Chapter 7

1.4K 65 1
                                    

"Hoy nabalitaan niyo na ba? Meron daw pumasok na freshmen sa shower room."

"Hindi lang yun kinuha niya din daw yung mga damit ng players."

"Aih grabe kalanding babae naman yan! Anong department ba?"

"CPMT daw eh."

Halos yan lang ang naririnig kong usapan dito sa buong university at sa facebook.

'Isang babae pumasok sa shower room ng San Agustin'

Huhuhuhu...

Im totally screwed!

Since last week hindi na ako makatulog ng mabuti dahil sa ginawa kong kahihiyan. Nakapasa nga ako sa iniciation pero hinahunting naman ako ng mga varsity. Hindi naman ako masususpend eh dahil kasama talaga sa curriculum namin ang iniciation pero mukhang malalagoot naman ako sa mga varsity players. Waaaah! Nakakahiya.

Lunes na lunes parang biyernes santo ang mukha ko. Sino ba naman ang hindi, ikaw din kaya maging trending sa buong school!

"Rhiana!" Sigaw agad ni Stella habang paakyat sa gamboa hall.

"Shhh! Wag mo ngang isigaw yung pangalan ko." Suway ko sakanya.

"Hehe." Sabi niya at nagpeace sign.

"Rhin nabalitaan mo na ba?" Tanong ni Sarah.

I sighed. I know what theyre talking about.

"Ako yun."

"Ha? Pakiulit nga." Stella.

"Ako yun. Ako yung nagnakaw ng mga damit at pumasok sa shower room." Seryosong sabi ko.

"Ano?!" Sigaw nung dalawa.

Napatingin naman samin ang mga kaklase namin kaya nedyo lumayo kami ng konti sakanila.

"Pero bakit mo yun ginawa? Desperada ka na ba kay Raine--- aw!"

Binatukan ko siya.

"Xhunga! Sa tingin mo ganun ako kababaw?!"

"Eh anong dahilan?" Sarah.

"Si Ate Angel."

"Yung master mo?" Sabay nilang sabi.

Tumango ako.

"Yun kasi yung utos niya sakin. Malaki daw kasi yung atraso nila kay ate angel last year sa iniciation kaya bumawi siya."

"Bakit ano bang ginawa nila kay Ate Angel?" tanong ni Sarah.

"Inutusan daw kasi nung master ni Ate Angel yung boyfriend niyang varsity na ikulong siya sa shower room. Takot kasi si Ate sa madidilim. Kaya ayun gusto niyang bumawi." Kwento ko.

Ang alam ko si Villafuerte yung boyfriend nung master ni Ate Angel. Kaya siguro pinunit niya yung uniform ni Villafuerte.

"Kaya naman pala naka eyeglasses ka at nakamask. Haha" tawa ni Stella.

"Oo nga eh, akala o bga excited lang itong si Rhin sa Bio Lab mamaya. Hahaha!" Sarah.

"Sige pagtawanan niya pa ako, kayo din kaya sa posisyon ko!"

Porket kasi pinaglinis lang sila ng cafeteria pagtatawanan na nila ako!

Fast forward~~~

"Ah Stella, Sarah una na ko ha." Paalam ko.

Kakatapos lang kasi ng last subject namin. Gusto ko ng umuwi!

"Hep! Kain muna tayo sa cafeteria oh." Sabi ni Sarah.

"Ayoko nga! Baka mamaya may varsity players dun!" Tanggi ko.

Malapit pa naman doon yung classrooms ng Culinary Arts baka makita pa ko ni Raine. Sa main gate na nga ako dumadaan eh dahil baka makita nila ako sa back gate.

"Hindi yan noh mukha naman kasing effective yang mask mo pati nga si Sir Robles hindi ka nakilala. Haha!" Sabi ni Stella.

"Tss, oo na. Wag niyo na akong pagtripan."

Habang nasa cafeteria nakayuko lang ako. Hindi ko na kasi ginagamit yung mask ko dahil kumakain ako ng fries, eyeglasses na lang.

"Guys alam niyo bang hinahanap ngayon ng mga varsity players yung girl."

Rinig kong tsismis ng mga babae sa kabilang table.

"Grabe ha, mukha ngang galit si Strike eh. Lagot talaga ang babaeng yun."

Im dead!!!

"Aba talagang lagot, hindi palalampasin nina Trek yung ginawa niya noh."

"A-h guys alis na ako ha." Paalam ko kina Sarah.

"Ha, eh hindi ka pa tapos ah." Stella.

"H-hindi na, nagmamadali kasi ako." Sabi ko at agad ng tumayo.

Palabas na sana ako ng biglang may dumating na hindi ko inaasahan.

Sh*t!

Ang mga varsity players!!!

Agad na kumabog ang dibdib ko sa takot. Hindi ko alam kung paano makakalabas dito. Huhu.

Pasimple akong naglalakad papunta sa kabilang pinto. Kailangang walang makahalata sakin!

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng bigla itong bumukas at bumungad sakin ang mukha ni Raine kasama si Ivan.

Agad na nagdilim ang paningin nila nang makita ako.

"Trek! She's he--- ouch sh*t!" Sigaw ni Ivan nang bigla ko siyang sinuntok at tinulak silang dalawa.

Tumakbo ako palayo sa cafeteria at palabas ng main gate.

Pag uwi ko sa apatelle agad akong napaupo sa sahig dahil sa pagod.

Kilala na ako ng lahat. Hindi ko na alam kung paano magtatago.

Hindi ko mapigilang umiyak.

Bakit kailangang maging ganito ako kamiserable???

Oh God please help me!

Game of Love (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon