Chapter 7

164 16 13
                                    

"Ano 'yan?" tanong ko kay Finn habang kasama ang mga bata ngayon at may nilalaro. Nasa program pa rin kami at habang ang iba ay busy sa pakikipag-usap sa mga matatanda, itong si Finn ay nakikipaglaro sa mga bata.

"Beyblade, 'di mo alam?" aba, ginawa pa akong tanga nitong siraulo na 'to.

"Itatanong ko ba kung alam ko?" pinanuod ko sila na pakawalan yung laruan na umiikot-ikot habang nakakabungguan ang mga iba pa na laruan.

"May pustahan kami, 'wag ka maingay."

"Hoy, anong pustahan? Ang bata ng mga 'yan tapos ginugulangan mo?" binatukan ko siya, iritang tumingin siya sa akin habang hawak ang parte ng ulo niya na nasaktan.

"Palitan lang ng parts ng Beyblade!" tumayo siya habang pinapanuod ang mga laruan nila. Mukhang nainggit pa sa iniinom ko. "Saan ka nakakuha Pop Cola? Kuha mo nga ako kahit Mirinda."

"Asa ka." sagot ko sa kanya bago siya iwan at dumiretso na ako kina Sobel na may kausap na matandang babae.

"Panahon ng mga hapon." pagsagot ng matanda sa tanong sa kanya ni Sobel, hindi ko alam kung ano ang tinanong ni Sobel. Nakikinig din sina Zari at Nabi, tumabi na ako sa kanila dahil mukhang may kwento si Lola. "Dalaga ako no'n, palagi ako na tinatago ng mga magulang ko upang hindi ako makita ng mga sundalong Hapon. Minsan ay pinapahiran nila kami ng putik o dinudungisan upang hindi namin mapukaw ang atensyon ng mga sundalo."

"Comfort woman?" tanong ko at napatingin sila sa akin.

"Oo, ijo. Yoon ang tawag sa mga babaeng nadakip noon ng mga Hapon, madilim na panahon 'yon para sa aming mga kababaihan. Araw-araw ay takot na takot kami na baka biglaan na lang kami pasukin sa bahay ng mga hapon. Sa kasamang palad ay nadakip nila ang ate ko." pinahid ni Sobel ang luha na pumatak sa mata ni Lola, nang alalahanin niya iyon. "Gusto ko siyang tulungan, gusto ko lumabas sa tinataguan ko ngunit pinipigilan ako ng Inay namin. Alam niya na kung lalabas ako ay dadakipin din nila ako."

Ang bigat sa pakiramdam ng bawat kwento ng mga matatanda rito. Pakiramdam ko ay sa henerasyon namin dito o maging sa tunay na mundo ay sobrang swerte. Sobrang swerte dahil malaya kaming nakakalabas at hindi dinadanas ang mga dinanas nila.

"Kung may pagsisisi man ako ngayon na matanda na ako. 'Yoon ay ang hindi kami lumaban ng Inay, dalawang sundalo lamang sila pero naduwag kaming pareho dahil may baril sila. Walang tigil ang wangis ng ate ko habang dinadakip siya, hangang ngayon ay tila ba klaro pa rin sa pandinig ko ang sigaw at hinagpis niya." paano mo nga naman maliligtas ang sarili mo, kung maging sa tirahan niyo ay hindi ka ligtas. "Gabi-gabi ay alam ko na pareho kami ng dasal ng bawat kababaihan sa panahong 'yon. Na sana ay matapos na, na sana ay sa gulo ng mga bawat bansa ay hindi na kailangang may madamay pa na mga inosente tao."

"Mas gugustuhin din po ng kapatid niyo na maligtas kayo." saad ni Sobel at naluluha na rin sa kwento ng matanda. "At, natupad naman po ang mga dasal niyo ng mga kababaihan noon, pero sa henerasyon na lang po namin. Kaya utang na loob po namin mga kababaihan ang kalayaan namin sa inyo at higit sa lahat sa ate ninyo."

She knows what to say, she knows her way through her words. Kita ko ang saya sa mata ng matanda habang kausap niya si Sobel. Nagawi ang tingin ko kay Ethan na nakikinig din pala at ngayon ay pinapanuod si Sobel na yakapin at damayan ang matanda.

Ano kaya ang mararamdaman nila, kung malalaman nila na sa mga magdadaang taon ay gigibain ng Gobyerno ang statwa na nagpapaalala ng madilim na kasaysayan nilang mga kababaihan? Na tanging pruweba na may ginawang mali sa mga kababaehan sa bansa natin ang mga sundalong Hapon?

"Babalik din po ulit kami, dadalasan namin ang bisita sa inyo." nakangiting sabi ni Sobel sa mga matatanda matapos namin maglinis at mag-ayos ng mga gamit. Nagpapaalam na kami ngayon sa kanila.

Arcus AureusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon