ko pero parang wala siyang naririnig.
Nang makalapit ito ay agad kong kinuha ang mga unan na nasa tabi ko at pinagbabato sa kanya.
Naiwasan niya lahat yun, Tatakbo na sana ako ng mahigit niya ang kamay ko.
Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya at muling hinalikan ako.
"AHHHH MANYAK! MANYAK! MANYAK!" malakas na sigaw ko habang nagpupumiglas.
"Xaria? Xaria? Wake up Xaria!!" dinig kong saad ni Rex.
Napamulat ako at agad napaupo saka hinihingal na tumingin kay Rex.
"A-Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba pumunta ka na sa hideout nasaan si Denver?" tarantang saad ko.
"What are you talking about? Nakatulog ka dito sa couch kanina pag-uwi mo, Nananaginip ka panay ka sigaw ng manyak! manyak! Ano bang nangyayare sayo? Tyaka pano mo nalamang aalis ako?" takang saad ni Rex.
"A-Aalis ka pa lang?" hindi makapaniwalang saad ko.
"Oo kaya rin kita ginising eh kaso paglapit ko sayo binabangungot ka na" sagot niya.
"Hindi nga? Kurutin mo nga ako" pakiusap ko sa kanya.
Agad niyang inabot ang pisngi ko at pinisil ito ng malakas.
"Aray! Bitaw na" reklamo ko at tinapik ang kamay niya.
Kung ganun panaginip lang ang lahat kanina hindi talaga totoo na nandito si Denver.
"Oh ano gising ka na ba?" natatawang saad niya.
"Talagang sinulit mo ang pagkurot a" reklamo ko at sinamaan siya ng tingin.
YOU ARE READING
Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)
RomanceA girl who accidentally became the contractual wife of a mafia lord. Will she ever regret her decision in accepting this contract or will they truly become a couple in the end?