Mariah's POV.
Medyo natatagalan na din ako dito sa secret house ni Christine, and nahihiya na din ako sa kanya kasi nahahati yung oras nya sa pag aaral pati sakin. Alam ko naman na priority nya yung pag aaral nya and kahit kailan ay hindi sya nawawala sa top 1. Lalo na ngayon na 4th year college na kami, mas kailangan nyang tumutok sa pag aaral. Kaya napapaisip nalang ako ngayon na umalis na sa place nya, total kaya ko naman na ang sarili ko. Ang kaso nga lang hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Naputol ang pag iisip ko nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkakita ko palang sa screen ay agad akong napangiti dahil si Mom ito. Hindi kami masyadong close ni mom, I mean sya yung nag palaki sakin, pero ramdam ko sa sarili ko na malayo ang loob nya sakin, at alam kung dahil ito sa tatay kong iniwan at pinabayaan lang kami. Alam ko yun dahil sa may time na nalasing si mom at naikwento nya yun sakin.
Agad kong sinagot yung call.
"Hello mom?" -otp
"Mariah where are you? Wala ka daw sa apartment mo? Ano ka ba naman saan ka nanaman nagpipinunta?" -otp
"Mom nasa bahay lang ako ng friend ko, bakit po kayo napatawag?" -otp
"So ito na nga, alam mo naman na hindi na kita kayang pag aralin right?" -otp
"Mom please malapit na po akong matapos, 1 year na lang po matatapos na ako, gusto ko pong ituloy yung pag aaral ko at gusto ko pong makatapos" -otp
"Yes I know Mariah, kaya nga gumawa ako ng paraan para makapag tapos ka ng pag aaral, para makagraduate ka, humingi ako ng tulong sa boss ko, kaibigan ko sya" -otp
"T-talaga po?" -otp
"Yes Mariah, Naalala mo yung kinwento ko sayong boss ko? Yung sobrang ganda at bait? Sya yung tutulong sayo, her name is Mariah Queen Arceta, sa kanya kita ipinangalan at pinaglihi, kaya tiyak kong mas mag kakasundo kayo dahil parehas lang kayo ng ugali at kamuka mo ito" -otp
"Opo natatandaan ko po yung kwento nyo sakin, pero hanggang ngayon hindi ko pa sya namemeet" -otp
"Yun na nga Mariah, sila na ngayon ang mag papaaral sayo, at sa mansion kana nila titira, don't worry pinag paalam na kita, at pumayag sila, kaso lang ay medyo malayo yung place nila" -otp
Agad naman akong nabuhayan ng dugo. Tamang tama kailangan kong makalayo sa lugar na'to, hindi na ako makakaabala kay Christine at matutuloy ko pa ang pag aaral ko. Bukod pa dun ay makikita ko na yung boss ni mom na sinasabi nyang kamuka ko. Shesh! Love pa din talaga ako god kahit papaano.
"Talaga po mom? Eh pano ka po? Saan ka na po ngayon?" -otp
"Don't worry about me okay? Kaya ko ang sarili ko, intindihin mo ang sarili mo, mag promise ka sakin na hindi ka aalis dun at hindi ka magiging pasaway sa pamilya nila, promise me Mariah" -otp
"I promise mom, promise po na hindi kayo makakarinig ng kung anong kaguluhan na mag sisimula sakin, and promise ko po na pag bubutihin ko pa ang pag aaral ko at makakatapos po ako" -otp
"Good, sige na mag impake kana at isesend ko nalang sayo yung location ng Mansion, and then tatawagan ko nalang si boss kapag nandun kana" -otp
"Okay po mom, thank you po" -otp
"Sige mag iingat ka" -otp
YOU ARE READING
Traumatizing 🔞 ( Mikhaiah)
Short StoryLove save me, my drug is my baby, I'll be using for the rest of my life - Janna Lim