Chapter 6

176 16 9
                                    

"Okay na po siguro 'to." sabi ko habang nakatingin sa Kare-kare na nilagay ko na sa tupperware. Tiningnan ko yung tiga-luto dito sa bahay nila Adie at mukhang hindi siya makasagot sa akin dahil nahihiya. "Sa tingin niyo po?"

"Ah, opo, sir. Okay na okay!" natuwa naman ako sa sinabi niya dahil first time ko gumawa nito, tinulungan niya naman ako pero mostly ako talaga gumawa. Gusto ko sana tikman muna pero pakiramdam ko ay confident naman ako dahil nagabayan naman ako.

"Gusto niyo po tikman?" tanong ko at pakuha pa lang sana ako ng kutsara nang awatin niya ako.

"Hindi na po, sir! Para po 'yan sa pinagluto niyo! Siya po dapat ang unang titikim!" umiling-iling pa siya.

"Sabagay." nagkibit-balikat na lamang ako.

Nahirapan ako sa paghanda ng gusto na 'to ni Ethan, puno rin ng sugat ang kamay ko ngayon dahil sa paghihiwa. Hindi ko sigurado kung magugustuhan niya, bakit kasi ang daming talent nito ni Adie ang hirap tuloy gampanan. Well, gusto ko rin naman talaga matutong magluto, tapos sayang pa dahil ang daming mga kagamitan dito sa bahay na pwedeng gamitin sa pagluluto.

"Bossing, ano 'yan?" tanong ni Finn nang makasabay niya ako sa paglalakad ko papunta sa building namin. Naka paperbag kasi yung pagkain.

"Shabu, gusto mo?" pananakot ko sa kanya pero mukhang ako ang mas natakot.

"Sige, good item?" napatingin ako sa kanya na hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Siya naman ay natawa dahil sa reaksyon ko. "Naniwala naman siya oh."

"'Di rin naman kasi malabo, lakas ng amats mo lagi eh." mukhang siya naman ang na-offend ngayon sa sinabi ko. "Kare-kare 'to, chismoso."

"Penge." ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to, kaya siguro hindi siya sinama sa storya nila Sobel kasi bawal siraulo.

"'Di pwede, kay Ethan 'to."

"Bibigyan naman ako no'n! Close na kami, nakipaglaro siya ng Tetris kahapon sa akin sa Facebook. Binaog ko pinsan niyang bopols." sa pagkakaalala ko bopols ay 'bobo', mga tao talaga sa panahon na 'to ang daming pang trashtalk na salita.

Six years old pa lang ako nung 2009 kaya hindi ko masyadong naalala na ang mga larong 'yon. Pero naalala ko na sinubukan ko maglaro ng Pet Society noon dahil ayoko nung mga ibang laro, habang ang mga kalaro ko sa amin sa computer shop ay sigawan sa mga nilalaro nila.

"Eh si Ethan? Natalo mo?" doon siya natahimik dahil mukhang hindi niya ito natalo sa sinasabi niyang Tetris.

"Basta magaling ako." pagyayabang pa rin ni mokong.

Nagpaalam na kami sa isa't isa nang kailangan na namin maghiwalay ng pupuntahan. Criminology kasi ang kurso niya at hindi ito gaano kalayo mula sa building namin mga Med.

Sa buong klase namin ay sinusubukan ko na sumagot dahil 'yoon ang gusto ng mga magulang ni Adie. Mayroon naman ako binabasahan na mga notes ni Adie, grabe siya mag-notes dahil sobrang organized at pang matalino talaga, tapos mga advanced na talaga sa mga tinuturo.

Plano namin muli magkita-kita sa bahay nila Sobel upang mag-ayos ng mga design namin sa outreach program, tanging kami lang muli na anim dahil hindi naman madami ang kailangan ayusin. Ano na kaya progress sa kanila ni Ethan? Lahat naman na kami na mga kaibigan nila ay inaasar na sila sa isa't isa, baka hindi pa sila ma-fall niyan. Ewan ko na lang talaga, manhid na lang talaga sila.

Bali-balita rin sa mga ibang departments ang pagiging close na nilang dalawa. Lalo na at sila ang pinaka gwapo at maganda sa parehong department nila na Tourism at Civil Engineering. Grabeng tandem, sa University ko sa totoong mundo nasa Tourism rin ang mga magaganda at nasa Engineering naman ang mga gwapo, yoon ang sabi sa akin ni Dani.

Arcus AureusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon