Few months later...
"Goodbye Sophomores!!!!! Goodluck Juniors!!!!!" Sigaw ng kaklase ko sabay inom ng beer.
Ang sarap lang kasi sa feeling na magiging 3rd year college na kami. Ang bilis ng panahon. 3 weeks lang ang bibigay saming summer vacation dahil simula this school trimester na kami. Kaya ngayon nagpasya kaming magbar hopping sa Zyrone kasi hindi na namin to magagawa until next year.
Waaah!!!!! Magiging zombie na ako! Huhuhu. Say hello to eyesbags na ko T___T.
"Grabe guys no, parang kailan eh freshmen pa lang tayo tapos ngayon 3rd na." Sabi ni Colleen.
"Oo nga eh, matututo na tayong maghandle ng specimen." Chiara.
Dito kasi sa San Felipe 3rd year yung start ng professional subjects sa Med Tech kaya dapat super serious talaga sa studies. Feel ko nga malingat lang ako sandali eh babagsak na ko.
"Oh nandito na pala yung bagong lovebirds eh. Whoooo!" Sabi ni Lloyd nang makitang pumasok sina Ivan at Sarah na magkaholding hands.
Ngayon kasi si Ivan naglakas loob para tanungin si Sarah. Pasalamat nga siya at noon pinatawad siya ni Sarah. Grabe ang hirap na ginawa ko nun para lang magka ayos yung dalawa. Hayy nako!
Pero mas lumapad ang ngiti nang makita kung sino ang nasa likuran nila. Sino pa ba? Pointy nose, red lip, hot bangs and two gorgeous dimples. Sheeeeeet ang swerte ko!!!
"Hi dhie!" Bati niya nang makalapit siya sakin. Agad niya akong hinalikan sa noo at niyakap.
"Aheeem. Masyado kayong PDA jan! Yung bagong couple naman oh." Sabi ni Ian.
Tumawa na lang kami ni Raine at umupo.
Ang sweet nila Ivan at Sarah. Kita mo pa hard to get pa ang babaeng to eh mahal naman si Ivan. Juice ko!
"Anong gusto mong inumin?" Tanong ko kay Raine.
"Heneiken will be good, ayoko ko kasing malasing." Sabi niya.
Agad akong tumawag ng waiter at nag order ng 4 bottles na heneiken. Iinom din ako no.
"At bakit, may plano ka bang maglasing?"
Naku subukan niya lang talaga at ihuhulog ko siya sa Iloilo River.
"Wala naman, may pupuntahan lang kasi ako bukas eh."
"Saan?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya sakin at uminom ng alak.
Dahil sa couples kami eh pinabayaan kaming apat ng mga kaklase namin. Talagang binigyan nila kami ng table para daw magkaroon kami ng sariling mundo dahil baka maOP sila samin. Tss.
"Oh bro naachieve mo na si Sarah jan hindi ka na namamansin." Sabi ni Raine.
Sinuntok naman siya ni Ivan sa braso.
"Ewan ko sayo tol!" Inis na sabi ni Ivan.
Tumawa na lang kami ni Sarah. Binalingan ko si Raine at hinawakan siya sa pisngi.
"Ikaw wag mo ngang ginugood time si Ivan mamaya mainis yan sayo." Sabi ko kay Raine.
"Dhie naman sanay na sakin ang mokong na yan, alam mo namang halos sabay na kaming lumaki."
"Kahit na no, hayaan mo na lang kasi kitang inlove yung tao eh. Parang ikaw naman hindi ganyan." Sabi ko at umirap sakanya.
"Tss, ikaw kaya ang clingy sating dalawa."
"Aba!!!" I cussed at hinampas siya sa balikat.
Then he chuckled.
"Just kidding dhie. Sorry na." He sincerely said and kissed my cheek.
"Psh, lagi mo kong inaasar eh." Sungit ko at umiwas ng tingin.
But he held my chin kaya napatingin ako sakanya.
"Okay sorry na. Love you."
And that made me smile.
"Love you too." I replied.
Then he gave me a peck on the lips. Madilim naman eh!
"Hoy kayo! Pwede kami muna, sinisira niyo moment namin eh!" Singit ni Ivan.
"Ang sabihin mo inggit ka lang."
"Tss. Corny mo dude!" Sigaw sakanya ni Ivan.
Napatawa na lang kami. Hay nako mga isip bata talaga tong boyfriend namin.
*
*
*
Midnight na ng lumabas kami ni Raine sa loob ng bar at iniwan ang mga kaklase ko. Lahat kasi sila nagwawild party na. Naisipan na lang namin na pumunta sa great spot namin which is ang Esplanade. Nakiusap lang kami sa guard na papasukin kami dahil hanggang 10pm lang kasi ito bukas.
Tahimik lang kaming naglalakad at dinaramdam ang malamig na hangin.
"Dhie..." i break the silence.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin.
"Magiging 3rd year na ko kaya sana kung minsan hindi tayo magkita at magbonding wag kang magalit." Sabi ko.
Alam ko kasing mawawalan na ko ng tune sakanya kaya ngayon pa lang sinasabihan ko na siya.
"I understand dhie, kahit ako din naman magiging busy ngayon intern na kami plus ako na ang captain ball dahil graduate na si Kuya."
I sighed.
"Dont worry dhie, mabilis lang matapos ang school besides we enroll in the same school, pwede tayong maglunch ng sabay or dinner. Paglong weekend we can have a date kahit ilang hours lang. Texts, calls, chat, kahit comments pwede tayong mag usap tapos--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil agad niya akong niyakap ng mahigpit. Yung tipo bang hindi niya ako bibitawan.
"I love you Rhian, i always and forever will."
"Ako din Raine, mahal na mahal kita."
==================
Rhiana on her 3rd Year...
BINABASA MO ANG
Game of Love (Book 1)
Novela JuvenilAng pag ibig ay parang isang laro. Dapat marunong kang dumiskarte; sa pagshoot ng bola, pag iwas sa mga kalaban at paano hindi mafoul. Pero paano kung sa isang iglap ay nahulog ka sa isang taong hindi mo inaasahan. Ang sabi pa nga nila isang 'One bi...