Mariah's POV.
It's Friday today and wala kaming klase bukas dahil may mga important meeting lahat ng professor namin. Kaya naman bumaba na ako at nakita ko naman si Janna na nasa sala at nakaupo sa couch. Bihis na din sya.
"Uhm.. hatid lang muna natin si Evanna sa apartment nya, and then deretso na tayo sa school" saad nya sakin.
Tsk oo nga pala may evanna nga pala dito. "Ah hindi na ako sasabay, mag taxi nalang ako"
Agad naman na nag salabong ang kilay nya sa sinabi ko. "No, hindi ka mag tataxi, sasabay ka sakin" inis nyang saad.
"Baka kasi malate na ako sa klase ko, kaya kailangan ko nang umuna" pagpupumilit ko pa.
"I don't care kung malate ka, tsaka kaya ko namang ipagpaalam ka sa prof. Mo." mayabang nyang saad.
Argh! Wala nanaman, sya nanaman ang masusunod. Umupo na lang ako sa side ng couch. Maya maya pa ay nag text sakin si Justin. Yas nag palitan kasi kami ng number.
"Hey what time pasok mo dogie?"
Yan yung message nya sakin. Agad akong napangiti dahil sa tawag nya sakin. Bwesit talaga to, aga aga mang asar eh.
"Why are you smiling? Sino katext mo?" Seryoso nyang tanong.
Agad naman akong napatingin sa kanya. "Ah si Justin, my new friend"
"New Friend? Lalaki?" Tanong ulit mya.
I nod my head. "Yeah?"
Magsasalita pa sana sya pero dumating na si Evanna. Tsk kaya naman tumayo na ako at nauna nang lumabas sa mansion. Alam ko naman kasi na mag lalandian pa sila kaya umuna na ako.
Pagkalabas nila ay pinag buksan lang ni Janna si Evanna at pumasok naman ito. Katabi ni Janna si Evanna, parehas silang nasa unahan habang ako ay nandito sa likuran.
Habang nasa byahe ay nakikita ko kung paano sila mag landian. Bwesit na mga to, sa harapan ko pa talaga?
Nag text nalang ako kay Justin na hintayin ako para naman hindi nakakaboring mag lakad sa hallway.
Inihatid lang ni Janna yung girlfriend nya at dumeretso na kami sa university. Pagka park namin ay dali dali akong bumaba dahil nakita ko na si Justin na nag iitay sakin.
"Justin!" Tawag ko agad sa kanya at kumaway.
Nakita ko naman na ngumiti sya sakin, kaya naman mag lalakad na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Sya ba yung Justin?" Malamig nyang tanong.
I nod my head. "Yes, b-bakit?"
"Nothing, tara hatid na kita sa room mo" saad nya at ngayon naman ay nakatingin na sya kay Justin ng masama.
Ha? Anyare dito.
"Naku wag Janna, alam ko naman na may mga gagawin kapa, tsaka may kasabay na ako oh, andyan naman si Justin" pagtanggi ko.
Agad nyang kinuha yung bag ko at hinawakan yung kamay ko. "H-hoi anong ginagawa mo?"
"Ako ang mag hahatid sayo, hindi yung Justin na yan" masungit nyang saad.
Hindi na ako nakapagsalita at hinila na nya ako papunta sa room ko.
.
.
.
.
.So ayon natapos ang klase namin and lunch time na ngayon. Kasabay kong mag lunch yung girls and ipapakilala ko na din sa kanila si Justin. Tiyak akong magiging close din nila yun agad dahil halos mag kakaparehas naman sila ng ugali.
YOU ARE READING
Traumatizing 🔞 ( Mikhaiah)
Short StoryLove save me, my drug is my baby, I'll be using for the rest of my life - Janna Lim