XARIA'S POV:
Dire-diretsyo akong lumabas ni hindi na ako nagpaalam sa kahit kaninong nasa mansion.
I took a taxi and went straight to Dad's mansion.
Wala akong dalang pera o kahit ano kaya kinailangan ko pang katukin si Rex.
Kinakabahan pa ako dahil walang sumasagot sa loob.
Ewan ko ba kay Dad masyadong mahigpit sa privacy niya ni isang katulong wala siya.
Agad akong kumalma nang marinig kong may papalapit sa pinto.
"X-Xaria? What are you doing here?" gulat na turan ni Rex.
"Mamaya ko na sasabihin pahingi muna ng pambayad sa taxi" sambit ko saka imwinestra ang kamay ko para lagyan niya ng pera.
Agad siyang umakyat at kumuha ng pera saka siya narin ang nagbayad.
Itinapon ko ang sarili ko sa couch at saka pumikit.
"Tell me why are you here? Aren't you supposed to be with your husband? O baka naman nag-away kayo?" sambit ni Rex.
"Bakit bawal na ba akong pumunta rito dahil kasal na ako?" tanong ko pabalik.
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin ang akin lang why all of a sudden? Lalo pa't nabalitaan kong naaksidente ka raw nung kasal mo" he explained.
"Okay na 'yung paa ko teka nga bago mo 'ko sermonan hindi ka pumunta sa kasal ko" saad ko at agad naupo saka sinamaan siya ng tingin.
"I'm sorry may inasikaso ako noon, Pero napanood ko naman ang paglakad mo sa aisle. And I wanted to congratulate you my prettiest little sister" he explained.
"Prettiest? Malamang ako lang naman ang kapatid mo" nagtatampong turan ko.
"Huwag ka nang magtampo actually may wedding gift naman ako sayo" saad niya at ngumiti.
Umakyat siya taas at pagbaba niya may dala siyang mga kahon na nakabalot pa.
"Aba mala santa claus lang a" excited na turan ko.
"Syempre hindi ako nakaabot sa kasal mo tyaka kulang pa 'to para makabawi ako sayo" sambit niya.
"Talaga ni hindi ka man lang bumati sa tawag o text nakakasura. Kayo na nga lang ni Dad ang pamilya ko hindi ka pa pumunta" sambit ko.
"I told i'm busy that day, Kung gusto mo ulitin mo na lang yung kasal mo para makapunta ako" natatawang saad niya.
Binato ko siya ng unan at sinamaan ng tingin.
"Uulitin ko para ano matapilok ulit ako? No way" nakabusangot na turan ko.
Tyaka kung ako ang tatanungin hinding-hindi na ulit ako pakakasal kay Denver no.
"Saka mo na lang buksan 'yang mga regalo ko sa inyong mag-asawa. Bakit ka nga nandito? Ura-urada kang pumunta rito ginagamit mo pa yung pagiging absent ko sa kasal mo para iwasan 'yung tanong ko" he stated.
"Ikuha mo muna ako ng juice" pakiusap ko.
"Fine but after that sasabihin mo na sa 'kin kung bakit ka umuwi dito" paniniguro niya at nagtungo sa kusina.
Ilang minuto lang ay bumalik siya rito sa sala na may dalang juice at yelo.
"Oh ngayon sabihi---
"May panulak walang pambara?" muling hirit ko.
"Fine i'll go get some" naiiritang turan niya.
YOU ARE READING
Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)
RomanceA girl who accidentally became the contractual wife of a mafia lord. Will she ever regret her decision in accepting this contract or will they truly become a couple in the end?