I believe in magic. I believe in even the smallest sparkle from it. I believe that wishing well would grants us wishes, I believe once a dandelion was blown away, the wind will lead it to a fairy. I believe that in every eleven-eleven there's someone listening to your wishes, and for every shooting star that we try to wish to while we are on our tallest tiptoe, there's some tiny magic that shines whenever it hears our prayer.The sun's light was shining to my face, it's blinding my eyes. Hirap ako na makakita dahil sa pagsikat ng araw, hangang sa humarang siya sa liwanag nito at mas klaro ko na nakita ang mukha niya.
"Ethan?!" napatayo ako at dahilan upang magtama ang noo namin na dalawa. Iniinda ko ang sakit sa noo ko habang siya ay tumatawa habang hinihimas ang noo niya. No wonder his character was considered to be written so perfectly that even readers fell in love with him.
Bakit ganito siya tumawa? Bakit tila nakakahawa? Bakit yung simpleng pagtawa niya ang ganda sa paningin?
Gumawi ang tingin ko sa itaas nang may makita akong bahag-hari. Muling pumasok sa isipan ko ang nasa libro. Alam ko na malabo at imposibleng mapapasok ako sa storya, pwera na lang kung naka droga ako. But it makes sense, hindi ko alam kung bakit ang dali ko naniniwala na nasa libro ako, dahil ba para sa akin totoo ang mga magic?
Bumalik sa isipan ko yung nung nakita ko na may umiilaw sa bag ko, hindi nga phone ko ang umiilaw dahil andoon din ang libro ng nobela na 'to no'n, edi yoon yung umiilaw? I want to slap myself for trying to think that what's happening right now was some kind of magic when I should be scared. Ganito na ba ako kahilig sa mga Disney movies? Hindi maalis sa tingin ko ang bahag-hari na tila ba mas matingkad ang kulay ngayon. Pareho lang siya sa mga normal na nakikita ko pero bakit tila iba sa mata o pakiramdam 'to?
You will meet at the first arc's glow,
And part at the seventh's fading show.I don't know if I'm being dumb right now, but nothing makes sense. I was deep on my headspace when a hand reached for me while I'm still sitting on the ground.
"Buong bakasyon ka na hindi nagparamdam tapos ngayon para ka naman nakakita ng multo." saad ni Ethan habang may malapad pa rin na ngiti. Nang hindi ko pa rin kinukuha ang kamay niya ay mukhang nag-alala na siya, binaba niya ang kanyang sarili upang maka-level ako. "Ayos ka lang ba?"
Ang alam ko ay nasa ibang taon ang storya na 'to, pero kung nasa ibang panahon ako bakit mukhang tambay sa BGC itong si Ethan? Para siyang nag-aaral sa DLSU na mahilig mag initiate ng yatch party sa Subic, tapos gabi-gabing nasa Xylo o Clubhouse.
"Oo." tumayo ako at inayos ang sarili. Tiningnan ko ang uniform na suot niya, habang ako ay naka dilaw na damit, ang ganda naman ng uniform sa school nila, parang wala sa Pilipinas sa init ah. Magsasalita pa sana ako nang muling bumalik sa isipan ko ang nabasa ko na mga salita sa libro habang kita pa rin ngayon ang bahag-hari sa langit.
'And part at the seventh's fading show'
Akala ko ay nalilinawan na ako pero tanga pa rin pala ako for now, anong ibig sabihin nung poet nung writer? Pwede naman kasi Tagalog na explanation tutal Tagalog naman yung story bakit ginawa pa na poet?
"Kamusta bakasyon mo?" inalalayan niya ako dahil sa tingin niya ay nahihilo pa ako. Muli ko naalala na dapat si Sobel ang makaka bungguan niya. Gumawi ang tingin ko kay Sobel na di kalayuan sa amin at nakikipag-asaran sa mga kaibigan niya.
"Huh?" tanong ko muli dahil hindi ko naintindihan ang tingin niya, na kay Sobel pa rin ang focus ko.
"Sobel!" napalakas ang asaran at tulakan nila nang mabunggo si Sobel kay Ethan. And it still happened, nothing changed. Akala ko ay nagulo ko na ang storya nila pero ngayon ay nakatingin ako sa kanila habang nasa bisig ni Ethan si Sobel.
BINABASA MO ANG
Arcus Aureus
RomanceAllison, an architecture student and working student, finds his escape in the romantic novel Scenery of a Golden Sunrise. His favorite story is a beautiful, slow-burn love between Sobel and Ethan that he's read countless times. But when Allison is s...