Trigger Warning: SA
This chapter contains sensitive content related to SA, which may be distressing or triggering for some readers.
--
"Adie." pagtawag ko sa pangalan niya oras na bumangon ako mula sa kama. Puno ng luha ang mukha ko at hinahabol ang paghinga, unti-unti ko naramdaman ang pagbigat ng dibdib ko. Ito ba yung kapalit ng pagpasok ko sa storya? Dadalhin ko yung lahat ng sakit na nangyari sa buhay ni Adie, para malaman yung nangyari sa kanya? Bakit sobrang bigat...
Nang masuot ko ang uniform nila Adie, pinagmasdan ko siya sa salamin. Parang nakatingin lang ako sa totoo kong itsura, parang sarili ko lang din ang kaharap ko. Except that he's taller, but we have the same built, lean. But compared to me, he's a lot more pale that I am.
"Aren't you going to join us with breakfast, Ernest?" gumawi ang tingin ko sa babae o sa Mama ni Adie, they're both resonating authority and old money vibes, both his parents. Kaya hindi na ako magtataka na tila ba tuwing kaharap sila ni Adie ay tila ba hindi mga magulang niya ang kaharap niya.
"I'm good, Ma. I have an early class today, and I'm needed at the council." he wasn't needed, hindi rin laging may maaga siya na klase. This was just his way of avoiding a conversation with his parents. "Have a great day ahead, Ma."
"You are too." she plainly said before going back to eating her breakfast.
They both blame Adie for what happened to Jether. Bakit? Bakit nila mas papabigatin yung nararamdaman ng anak nila? He's also hurting. Oo, nawalan sila ng anak pero nawalan si Adie ng nag-iisang tao na lagi niyang nasasandalan, nawalan din siya ng kapatid, nasasaktan din naman siya tulad nila.
Habang papalabas ako ng bahay ay narinig ko na may kausap sa phone si Manong, yung driver ni Adie na ang pangalan ay Atticus. Kahit hindi pa ako nakakalapit ay ramdam ko na sa boses pa lang niya ay mukhang may problema siya.
"Hindi ba pwede na sa mga anak na lang natin gastusin 'yon, Czarina? Imbes na sa panggastos nila na lang kasi, sa mga damit mo pa sa Zumba napupunta at mga competition ninyo." hindi muna ako nagpakita kay Manong upang pakinggan ang pinag-uusapan nila. Ayokong maging bastos na nakikinig sa usapan ng iba pero sa totoo lang ay gusto ko makatulong. "Yung nakita mo na extra ko na 'yon, para 'yon sa black shoes ko dahil sira na yung luma ko na bigay pa ng kapitbahay natin. Alam mo naman na strikto dito at kailangan naka uniform ako sa trabaho, Czarina."
Black shoes? Ang daming pera ni Adie, wala naman sigurong masama kung babawasan ko ng konti para lang kay Manong?
Nang mahatid ako ni Manong sa University ay naglabas muna ako ng pera. Siguro'y sapat na yung three thousand? Hindi naman siguro Hush Puppies bibilhin ni Manong?
"Manong." gumawi ang tingin niya sa akin at inabot ko sa kanya ang pera. "Hindi ko po kasi sinasadya na mapakinggan usapan niyo kanina ng asawa niyo, gamitin niyo na po 'to pambili ng sapatos."
"Nako, Sir. Hindi na po, sinabihan ko na po kayo noon, baka po mapagalitan pa tayo ng mga magulang ninyo." gusto rin naman pala talaga tumulong ni Adie.
"Walang mapapagalitan kung walang makakaalam, Manong." nakangiti ko na sabi at nilapag ang pera sa gilid niya. "Masyado na po makapal ang wallet ko hindi na matiklop, kaya tanggapin niyo na."
Natawa siya sa sinabi ko at tinanggap na rin yung pera na binigay ko.
"Salamat po, malaking tulong talaga 'to."
"Sige, pasok na po ako." bumaba na ako ng kotse at dumiretso papasok sa school.
Diretso lang ang lakad ko habang nasa phone ko ang focus, tinitingnan ko lang ang mga notes sa phone ni Adie baka may makuha akong iba pa na impormasyon pero wala rin ako napala. Montik pa ako mahilo sa mga notes niya dahil puro 'to do' at mga listahan ng kailangan niya as med student.
BINABASA MO ANG
Arcus Aureus
RomanceAllison, an architecture student and working student, finds his escape in the romantic novel Scenery of a Golden Sunrise. His favorite story is a beautiful, slow-burn love between Sobel and Ethan that he's read countless times. But when Allison is s...