Chapter 8

156 17 49
                                    

My shoulders jumped when I heard something break. Lumabas ako dahil mukhang tunog 'yon ng nababasag at nagmumula sa sala.

"Seriously, Azrael? On your son's death anniversary? Hindi ka talaga namimili ng araw?!" napansin ko ang pagtago ng mga katulong habang ang mga magulang ni Adie ay kakadating lang. Kakauwi ko lang galing sa Filo's Corner at habang nagbibihis ako ay narinig ko ang ingay nila.

"Does it still bother you, Serena? We've been cheating with each other even before Ernest was born!" Adie's dad shouting. Adie's mom or Serena closed her eyes in disbelief looking so stress with the situation.

"And on your son's death anniversary?! Azrael, hindi mo kayang respetuhin yung araw na 'to? You have the audacity to meet with your affair right after you left the cemetery?! Can't you just wait for a day or two bago ka makipagkita sa kabit mo?!" is this normal to them? "Hindi ka na nahiya... hindi na kayo nahiya!"

"Kabit ko?! Ako lang, Serena?! Kabit ko lang, ako lang ba may kabit dito?!"

"You cheated first, so I cheated back." how could you commit the very sin you despised? Paanong ayos lang sa kanila kahit marinig sila ng anak nila? They never even gave Adie a chance to be a child, pinasalo nila agad kay Adie ang mga gusto nila para kay Jether.

"See?! Stop acting like some saint here, you're just as trash as I am." sagot sa kanya ni Azrael o ang ama ni Adie. "And why do you even have to nag me about this, huh? Sunod lahat ng luho natin, lalo na 'yan si Adie! Walang pagkukulang, bakit magrereklamo pa kayo, huh?!"

This must be the downside of getting what I wanted... feeling comfortable with life. Maybe Mr. Augustus brought me here to become Adie because he wants me to understand what truly comes with the wish I made.

Ito ba yung mga palaging naririnig ni Adie nung bata siya? Bakit kailangan na iparinig nila ang mga away nila sa anak nila? Bakit ayos lang na magkamali sila pero si Adie ay hindi?

Minsan sumasagi sa isip ko na ang pinaka hinahangaan ko na magulang ay yung kayang humingi ng tawad sa anak nila. Yung kayang umamin na nagkamali naman sila at hindi sila palaging tama.

And as I slowly see what Adie sees, I slowly realize why the light in his eyes faded. Kahit hindi ako ang tunay na Adie ay ramdam ko ang bigat, at alam ko na nakaka-apekto ito sa akin. Sa mga nakikita ko o mga pinaparamdam nila kay Adie, ngayon palang ay natatakot na ako sa dahilan ng pagkawala ni Adie sa nobela. Gusto kitang maligtas Adie, gusto ko na kahit sa buhay mo ay gustuhin mo na mabuhay, dahil alam ko yung pakiramdam na walang-wala na.

"Magnum." umangat ang tingin ko kay Finn na may malokong ngiti habang may nakaharap sa mukha ko ngayon na Magnum. "Mamahalin 'yan kaya dapat matuwa ka na binilhan kita."

"Thanks." sagot ko sa kanya at kinuha ang ice cream. Nakatambay ako sa oval na malapit sa building namin, pinapanuod ko lang ang mga naglalaro. "Kamusta maging anak ng Mayor, Finn?"

Mukhang nagulat siya sa random na tanong ko, pareho na kaming kumakain ng ice cream ngayon. Siguro kung mayron man makakaintindi kung gaano kahirap ang sitwasyon ni Adie, o kapareha ng sitwasyon niya. Si Finn na siguro 'yon, dahil sa antas nilang dalawa sa buhay.

"Pikit mata sa mga ginagawang corrupt ng Tatay ko." natatawa niyang sabi kahit may bakas ng konsensya sa sinabi niya. Kita sa mga mata niya 'yon ngayon.

"Corrupt tatay mo?" gulat ko na tanong. Ang alam ko lang ay Mayor ang tatay niya at hindi ko naman alam na corrupt ito, tsaka bakit niya sasabihin sa akin yung gano'n na impormasyon?

"Parang naman hindi mo pa alam, lahat naman dito alam 'yon." saad niya. "Kaya nga bansag sa akin anak ng trapo 'di ba?"

"Ayos lang sa 'yo?"

Arcus AureusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon