Chapter 13

126 11 1
                                    

Nakatulog agad ako oras na bumalik kami sa bahay, habang sila ay mga nasa baba at nagluluto na ng magiging hapunan namin na lahat. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at siguro dahil 'yon sa pag-swimming namin ng gabi ni Ethan.

Kahit nakapatay na ang aircon sa kwarto ay nilalamig pa rin ako at balot na balot na ng kumot.

"Bossing! Kain na!" kumakatok lamang si Finn, kaya lumabas na ako.

"Finn may dala ka ba na sweater o hoodie?" tanong ko habang paos na rin ang boses. Nagsimula 'to nang mabilad din siguro kami sa araw, pakiramdam ko ay hinang-hina ang katawan ko.

Are you sick?" he asked, and I just let him feel my forehead. "You're burning up."

"Kaya nga kita tinatanong kung may sweater o hoodie ka kasi giniginaw na ako."

"Yeah, do you want me to just bring you your food?" I wanted to tease him, but when I saw the genuine concern in his eyes, I held back.

"Never mind, it's okay, I'm planning to go out already." he went into the room and took a hoodie from his bag.

Nang i-abot niya sa akin ay sinuot ko rin agad ang kulay itim niya na hoodie, medyo malaki 'to sa akin. Balot na balot ako ng pajama at hoodie ni Finn. In fairness sa siraulo na 'to, ang bango ng pabango sa damit.

Kahit sa paglalakad ko ay bigat na bigat ako sa bawat hakbang ko.

Siguro pag nagkakasakit si Adie ay sobrang hirap siya. Dahil ako ay kahit tablan ako ng sakit hindi ko masyadong iniinda dahil hindi naman mahina ang katawan ko.

Sabay kami na bumaba ni Finn, gusto ko pa sana siyang pagtawanan dahil sa labis na pag-alalay niya pero baka iwan pa ako.

"Sandali, iinit ko yung sabaw mo ulit." sabi niya at kinuha ako ng isang bowl ng soup na nasa tray na ilalabas ni Nabi.

"Nilalagnat ka ba?" tanong ni Nabi habang sabay kaming naglalakad palabas. "Dapat doon ka na lang sa taas para dinalhan ka na lang namin ng pagkain."

"Ayos lang ako, aakyat na rin ako after natin kumain."

"Paos na nga boses mo." sabi ni Nabi habang tinitingnan ang kondisyon ko ngayon na balot na balot.

Naupo na lang ako diretso sa mahabang lamesa sa labas ng bahay. Mabilis ding bumalik si Finn at nilapag sa harap ko ang mainit na sabaw. Nagawi ang tingin ko kina Ethan at Sobel na nagtatawanan habang nag-iihaw ng barbecue.

"Damihan mo kain mo." paalala ni Finn at nilalagyan pa ng kanin ang plato ko, sobrang daming ulam at kanin, parang last supper. "Tsaka uminom ka ng gamot pagkatapos mo."

Nilapag niya sa harap ko ang gamot na mukhang nahingi niya pa sa iba namin na kasama. Tumango-tango na lang ako sa mga sinasabi niya at humigop ng sabaw. Nalayo ko sa akin ang kutsara at montik ko pa mabitawan dahil sa init nito.

"Ang init!"

"Syempre ininit ko nga eh." pamimilosopo ni Finn. "Hipan mo muna kasi."

"Ang OA naman kasi ng init mo! Sa microwave lang ba 'to ininit o sa impyerno?"

"Ikaw na lang nga inaalagaan ang ingay mo pa." his tone sounded as if he couldn't believe how much I was complaining, not understanding how hot the soup was.

"Sige ikaw humigop!" sabi ko sa kanya at tinapat ang soup na kahit sa kutsara ay umuusok. Natigilan pa siya dahil sinusubuan ko siya. "Bukas ko pa 'to mauubos sa sobrang init!"

Finn immediately took a sip from the soup, and I just laughed at him as he fanned his mouth and hurriedly drank some water.

"'Di naman mainit!" sabi niya habang naluluha dahil sa init. "'Di namn talaga!"

Arcus AureusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon