Chapter 16

69 11 5
                                    

Kinabukasan ay puno na ng mga posts patungkol sa ginawa ni Zander, karamihan ay mga post ng mga studyante sa University namin. Kumalat agad ang suicide attempt niya dahil madami rin ang mga studyanteng nakatira sa subdivision nila, mas mabilis talaga kakalat ang chismis kung gano'n.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang papunta sa kwarto ni Zander, nilalamon ako ng kaba. Mabuti na lamang at hindi siya sa hospital namin na-admit. Panigurado na kung doon siya na-admit at kilala na siya ni Azrael, mahihirapan akong dalawin siya at baka kung ano pa ang gawin no'n.

Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Nang makita ko na lumabas ang mga magulang niya sa kwarto ay napatalikod ako at nagtago sa pader.

"Napakalaking kasalanan sa Diyos." saad ng matanda na mukhang Lola ni Zander, pareho silang nag-uusap ng isa pa na babaeng mukhang mama ni Zander, habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. "Hindi pa ba sapat na nagkakagusto siya sa kapwa niya lalaki tapos ngayon ay susubukan niya pa na bawiin ang buhay na Diyos lang may karapatang bumawi? Idagdag mo pa akong pagsusugal ng batang 'yan."

"Ma, ayoko na isipin ang mga 'yan. Ang mahalaga sa akin ngayon buhay ang anak ko. Mas gugustuhin ko ang baklang anak kesa patay na anak. Parang awa niyo na po, hayaan muna natin si Zander na maging maayos." tila nabunutan ako ng tinik nang marinig na ayos lang si Zander.

"Idagdag mo pa ang scandal niya na kumakalat, para bang pinipilit niya pa ang isang lalaki ron. Hindi na nahiya, patawarin nawa siya ng Diyos sa mga kasalanan niya." nang makaalis sila ay umalis na ako sa pwesto ko, dumiretso ako sa kwarto ni Zander at wala siyang bantay. Nakita ko na gising siya at nakatingin lang sa bintana.

Sa pagpasok ko ay napatingin siya sa akin, ngumiti ako sa kanya at naupo sa katabing upuan ng kama niya.

"Nag-alala sa 'yo ang mama mo." panimula ko sa kanya, he scoffed as if I just said something unbelievable.

"Malabo 'yan, ngayon nga mas inuna pa nilang sabihin na ipapadala nila ako sa bansa ng tatay ko kesa kamustahin ang kalagayan ko." saad niya, napatingin ako sa pulso niya na balot na balot, mukhang doon niya sinubukang saktan ang sarili niya. Nasundan niya ang tingin ko sa pulso niya kaya tinakpan niya ito ng unan. "Sorry, Adie."

Bahagya akong ngumiti para pagaanin ang pakiramdam niya. "Ayos na nga 'yon, Zander. Wala kang kasalanan, hindi kita sinisisi kaya 'wag mo na rin sisihin ang sarili mo."

"Paanong hindi? Alam ko ang pwedeng mangyari sa 'yo sa bahay niyo." saad niya. "Yung sugat sa gilid ng labi mo ngayon? Sigurado akong galing 'yan sa tatay mo."

"Wala naman silang nagawa. 'Wag ka mag-alala, nilalabanan ko na sila." bahagya siyang natawa at inangat niya ang sarili niya upang maupo. "'Wag mo na ulit gagawin 'yon ah?"

"Ito?" tanong niya at inangat ang kamay niya. "Depende pa."

"Zander, wala naman mali sa 'yo o sa atin. Maniwala ka sa akin, hindi palaging ganito, hindi palaging mahirap."

Bahagya siyang natawa. "Nakikita mo ba yung future?"

"Hindi, pero hindi rin naman pwedeng laging nahihirapan tayo 'di ba?" saad ko sa kanya. "Tutuloy ka ba sa ibang bansa?"

"Oo." sagot niya habang kita sa mata niya na hindi niya gusto ang desisyon na 'yon, pero wala na rin siyang magawa. Gusto niya nga pala na matapos ang kurso niya.

"Ayos 'yon, Zander. At least malayo ka sa gulo, matatakasan mo." nakangiti ko na sabi, habang unti-unti akong nilalamon ng konsensya. Hindi ko alam kung paano gagawin ko kung natuloy nga ang plano ni Zander, hindi naman mangyayari 'to kung sinunod ko lang ang ginagawa ni Adie. Dahil may mga pagkakataon na kailangan mo na rin talagang maging duwag at ibaba ang tapang mo. "Sana magandang buhay na nag-aabang sa 'yo sa ibang bansa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 11 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arcus AureusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon