Chapter 39

1.2K 57 3
                                    

Trek POV

"Raine..." tawag ko sakanya.

Ilang araw na kasi namin siyang hindi makausap ng maayos. Lalabas lang siya para kumain tapos agad ding papasok sa kwarto niya. Kahit sa practice wala siyang gana at nakaupo lang.

I sighed.

"Kung pasukin na lang kaya atin?" Tanong ni Ivan.

Kasama ko kasi ang buong team. Gusto sana namin siyang isama sa MO2 kaya lang paano naman namin siya maisasama?

"Oo nga Trek, baka mamaya uminom na yun ng baygon." Dave.

"Wengya ka Dave para sa lamok yun! Baka naman moth balls." Troy.

Pinandilatan ko naman silang dalawa. Nakuha pang magjoke!

"Kayong dalawa ang sarap niyong batukan eh! Kita niyo ngan brokenhearted yung tao!" Bulyaw sa kanila ni Jester.

"Ano?! Akala ko ba constipated lang siya?!" Josh.

=_=

"Shunga! Meron bang naconstipated na nagkukulong?!" tanong ni Ivan at binatukan si Josh.

Tsk! Ito na ang sinasabi ko eh. Mga siraulo talaga kahit kailan!

"Tumigil na nga kayo! Tulungan niyo na lang ako kung paano natin mailalabas jan si Raine sa kwarto niya." Sabi ko.

"Alam ko na!" Sabat ni Troy.

"Ano?" Tanong namin.

"Buksan natin ng susi ang pinto, sigurado makakalabas si Raine jan. Baka kasi nalock siya eh."

=___________=

Shit naman oh! Bakit kasi may mga kaibigan akong baliw!

Rhian POV

"Sigurado kang kaya mo?" Tanong sakin ni Yeolie.

"Oo couz dont worry."

Gen clean kasi ngayon ng room ko kaya ito busy ang life. Alangan naman kasi magrent pa ko ng taga linis kung kaya ko naman. Hindi naman ako gaanong kaburara kaya malilinis ko ito agad.

Una kong niligpit ang bed ko at inayos ang mga furnitures. Sinunod ko ang pagpunas sa bintana at salamin, pagkatapos ay pi alitan ko na yung bedding ng kama ko.

Infairness ha may kasama ng exercise tong ginagawa ko!

Pagkatapos kong magpalit ng bedding ay nagwalis na ako ng sahig.

I sighed.

Atleast sa ganitong paraan nakakalimutan ko ang stress. Mabuti naman at hindi nagpaparamdam sakin si Raine.

Im still not ready to face him. Kahit sa school ay umiiwas ako, sa class naman malayo ang upuan niya sakin natutulog lang at minsan absent.

Siguro ito na muna ang status namin hanggang sa maging okay na ang lahat.

Knock~~ knock~~

"Couz sayo ba itong box?" Tanong ni Yeolie habang hawak ang isang pamilyar na pendora box.

Lumapit ako sakanya at kinuha yun.

"Couz san mo to nakita?"

"Andun malapit sa altar. Ano bang laman niyan?"

Ngumiti lang ako sakanya. At mukhang na gets niya naman.

"Sige, kung may kailangan ka tawagin mo lang ako sa baba ha." Sabi niya. Tumango lang ako.

Umupo ako sa paanan ng kama koo habang nakatingin sa hawak kong box.

I deeply sighed bago ito binuksan.

And memories haunt me.

Dito kasi lahat nakalagay ang pictures, souvenirs at memories na galing kay Raine.

I can sense a bitter sweet moment right now.

Kinuha ko sa box ang isang picture namin kung saan pareho kaming nakatanggap ng award nung sumali kami sa isang cooking contest.

Kinuha ko ulit ang isang picture namin. Its last summer nung pumunta si Raine sa Boracay para sundan ako dahil nagkaroon kami ng family vacation. It was that time na nagsimula ang lahat na ilink kami.

Mas bumigat ang dibdib ko sa sunod kong kinuha sa box.

It was the locket he gave me.

Hindi ko na napigilan pang hindi umiyak.

Nagbalik sa isipan ko ang lahat. About how we started as strangers to bestfriends and to this complicated situation.

Sayang nga lang at unti unti siyang nasisira. But how can I bear it? Siguro ito nga talaga ang kapalaran namin.

Ngayon naniniwala na akong wala talagang forever kahit sa dalawang taong nagmamahalan. Lahat ng bagay sa mundo ay hindi permanente kaya bawat oras ay mahalaga.

Yun ang hindi naiintindihan ng mga taong nagmamahalan. They dont use the time given to them to be happy kaya sa huli hindi sila nakokontento sa mga alaalang ginawa nila.

Ang saklap lang isa ako sa mga taong yun.

Kung pwede ko lang sanang ibalik ang lahat sa dati mas pipiliin ko na lang ang friendship namin dahil dun mas maniniwala pa akong may forever.

Ring~~ ring~~

Unknown calling...

Agad akong nabalik sa realidad ng tumunog ang phone ko. Pinunasan ko ang mga luha kong and composed myself saka sinagot ang tawag.

"Hello..."

"Rhiana..."

Bigla akong nanigas sa boses na narinig ko. Totoo ba to???

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Hanna."

Game of Love (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon