What if something happened? What if Adie was abused by Zander? Paano kung nagawa niya nga yung gusto niyang gawin kay Adie sa kwento? Hindi malabo na nangyari nga 'yon sa nobela. Dahil wala naman pinipiling kasarian ang mga kagaya nila na masasamang tao. Lahat o kahit sino pwedeng maging biktima at iniisip ko pa lang na nangyari nga 'yon kay Adie o sa katawan na gamit ko ngayon, gusto ko na siya yakapin.
Umangat ang tingin ko sa madilim na kalangitan habang palabas na ako sa subdivision. Pasundo na kaya ako kay Manong?
Tatawag pa lang sana ako sa numero niya nang may maunang tumawag na sa akin.
"Ethan."
"Adie." late na rin, hindi ko pa alam kung anong oras ako masusundo. "Where are you?"
"Nasa subdivision lang na malapit sa mall na pinuntahan natin. Magpapasundo na rin naman ako kay Manong-" naputol ang dapat ay sasabihin ko. Huh? What happened? Tiningnan ko ang phone ko na nag-off na dahil na lowbatt.
"Leche kasing Zander 'yon." bulong ko sa sarili ko nang mapansin ko ang paglakas na ng ulan. Tinakbo ko ang distansya papunta sa waiting shed, sa sobrang pagmamadali ko ay halos madulas na ako sa daan.
Hindi ko natawagan si Manong, hindi ako nakapagpasundo. Pag naman pumunta ako sa mall para sa sakayan baka hindi lang ako basing-basa na dadating doon, ubos din mga kayamanan nitong si Adie sa dilim ng dadaanan ko na mga eskinita. Bakit hindi ito si Adie ginawang bida nung sumulat ng storya nito, parang mas madaming binigay na pagsubok sa kanya si Lord kesa kina Sobel at Ethan.
There was no place to sit in the waiting shed so I just squat a little while looking on the floor. Hintayin ko na lang siguro tumila ang ulan tapos mag kara-krus muna ako, wala naman ako iba magagawa. Gusto ko libangin muna isip ko sa nangyari kay Adie, dahil hangang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako. Gusto ko rin suntukin kahit isang beses lang si Zander, gago siya.
But the weather today seems to be against my odds, it continued pouring. It's been 30 minutes already after I started playing with my coins. Kung hindi talaga titigil ito tatakbuhin ko na yung mall, sisigaw-sigaw na lang ako na may baril ako sa bag habang tumatakbo para matakot mga kawatan.
"Ang sakit na ng legs ko." bulong ko at sinubukang imasahe ang mga hita ko.
Ngunit sa tagal ko siguro na naka-squat ay namanhid na ang binti ko, dahilan upang ma-out of balance ako. I can't reach for something to hold on to and I am already worrying about the puddle below the waiting shed. My feet was to weak to carry my weight so I landed straight on the puddle below the waiting shed.
"Leche." ang dumi ko na, nababasa na rin ako sa ulan dahil hindi na ako nasisilungan.
"Adie." umangat ang tingin ko kay Ethan na bumaba ng kotse niya, nagmamadali siyang lumapit sa akin at sinilong ako sa payong niya. "What happened?"
"Katangahan." tinulungan niya ako tumayo at tiningnan ang sitwasyon ko ngayon. "Pwede ba patawag sa phone mo? Lowbatt na kasi akin."
"You have a powerbank in your bag, why didn't you used it?" powerbank? Pucha may powerbank pala si Adie? Binuklat ko ang bag ko at meron nga, agad ko na sinaksak ang phone ko upang mag-charge habang si Ethan naman ay pinapanuod lang ang bawat galaw ko.
"Ano nga pala ginagawa mo rito?" tanong ko habang sinusubukang buksan na ang phone ko.
"I called Manong, hindi ka naman daw nagpapasundo. Ako na pumunta sa 'yo rito." hinubad niya ang suot niya na hoodie at inabot sa akin. "Use this to cover your pants."
"Hindi na, ayos lang. Tatawag na ako kay Manong."
"There's no need for that, Adie. I'm already here, ako na maghahatid sa 'yo." he said as if his decision is final. Kinuha niya ang bag ko na nakasukbit sa akin. "Lagay ko muna 'to sa likod, go inside the car."
BINABASA MO ANG
Arcus Aureus
RomanceAllison, an architecture student and working student, finds his escape in the romantic novel Scenery of a Golden Sunrise. His favorite story is a beautiful, slow-burn love between Sobel and Ethan that he's read countless times. But when Allison is s...