DENVER'S POV:
"You can now go home today Ms. Cortez yun nga lang bawal ka muna sa mga mabibigat na activities for safety reasons" paalala ng doctor bago kami tuluyang lumabas ng hospital.
"Thank you for taking care of my daughter Doc" sambit ni Ninong.
"Welcome sir I'm just doing my job" saad ng doctor at nagpaalam lumabas.
"Ahh sir nakatanggap po ako ng tawag mula sa hideout nagdadatingan na po ang mga consigliere, ibang capo at miyembro roon, Pinapatanong po nila kung anong oras daw po kayo pupunta" singit ni Kinn.
"Oo nga pala kumpadre byernes na ngayon, We totally forgot about the take over of Denver" saad ni Dad.
"Hindi problema yan kumpadre dumiretsyo na lang tayo dun sa hideout, Kinn ihatid mo si Xaria sa bahay ko doon na muna siya titira pansamantala, Para masigurong hindi na siya malalapitan pa ng gagong ex niya" sambit ni Ninong.
"No dad I need to go there too, I'm a capo after all" pagtanggi ni Xaria.
"You need to rest Xaria" singit ko.
"Kaya ko, nagkasugat lang ako hindi naman ako napuruhan" pangangatwiran niya.
"Hija Denver's right you need to re---
"It's okay Dad, Kaya ko besides responsibility ko as a capo na pumunta trust me magsasabi naman ako kung sakaling may maramdaman akong hindi maganda" pagmamatigas ni Xaria.
"Fine but first we need to change" saad ni Ninong.
Agad kaming bumaba at dumiretsyo sa mga saksakyan namin.
Dumaan kami sa mall para makabili ng idadamit.
Si Ninong at Xaria sumakay sa kotse niya at humiwalay sa amin may dadaanan lang daw sila saglit.
Nagpalit kaming tatlo nila Kinn sa loob ng kotse and we went straight to the hideout's location.
Pagdating namin dun ay tumambad sa akin ang mga helicopter, sportscar at mga bigbike na nakaparada sa buong paligid ng hideout.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ang lawak ng hideout.
"Sir pumasok na po tayo sa loob" aya ni Kinn.
Dumiretsyo muna kami pansamantala sa office ni Dad habang hinihintay ang pagdating ni Ninong at ni Xaria.
Dumiretsyo ako sa balcony at nagsindi ng tabako.
"Kinakabahan ka ba sir?" tanong ni Kinn.
"Why would i?" kalmadong turan ko.
"Malay ko ba sir syempre haharap ka na naman sa maraming tao, Paalala ko lang sir lahat ng taga ibang bansang capo at consigliere natin nandito" saad ni Kinn.
"And so? Is that enough reason for me to be anxious?" bored na saad ko.
"Sabi ko nga sir hindi na kung hindi" pagsang-ayon niya.
"Hijo you're Ninong is already here come on" tawag ni Dad mula sa loob.
"Hijo, Remember this don't get intimidated by those old folks you're going to meet later, Kung anong gusto mong sabihin just say it alright?" bilin ni Ninong.
Tumango na lang ako bilang sagot habang inaayos ang suot kong suit.
"Excuse me sir, Narito na po lahat ng consigliere at capo you can now start the announcement" sulpot ng isang lalaki mula sa pinto.
YOU ARE READING
Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)
RomanceA girl who accidentally became the contractual wife of a mafia lord. Will she ever regret her decision in accepting this contract or will they truly become a couple in the end?