Still Mariah's POV.
Natapos na ang wedding ni Janna at havana, at ako naman ang kinuha dito sa gilid. "Pwedi bang mag bayad nalang ako? Wag nyo na akong ikasal kasi nasasaktan na ako oh, durog na durog na ang aking heart. " pag iinarte ko.
"Hala si ate ang OA, kala mo naman talaga may pang bayad sya eh bente pesos lang naman pera" the boy said.
"Si kuya naman, panira sa pag eemote ko eh" saad ko.
Andito na ulit ako sa kaninag pwesto ko at nakita ko naman yung captainball ng basketball ang nasa unahan. So it means na sya ang magiging partner ko sa wedding. Tsk kung makangiti naman kala mo mag papasalamat akong sya yung nakapartner ko, nayayabangan nga ako dyan eh, feeling nya lagi lahat ng babae mag kakagusto sa kanya. I mean oo gwapo naman sya, pero nasobrahan kasi sa yabang, ayaw ko pa man din sa ganun.
Nag simula na akong maglakad at narinig ko ulit ang sigawan ng mga tao dito sa room.
"Aba infairness bagay din sila"
"Oo nga eh, buti maganda yung girl"
"True kung hindi nalait ko yan"
"Bhe pano natin yan malalait eh maganda pa satin"
Rinig ko ang bulong bulungan nila.
Hindi pa man ako nakakalakad ng matagal ay agad na may nag salita sa hulihan.
"Guys tigil na muna ang Booth, mag sisimula na ang pageant" rinig kong saad ni Janna at napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Uhm.. Pres. Tapusin lang po namin itong isang wedding sunod na din po kami maagap pa naman po oh" saad nung pari kuno.
Kumunot ang nuo ni Janna. "No, sige na lumabas na kayong lahat dito, bago ko pa ipatigil lahat ng event dito sa university kung hindi kayo susunod sakin" saad nya at ngumiti ng pilit.
And that's it. Halos lahat ng student dito sa room ay mabilis na nag silabasan.
Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko. "Uhm.. sorry Ms. Hindi natuloy yung kasal natin, alam ko naman na nanghihinayang ka, pero wag kang mag alala pwede mo namang makuha yung number ko then kita tayo mamaya" saad nung boy.
Napakunot naman ang nuo dahil sa sinabi nya. Bwesit na lalaking to akala mo naman talaga mang hihinayang ako sa kanya. Saksakan talaga ng yabang eh, puno ng hangin sa katawan.
"Mr. Captainball out now!" Janna said in a cold tone.
"Here Ms. Call me later okay? Bye" he said at ibinigay nya sakin yung calling card nya at mabilis na umalis.
So naiwan nalang kaming dalawa dito ni Janna sa loob ng room, kaya naman nag lakad na ako para lumabas na ng room. Pero maya maya ay biglang isinara nya ang pintuan at pinatay ang ilaw dito sa room. Nagulat naman ako sa ginawa nya at nakaramdam ng kaba.
Medyo madilim lang naman sa loob pero kita pa din namin ang isat isa dahil sa liwanag sa labas.
"U-uhm.. b-bakit mo sinara yung door? Tsaka ilaw? A-alis na ako" saad ko.Sinusubukan kong wag ipahata sa kanya yung takot ko dahil mas nasisiyahan sya kapag natatakot ako sa kanya.
Dahan dahan syang lumapit sakin kaya naman napapaatras ang lakad ko. "J-janna bakit?" Tanong ko pero hindi pa din sya nag sasalita at nakatitig lang sya sa mga mata ko at patuloy na naglalakad palapit sakin.
YOU ARE READING
Traumatizing 🔞 ( Mikhaiah)
Short StoryLove save me, my drug is my baby, I'll be using for the rest of my life - Janna Lim