"Ikaw talagang bata ka." pinapanuod ko ngayon yung bata na malokong nakangiti sa mga magulang niya. "Ano ba ginawa mo at bigla ka nawala sa paningin namin ng Papa mo?"
Kasama ko pa rin si Finn at nasa isang office kami ng mall kung saan tinagpo ng mga magulang si Taneo. Kita ko sa kanila na tila ba nabunutan sila ng tinik nang makita ang anak nila.
"Nakakita po ako ng rainbow." natutuwa niyang sabi. "Gusto ko ng mga gano'n na kulay ng damit."
"Rainbow? Pambabae lang 'yon anak." komento naman ng Papa niya. Nakikinig lamang ako sa kanilang tatlo ngayon. "Pero sige, kung 'yoon ang gusto ng anak ko. Basta 'wag ka na mawawala sa paningin namin ng Mama mo."
Kung ganyan din si Papa, madaling tanggapin yung kasarian ko at hindi ako tinuturing na salot, siguro ganyan din ako kasaya nung bata ako. Ang hirap pala na nabu-bully na ako noon sa skwelahan sa pagiging mahinhin at pati sa bahay ay nagagalit pa si Papa sa pagiging mahinhin ko. Bakit ba kailangang lagyan ng kasarian lahat ng bagay? Bakit ang batang lalaki natuwa sa manika ay bakla na agad? Bakit ang lalaking nakitang gumagamit ng skincare ay lalamya-lamya na agad?
Bakit sa lahat ng galaw kailangan laging may diskriminasyon?
"Maraming salamat nga pala." sabi sa amin ni Finn ng Mama at Papa ni Taneo.
"Wala po 'yon, natuwa rin po kami kay Taneo. Ang bibo po." sabi ko at bumaba ako sa upuan upang makaharap si Taneo. "'Wag mo na pag-aalalahanin Mama at Papa mo ah? Next time pag nagkita ulit tayo bibilhan ulit kita ng Nestle Pops."
Akin dapat yung Nestle Pops na 'yon eh, nang makita ko siya sa grocery ay naalala ko na tuwing birthday ko lang ako nabibilhan ni Mama no'n. Hangang sa ma phase out na siguro 'yon ay bilang lang sa mga daliri ko kung ilang beses ako nakabili ng gano'n.
"Ikaw talaga, nagpabili ka pa pala ice cream." saad ng Nanay niya habang ngumiti lang ako at bahagyang ginulo ang buhok ni Taneo.
"Can I hug you?" Taneo nodded. Niyakap ko siya at pakiramdam ko ay niyakap ko ang kapatid ko na si Taneo. Bigla ko tuloy siyang na-miss, sobrang cute rin ng kapatid ko na 'yon. Bigla tuloy ako nakonsensya na minsan pag nasosobrahan ako sa busy sa pag-aaral at inaaya niya ako maglaro ay humi-hindi ako. Ngayon ay sa tuwing aalis na ako ng bahay namin ay umiiyak siya at ilang araw na hahanap-hanapin ako kay Mama. "Ingat po kayo."
Ngumiti sa akin ang mga magulang niya bago sila tuluyang umalis.
"Close ka sa mga bata?" tanong sa akin ni Finn, kasabay ko siyang naglalakad pabalik sa grocery store.
"Oo, nakakatuwa sila."
"Then you will make a good father." he said while his eyes are focused on where we're walking right now.
"As if." saad ko na parang natatawa. Pumasok na rin minsan 'yan sa isip ko. Anong future ko? Pag nagkaroon ako ng partner na lalaki tapos kinasal kami sa ibang bansa, mag-adopt kaya kami? Parang mas gusto ko na lang mag-alaga ng mga aso tapos yung gagawin ko na lang na anak ko ay si Taneo. Spoiled sa akin 'yon oras na makapagtapos ako at magtrabaho.
"As if?" he asked while his gaze is on me, looking curious with what I've said.
"As if that'll happen on near future. With all the pressure weighing on me right now, mas uunahin ko pa siguro maging magaling sa paningin ng mga magulang ko." in my mind, that's probably how Adie will answer.
"Magaling ka naman ah?" saad niya sa mahinang boses. "Tsaka mabangis at malupit."
"Hala." hindi natapos ang pinag-uusapan namin nang makakita ako ng bilihan ng camera. Gusto ko ng digicam. Nung bata ako naalala ko gusto ko magpabili ng digicam pero hindi ako mabilhan nila Papa dahil baka maging photographer lang daw ako at walang future. Baka kaya nilagay na rin ako sa katawan ni Adie para i-heal ang inner child ko?
BINABASA MO ANG
Arcus Aureus
RomanceAllison, an architecture student and working student, finds his escape in the romantic novel Scenery of a Golden Sunrise. His favorite story is a beautiful, slow-burn love between Sobel and Ethan that he's read countless times. But when Allison is s...