Bzzz!!Bzzz!!Bzz!!
Agad kong pinatay ang nakakarinding tunog ng alarm clock na sinet ko sa 5:30 am.
Waaaah!!!
First day of school na naman.
Huhuhu...
Ang totoo niyan kanina pa ako gising, kung bakit kasi pakalat kalat ang mga kaibigan ni OGGY at kinagat pa ako sa braso. Eeww!
Tamad akong bumangon at naligo na lang. Pesteng ipis!
Bago ko makalimutan magpapakilala muna ako sa inyo.
Im Claiden Rhiane Velasco but you can call me Rhian for short ;). 17 years old na ako pero medyo isip bata pa din- i mean talagang 100% isip bata pala. Kaya siguro ganun na lang kung magworry sakin ang parents ko about being independent.
Halos isang linggo na din simula nang lumipat ako dito sa City of Love also known as Iloilo City para mag aral ng college. Nanggaling kasi ako sa isang far away province- pero hindi ibig sabihin na promdi ako ha! City Girl kaya to, palagi kasi kaming nagbabakasyon dito or sa ibang cities kaya medyo sanay na ko sa lugar, kaya nga lang this time by being independent.
Eversince nung bata ako gusto talaga ng parents kong maging doctor kami ng older sister ko pero ni isa samin ang ayaw kaya sinisikap naming mapalapit man lang sa profession na iyon. Nurse kasi ang sister ko while me, well gusto ko sanang maging director pero mas pinili ko ang kursong Med Tech hindi naman sa ayaw ko pero medyo mahirap kasi ang course kaya nagdadalawang isip ako but in the end yun parin ang kursong kinuha ko para naman atleast maging masaya ang parents namin.
Isang Marine Engineer ang Papa ko kaya minsan lang kami nagkikita dahil palagi siyang nasa barko habang si Mama naman isang Accountant sa malaking bangko.
Mag iisang taon na din since pumunta ang ate ko sa California para doon magtrabaho at balak kong sumunod sakanya para naman makapagretire na ang mga parents namin kaya sinisikap ko talagang makatapos kahit average lang ang utak ko. Nahihiya na din naman kasi ako sa mga magulang ko sa lahat ng gastos nila samin.
Okay done with the chu chu life of mine.
Matapos kong maligo ay agad na akong nag prepare para sa first day of school. Malapit lang naman ang apartelle ko sa University kaya siguradong hindi ako malelate.
Im wearing my signature style. Black shirt, black pants at black Keds sneakers. Wag kayong mag alala hindi ako emo talagang hilig ko lang ang black -_-.
Agad kong tinawagan ang mga HS classmate ko na mag aaral din sa University. Sayang nga at hindi kami magkasection.
"Rexi asan na kayo? Nandito ako ngayon sa 7/11. Alert na guys!" Sabi ko.
NakakaOP naman kasi dahil wala pa akong kakilala kaya kailangan na nilang makipagkita sakin.
Haixssst!!!
"Morning girl!!" Bati nila sakin.
"Mabuti naman at dumating na kayo, ang tagal niyo ha." Reklamo ko.
"Pasensya naman po Ms. Velasco, syempre kailangang magprepare sa first day." Saad ng HS classmate kong si Yannie.
"Siya nga naman atsaka hindi tayo malelate no, wala pa nga tayong schedule eh." Sabi naman ni Maya.
"Tsk. Porket magkaklase kayo tapos kami ni Rexi hindi."
Pambihira kasi ang dalawang to eh magkasabay sa pagenroll kaya magkaklase.
"Hahahaha ganun talaga." Yannie.
Matapos naming mag usap ay agad na kaming tumungo sa main gate ng University.
Universitu of San Felipe is known to be the first University in Region 6. Sila din ang palaging nagtatop sa mga Board Exams lalo na sa field ng Med Tech at Pharmacy kaya makakatakot paghindi ka mag aral ng mabuti.
This is it!
A new beginning!!!
A/N:
Hello readers!!! Bumalik nanaman ako pero sandali nga lang.
Well musta ang life??? Kasi ako super busy mabuti na lang at may sem break.
Since miss ko na ang wattpad at gumawa ng story here is my new story that is INSPIRED by true happenings that are played by my really favorite LT and Idol.. JaDine Men!
Ill tell you the reason why i made this story when we reach the epilouge.
Well isa kong paalala, 1 month lang po ang sem break namin kaya kung hindi ko man matapos ang story ay babalik din ako sa next vacay which will be on Xmas Eve kaya sana kahit hindi ko agad matapos ay hindi kayo magsawang sumuporta.
Ill gonna work hard for this one now!!!
Chow chow!!! ;)
--- Miss A
BINABASA MO ANG
Game of Love (Book 1)
Teen FictionAng pag ibig ay parang isang laro. Dapat marunong kang dumiskarte; sa pagshoot ng bola, pag iwas sa mga kalaban at paano hindi mafoul. Pero paano kung sa isang iglap ay nahulog ka sa isang taong hindi mo inaasahan. Ang sabi pa nga nila isang 'One bi...