Chapter 10

198 18 16
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog, ang alam ko lang ay wala akong sapat na tulog. Hindi ko maintindihan ang gusto iparating ni Ethan, hindi ko nga ba maintindihan o tinatanggi lang ng utak ko? Paanong nangyari na hindi sila nagtuloy ni Sobel? Ang dalas ko silang nakikita na magkasama at higit sa lahat lahit kami ay gusto sila para sa isa't isa.

Bumalik sa isipan ko ang sabi ni Mr. Augustus na hindi lang ako ang may sariling desisyon dito at hindi lang ako ang may kakayahan na baguhin ang nobela.

"Ernest." napahinto ako sa pag-iisip habang pababa ako ng hagdan. Natigilan ako nang makita si Manong na nakatayo sa harap ni Azrael at Serena, nanlamig ang katawan ko nang makita ang ekspresyon sa mga mata ni Manong.

"What's happening here?"

"Hindi po ako binibigyan ng pera ni, sir. Ninanakawan ko na po siya." naguguluhan ako sa sinabi ni Manong. "Wala po alam si sir."

"Sinasabi mo ngayon na ninanakawan mo ang anak ko? Habang ang sabi ng nakarinig na katulong sa inyo dito ay bibigyan ka niya ng pera?" humigpit ang hawak ko sa banister ng hagdan, nang magka ideya ako kung ano ang pinag-uusapan nila. May masama ba na ginawa si Adie kung tumulong siya? "I don't even care what's real or not now. You'll receive your last paycheck."

"Last paycheck? Mayroon pa rin? Kahit ninakawan niya na si Ernest? He should be in jail for that." tumayo si Serena at masamang tiningnan si Manong. "You're being too nice, Azrael. Too soft... parang nababading ka ata?"

"He's didn't steal anything from me." I said standing on my ground, taking everyone's attention even after what Serena said. "Hindi ako ninakawan ni Manong-"

"Ninakawan ko po si sir. Hindi niya na po kailangan madamay rito." saglit na bumaling ang tingin sa akin ni Manong ngunit agad niya rin inalis. Masama ba ang tumulong? Masama ba na naawa ako o si Adie kay Manong?

"Ernest knows our rule here. Ang ayoko sa lahat ay yung binabayaran o sineswelduhan na namin pero hindi pa rin nakukuntento. Maging sa pader ng gate natin ay may nakasulat na 'No Solicitation.'" my shoulders jumped when Azrael walked closer to him and punched Manong's stomach, making him kneel in pain. "I also hate it when my child is being used for money. So what if your child is in the hospital and can't be discharged? Is it Ernest's responsibility to pay your bills? You're paid fairly, so it's your fault if you can't manage your income properly."

Lumapit na ako sa kanila at tinulungan na tumayo si Manong, habang nauubo ba siya dulot ng pagsuntok ni Azrael.

"You're already firing him, Dad. Bakit kailangan mo pa manakit?!"

"You're right, he already got what he deserve. Tingnan natin kung sino pa ulit hihingan mo ng tulong ngayon na yung isa mo naman na anak ang may dengue ngayon at nawalan ka pa ng trabaho." I bit the inner of my lower lip as I glanced at Manong's eyes, it's clear that he's about to cry because of what Dad made him realized.

"This is wrong." I said and I was about to stand up when Manong talked.

"Aalis na po ako." no, he can't. Ilang taon na siyang nagtatrabaho rito at maging si Jether ay naging malapit rin sa kanya. This is my fault, ginugulo ko ang lahat, kung si Adie ang andito hindi siya sana mapapaalis.

"No. Dad, you're being unreasonable. He's been with us since Kuya was alive. He was more of a father to us than you are!" I saw how shock Azrael was, while Serena was just sitting on the couch drinking her morning wine, as if she was just watching her favorite drama.

My eyes widened when Azrael threw a punch at me, making me fall down on the floor. Manong was about to help me when I stopped him.

"Manong, my husband already told you to leave. Do you honestly think Ernest can save you from this? Leave." pagkausap ni Serena kay Manong dahil alam ko na ayaw niyang makita na sinasaktan ako ni Azrael. Alam niya na maaring kumalat ang impormasyon na 'yon, kita ko ang kagustuhan ni Manong na tulungan ako ngunit umalis na rin siya.

Arcus AureusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon