"Time for party!!!!"
Sigaw nina Trek.
Bumalik ulit ako sa garden dahil nagtext sakin sina Mama.
"Okay dahil ginalingan niyo ang practice ito ang reward niyo pero isang case lang ha." Sabi ni coach sabay bigay ng isang ng ibat ibang klase ng alak.
"Rhian juice na lamg sayo ijah bakakasi hindi ka umiinom." Sabi ni Tita.
"Naku Jesse wag kang mag alala pagdating sa alak expert ang batang yan." Sabi ni Papa.
Lahat naman sila napatingin sakin. Napangiti na lang ako ng pilit.
Talaga kasing umiinom ako ng alak. Ewan ko ba basta natuto lang akong uminom pero dapat pagkasama lang sina Papa.
"Eh okay lang po Tita hindi ako umiinom ng matapang, T Ice lang." Sabi ko.
"Sus akala naman namin lasenggero ka Rhin, baka mamaya talunin mo pa kami sa inuman." Ivan.
Pinandilatan ko lang siya ng mata.
"Randy mauna na kami ni Mary pero maiiwan si Rhian napagod kasi kami sa byahe kanina." Papa.
Ano?!?!?! Iiwan nila ako dito?! No way!!!
"Pa! Paano ako uuwi?!"
"Wag kang mag alala Ijah si Trek ang maghahatid sayo." Sabi ni Tita Jesse.
Kung si Trek okay lang basta wag si Raine.
"Naku naman anak, wala namang pasok bukas eh atsaka para naman makaenjoy ka, minsan lang naman." Papa.
"Oo nga nak pero wag masyadong uminom baka mamaya mangyari ulit yung sa boracay." Sabay tawa ni Mama.
Oh shiss!!! Pinaalala pa!
"Ma naman eh!" Suway ko.
"Oh siya una na kami. Randy, Jesse salamat ulit. Rhiana behave." Sabi ni Mama at umalis na.
"O guys wag magkalat ha at wag masyadong maingay." Sabi ni Coach at umalis na.
I sighed.
Naiwan ako kasama ng mga varsity.
Nakatingin lang sila sakin. Anyari sa mga toh?
"Oh bakit?" Mataray kong tanong.
"Oh tubig na lang sayo baka mamaya ubusin mo pa alak namin." Troy.
"He! Kung ipalamon ko kaya sayo yung bote?!" Singhal ko at kumuha ng isang lemon flavored beer atska binuksan.
"Oh anong tinatayo niyo jan? Ayaw niyong uminom?"
Kasi naman nakatunganga lang. Psh.
"O tara na. Lets get waisted!" Sigaw ni Dave.
Tss. Parang tanga lang.
-
-
-
-
-
"Truth or dare?" Tanong ni Dave kay Trek.
Hndi ko alam kung ilang bote na ng T.Ice ang nainom ko, ang alam ko lang ay malapit na akong malasing.
"Sige dare." Sabi ni Trek.
Napangisi naman si Dave at saka lumagok ng beer.
"I dare you to kiss your foot men." Sabay tawa ni Dave.
Halos lahat kami lasing na. Si Troy namumula ang mata, si Josh naman tulog si Ivan andun sa CR nnagsuka. Kamingtatlo na lang ni Trek at Dave yung may wisyo.
Si Raine??
Ewan, kanina pa siya umiinom pero hindi ko alam kung lasing na din siya tulad ng iba. Ang tahimik niya buong gabi.
"What the Eff tol ayoko!" Tanggi ni Trek at ininom ang isang shot glass ng tequila.
Loko loko kasi si Troy eh nagdala pala ng tequila at secreto naming iniinom ito ngayon kapag ayaw naming gawin at sabihin ang truth or dare.
At since tatlo na lang kaming naglalaro nagkukwento na lang kami sadyang yung dalawa lang ang nagiinsist na maglaro. Mga baliw eh.
"Oh Rhin ayos ka lang jan baka mamaya sumuka ka dito ha." Dave.
"Tss anong akala niyo sakin burara, hindi pa ako nasusuka since nag umpisa akong matutong uminom!"
Wag niyo akong ikumpara kay Ivan na kanina pa sa CR, halos yakapin ang toilet dahil sa kalasingan.
"Okay magkwento ka na lang Rhin." Trek.
Napatingin naman sakin so Raine na kanina pa tahimik. Napapansin ko lang buong gabi siyang palihim na tumingin sakin. I know he wants to talk pero sadyang mailap lang ako.
"About what?" Tanong ko.
"Ikwento mo na lang yung boracay. Haha!" Strike.
Napatawa din ako.
"Happy hour nun kaya nagdecide kami ng pinsan ko na libutin ang buong beach. Nakipagkita kami sa kaibigan namin para magpasama at uminom sa station 1. Ayun nag inuman kami hanggang sa nalasing kaming tatlo, lahat pa naman kami minor kaya agad kaming umuwi. And the best part! Nagkamali kami ng hotel room na pinasukan." Kwento ko at tumawa kaming tatlo.
"Youre extraordinary Rhin nagawa mo talaga yun?" Trek.
"Ewan ko nga eh pero yun na yung huling pinakamagandang nangyari sa buhay ko." Sabi ko at uminom.
"Eh yung first love mo sino?" Strike blurted.
Bigla naman akong napatingin sa kanila, basically kay Raine na halos hindi matanggal ang tingin sakin.
Bigla ko tuloy naalala...
"Christian..."
"Christian??" Nagulat ako sa sinabi nila.
Gosh! Napalakas yata boses ko. Tumingin ulit ako kay Raine na ngayon ay umiinom.
"Sino yun Rhin?" Tanong ni Dave.
"Tse! Wag kang tsismoso. Uwi na ko!" Sabi ko at tumayo pero nang tumayo ako nakaramdam ako ng hilo.
"Lasing kana Rhian mamaya na lang." Sabi ni Trek.
Umiling ako.
"No i need to go home now." Pilit ko.
Ayoko ng manatili sa lugar na to.
"Trek hatid mo na ako." Pakiusap ko.
"Pero Rhian lasing na din ako baka maaksidente lang tayo." Sabi niya.
Gosh! Pano ako makakauwi?!
"Ako na lang."
Napatingin ako sa nagsalita.
"Ill take you home Rhiana."
BINABASA MO ANG
Game of Love (Book 1)
Novela JuvenilAng pag ibig ay parang isang laro. Dapat marunong kang dumiskarte; sa pagshoot ng bola, pag iwas sa mga kalaban at paano hindi mafoul. Pero paano kung sa isang iglap ay nahulog ka sa isang taong hindi mo inaasahan. Ang sabi pa nga nila isang 'One bi...