Trigger Warning:
This chapter contains sensitive topics such as rape and suicide. Reader discretion is strongly advised.--
"Maybe it's edited?" Zari asked still looking worried with my situation as they both watch the video. "Hindi ba nila nakikita that he was forcing you?!"
"Adie, pero bakit nasa kwarto kayo ni Zander, bakit..." Nabi looking confused and still hesitant if she should ask me or not. It must be a shock to them, is she going to ask me if I am not straight? Ano na lang isasagot ko kung itatanong niya nga 'yon?
"I have no words to explain that video." saad ko dahil paano ko mapapaliwanag na naguluhan lang si Adie at hindi na ngayon si Adie ang kaharap nila. Sino rin ako para sabihin ngayon sa kanila ang tunay na kasarian ni Adie? Wala ako sa pwestong i-out siya kahit pa nasa katawan niya ako, dahil sa huli ay makikilala siya sa nobelang ito bilang Adie at hindi ako.
"You don't need to explain." napatingin ako kay Nabi at ngumiti sa akin. Mukhang napansin niya na hindi ko pa talaga alam ang dapat ko na sabihin sa kanila. "You don't have to be bothered about anything. Hindi na-define ng video na 'yan kung paano kita nakikilala."
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko habang kausap sila.
"Salamat, Nabi."
"But you have to admit this to us, were you forced?" aniya. Adie wasn't forced in the beginning. I have to give Zander that. Maybe it's really better not to speak about it. But I am going to solve this, I should solve this on my own.
"I can't admit anything, Nabi. I am sorry." I said looking helpless because I don't know what to do with this one, hindi ko inakala na dadating sa ganitong punto dahil akala ko ay na-handle ko na. Hindi pa rin pala talaga mapagkakatiwalaan ni Zander, paano niyang nagawa pa na magsinungaling kahit sa sitwasyon niya ngayon na ginigipit na rin siya ng mga magulang niya.
"It's okay." she said with a smile. "You don't have to say or explain anything, we're just here for you."
Zari nodded and she gave me a hug while her eyes tearing. "Hindi ko alam kung gaano kabigat ang nararamdaman mo ngayon dahil diyan, hindi ko rin alam kung gaano kalaki magiging epekto sa 'yo nito. Pero sana tandan mo na hindi mababago ng video na 'yon yung pagkakakilala namin sa 'yo. Speak in your own terms, when that time comes, we'll still be here to listen to you."
Ngayon alam ko na bakit kinakaya ko ang mga sitwasyon, dahil kahit anong bigat ng mga nararamdaman ko o ni Adie, nandito sina Zari para damayan ako at iparamdam sa akin na hangang sa dulo ng nobela ay hindi ako mag-isa. Paano ko sasabihin sa kanila na dadating yung panahon na haharapin nila ako at hindi ko na sila makikilala dahil si Adie na ang may control ng katawan na 'to.
Habang nakayakap sa akin sina Zari at Nabi ay ang saktong pagtingin ko naman sa labas, o sa langit... kung saan kita ngayon ang pang-apat na bahaghari. Hindi ko maiwasan na higpitan ang yakap kina Zari habang unti-unti ko ng naaramdaman na malapit na akong umalis na sa nobela na ito. Tatlong bahaghari na lang.
"Finn!" nagawi ang tingin namin kay Finn, nagulat ako nang makita na may sugat siya sa gilid ng labi at mukhang nasuntok, bumaba ang tingin ko sa kamao niya na may sugat.
"Anong nangyari sa 'yo?!" lumapit sa kanya sina Zari at Nabi, nang masabi niyang ayos lang siya ay dumiretso siya sa akin.
"Ayos ka lang?" bahagya akong natawa dahil binaba niya pa ang sarili niya habang nakaupo ako sa upuan. Kitang-kita ko sa mata niya ngayon ang labis na pag-aalala.
"Ikaw nga dapat tanungin ko niyan." saad ko sa kanya. "Bakit ka ba kasi nakipagsuntukan?"
"Yung mga varsity na bumastos sa 'yo kanina? Nilugar ko lang yabang nila," he said, his teeth gritted, causing his jaw to clench. "Nasaan si Zander?"
BINABASA MO ANG
Arcus Aureus
RomanceAllison, an architecture student and working student, finds his escape in the romantic novel Scenery of a Golden Sunrise. His favorite story is a beautiful, slow-burn love between Sobel and Ethan that he's read countless times. But when Allison is s...