Mariah Pov.
After 1 weekAnniversary na ng university at madaming event ang gaganapin ngayon.
Maayos na din nag takbo ng buhay ko ngayon dahil hindi na ako natatakot kay Janna. Ngayon nga ay sya na ang takot sakin na baka isumbong ko daw sya sa mom nya kapag hindi nya nasusunod yung inuutos ko. Ilang araw na kasi syang super busy kaya hindi na daw nya masunod yung iba kong utos.
As a president at Captainball ng volleyball ay sobrang halata na sa kanya ang pagod at puyat. Nag simula na ang event kanina pa, maraming mga booth at market pairs na nag titinda ng kung ano ano. Pero nilampasan ko lamang ang mga yun dahil sa may importante pa akong panunuorin, at yun ay ang laro ni Janna.
Hindi ko nga din alam kung bakit gusto kong manuod ng game nila eh, siguro nasanay lang ako na lagi syang sinusupport dati pa.
"Hoi manunuod ka no?" Biglang may kumalabit sa likod ko. Kaya naman agad akong napalingon dito.
"Ayts Aubrey! Nakakagulat ka naman eh" inis kong saad sa kanya.
Nandito ngayon si Aubrey, Yves at Mae. And napaliwanag ko na din sa kanila lahat ng mga nangyari samin ni Janna. Nung una ay nagulat sila dahil nauutos utusan ko lang ang president ng university at anak ng pinaka mayamang tao dito sa bansa. Nasanay na din sila sa mga nakikita nila samin.
"So manunuod ka nga?" Tanong ni Yves.
"Oo, alam nyo naman nakagawian ko nang manuod ng laro ni Janna" saad ko.
Ngumiti naman sila ng nakakaloko.
"Aysus! Yung totoo teh crush na crush mo pa din si Janna no?" Pang aasar sakin ni Mae.
"Ayts ewan ko sa inyo" saad ko.
"Sus sige na umamin kana, alam naman namin na bumalik na ulit yung pagkagusto mo sa kanya, kasi hindi na nya pinapakita yung masamang side ng pagkatao nya. Patay na patay ka nanaman sa aura nyang mabait, masipag, seryoso sa pagiging president at higit sa lahat Poganda hahaha" Yves said. At nagtawanan na sila.
Napakamot nalang ako ng batok ko. "Ayts oo na sige na, Crush na crush ko nanaman yung babaeng yun ngayon, ewan ko ba ang bilis kong makalimutan yung trauma na naranasan ko sa kanya, simula nung naging mabit sya sakin kahit papaano. Tsaka hindi na ako natatakot dahil nandyan naman si Tita Aiah" pag amin ko.
Agad naman silang kinilig sa sinabi ko.
"Naks naman si girl, napaka rupok din talaga" Aubrey said.
"Ewan ko sa inyo, ano? Sasama ba kayo sakin sa panunuod?" Tanong ko.
Tumango naman silang lahat.
"Oo naman, Support ka namin sa kalandian mo" Mae said.
Agad ko namang nakurot ang tagiliran nya.
"A-aray ate Mariah!" Pag angal nya.
"Tsk tara na baka wala na tayong maupuan dun eh" saad ko at nauna nang mag lakad.
.
.
.
.Pag dating namin sa gymnasium ay nag sisimula na ang laro, kaya naman agad kaming nag hanap ng mauupuan, swerte na nga at may mga nagsialisang studyante dun sa may unahan ng bench, takot yatang matamaan ng bola. Kaya naman deretso kaming umupo dun at kitang kita namin ang laro.
"Go! Janna Lim! Galingan mo!"
"Go Lim! Crush na crush kita!
"Go pres.. galingan mo!"
YOU ARE READING
Traumatizing 🔞 ( Mikhaiah)
Short StoryLove save me, my drug is my baby, I'll be using for the rest of my life - Janna Lim