"Rhin punta tayong Munsterific." Aya ni Vien.
"Ah sige pero sunod na lang ako kasi may ibibigay ako kay Ate Elyssa."
"Sige text ka na lang mamaya."
"Sige ingat." Paalam ko at umalis na si Vien.
Ilang araw na din simula nung nangyaring habulan. Mukhang hindi na rin ako hinahunting ng mga varsity players at nag diedown na din yung issue. Mabuti naman at nalinawan na ang mga loko!
"Ate!!!" Tawag ko kay ate elyssa.
"Oh sis dala mo ba yung USB?" Tanong niya.
"Yup, may bayad yan ha." Biro ko.
"Tse! Wala akong pera noh."
"Hahaha eto naman hindi mabiro. Sige ate alis na ko. Ingatan mo USB ko ha!" Sabi ko at umalis na.
Hindi ko alam kung saan dadaan. Madalang na kasi akong dumaan sa side gate nang dahil sa mga nangyari, nandun kasi malapit ang gym kaya sa main gate na ako dumadaan.
I sighed.
Bahala na nga! Tutal hindi nanaman nila ako hinahabol eh.
Wala ng masyadong tao dito sa school. Siguro dahil friday na kaya maluwag ang mga schedule ng classes.
Papalabas na sana ako ng gate nang biglang may bumuhat sakin na parang sako.
"Hoy bitawan niyo nga ako!!!! Tulong!!!!!" Sigaw ko pero walang nakarinig..
Asan na ba kasi si Manong Guard?!
"Mga walang hiya kayo! Bitawan niyo ako!" Pilit kong kumawala sa kanila.
Dinala nila ako sa loob ng gym at pinaupo sa isang upuan.
Akala ko ba tapos na to?!
Pnalibutan ak ng mga varsity players. Halatang kakatapos lang nilang magpractice. Kailangan kong maging matapang. Lalaban na talaga ako!
"Hindi niyo ba ako titigilan? Nakabayad na ko sa kasalanan ko ah!" Matigas kong sabi.
"Pwede ba tumahimik ka." Suway sakin nung isa. Si Troy.
"Tse! Sisigaw ako kung gusto ko at pwede ba pakawalan niyo ako!"
"After what you did, pinunit mo pa ang uniform ko!" Sabi ni Villafuerte.
"FYI mister hindi ako ang nagpunit nun, pinag utusan lang akong kunin ang mga gamit niyo." Katwiran ko.
"Eh paano yung pagspray paint mo sa shower room." Sabi naman ni Torre
"Hindi ako yun, atsaka allergic ako sa amoy nun kaya mas gugustuhin ko pang magnakaw ng damit kaysa maospital dahil sa asthma." Then i rolled my eyes.
Palaban kaya ako noh!
"What about my face. Amazon ka ang sakit ng panga ko sa suntok mo!" Reklamo naman ni Ivan.
"Ganun ba, sorry ha matagal na kasi akong hindi nakapagpractice eh kaya ikaw yung napagpractisan ko." Sarkastikong sabi ko.
"Abat---" sasagot pa sana si Ivan pero pinigilan siya ni Trek.
Teka asan naman si Bebe Labbs ko? Tsk nandun pala sa gilid nakaupo lang.
"Guys tama na yan, hindi naman yan ang rason kung bakit natin siya dinala dito eh." Sabi ni Strike.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Lumapit siya sakin at malalim akong tinignan. O-k-a-y...
"Anong full name mo?"
"Search mo sa FB."
Nagdilim naman ang mukha niya.
"Seryoso ako."
Napalunok naman ako.
"Bakit niyo ba kailangan ang full name ko? Ano kayo mga stalker?" Tanong ko.
Tumawa naman sila.
Hala! Ano to mga gangster?! Pwes hindi bagay!
"Sa pagkakaalam namin ikaw yung stalker dito lalo na kay Raine." Ivan.
O___________o
Namula ako bigla sa sinabi niya.
"H-indi noh. Assuming ka!"
"Sabihin mo na lang kasi miss para pakawalan ka na namin." Pilit ni Strike.
"Tsk. Oo na Claiden Rhiana Velasco. There i said it. Can i go now?"
"Middle name." He blurted.
Teka pati yun?! Balak ba nilang udamay ang buong angkan ko?!
"Kung ano ang binabalak niyo hindi kayo magtatagumpay. Swear!"
"Isa." Panakot ni Trek.
I sighed.
"Barredo."
"Kaano ano mo si Roel Barredo?"
"Teka teka paano niyo siya nakilala. Police ba kayo? Lolo ko siya."
Strike sighed at napatayo ng tuwid atsaka sinuklay ang buhok niya.
"I knew it! Sabi ko na eh makakagawa tayo ng paraan para manalo sa game." Bigla niyang sabi sa mga teamates niya.
Naguluhan naman ako sa sinasabi niya.
"Excuse me pero anong sinasabi niyo?"
"Diba magaling sa basketball ang lolo mo?" Tanong ni Trek.
"Oo dati siyang coach ang province namin nung kapanahunan niya."
"Yes, the province who defeated San Felipe 25 years ago. Hindi mo ba alam na legendary ang lolo mo."
"Wait bro, sinasabi mo bang lolo ng babaeng ito ang idol ni Coach?" Tanong ni Villafuerte.
"100% bro. Actually kaya natin siya hinahunting dahil may nakapagsabi sakin na tagaprovince siya at galing sa pamilya ng magagaling sa basketball that is why were trying to find her."
"What?!??!?!?!" Sigaw naming lahat.
To be continued...
===================
Raine, Trek, Troy and Dave on top..
BINABASA MO ANG
Game of Love (Book 1)
Teen FictionAng pag ibig ay parang isang laro. Dapat marunong kang dumiskarte; sa pagshoot ng bola, pag iwas sa mga kalaban at paano hindi mafoul. Pero paano kung sa isang iglap ay nahulog ka sa isang taong hindi mo inaasahan. Ang sabi pa nga nila isang 'One bi...