DISCLAIMER
This work is a piece of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
The author holds the copyright to this work. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
This story is not true and is only created from the writer's imagination. If it has any resemblance to another story you have read. Is just a coincidence, Every character in this story is fictional.
PLAGIARISM IS CRIME
Please be aware that this story may contain grammatical errors. Read at your own risk.
All rights reserved.
Kestrel's POV
“Hindi na talaga ako magca-cutting class. Promise!”
Muntik na akong mapa-roll eyes ng buong kaluluwa ko sa sinabi kong ‘yun. As if naman may makakapigil sa akin. Ano akala nila, matatakot ako? Over my dead, hot body.
“Ilang beses mo nang sinabi ‘yan, Miss Yates?” tanong ni Prof. Reyes habang nakataas ang kilay. I rolled my eyes again. Sheesh, ilang taon na ‘tong prof na ‘to at hindi pa rin ako nakakalusot.
Lunch break na nga eh, gutom na gutom na ako!
“Prof, pwede na po ba akong umalis? Gutom na po kasi talaga ako, magkaka-ulcer na ata ako dito…” I pleaded, kahit alam kong wala rin namang effect. Pinaiikot ko na nga ‘tong si Prof sa mga drama ko, pero deadma lang siya. Talagang hindi niya ako pinapaalis!
“I don’t like your attitude, Miss Yates! Lumabas ka na nga ng classroom o baka gusto mo pang masampolan!”
Ay, ayaw ko naman ‘yan. Tumakbo na lang ako palabas ng classroom, hindi na ako nagpaalam pa. May pila sa hallway kaya tinutulak ko na lang ‘yung mga nakaharang. Baka abutan pa ako ni Prof!
Pagdating ko sa tapat ng cafeteria, bam! Nabunggo ko ang isang poste. Parang narinig ko pa ‘yung collective gasp ng mga nasa hallway. Ang OA naman ng mga ‘to.
Ang sakit kaya, nakakahiyang magpa-bibo pa dito. Minasahe ko ‘yung ulo ko habang tumayo nang paika-ika, pero ayun, napatingin ako sa isang tao na nakatitig sakin.
Tangina, sino ‘to?
Nakasuksok ‘yung mga kamay niya sa pockets, diretso ang tindig at may pagka-intense ang tingin. Diyos ko, ang tangkad niya! Nakasuot siya ng suit, at ‘yung jawline niya parang kayang pumutol ng bato. Ang taas ng ilong, perpektong kilay, makapal na lashes, at ‘yung labi niya? Jusko, parang natural na pink at plump!
Sino ba siya?
“Hmm, sino ka?” tanong ko, matapos ko siyang i-check out. Pero imbes na sumagot, nanatili lang siyang naka-neutral ang expression.
Ay, ang lakas ng dating! Pero in fairness, gorgeous at handsome siya at the same time!
“Hindi ka ba marunong mag-sorry?” tanong niya habang nakakunot ang noo. Parang nagulat ako sa tanong niya. Sorry? Para saan?
“Ano namang ginawa ko?” tanong ko, nakakunot pa rin ang noo.
“Tsk. Nonsense.” At tumalikod na siya, sabay hawi ng braso ko nang daanan niya ako.
Ang yabang. Gwapo sana, kaso mukhang hindi marunong ngumiti. Sana hindi ko na lang siya napansin. Pumasok ako sa cafeteria nang hindi na siya iniisip.
Pag-upo ko, bigla na lang sumulpot ang tropa kong si Margaux at nakanganga siya. “Grabe, Kestrel, hindi ka man lang nag-sorry?”
Bumuntong-hininga ako at sinamaan siya ng tingin. “Bakit naman ako magso-sorry? Wala naman akong ginawa.”
“Bruha, binunggo mo siya!” dagdag ni Solein, may kasamang dramatic na gasp pa.
Nanlaki ang mata ko. “Talaga?”
“Yes, Kestrel! And FYI, siya ‘yung bagong prof dito sa campus. Siya ‘yung youngest at hottest prof na halos lahat ng estudyante pinapantasya. Kakagraduate lang niya, pero tinanggap agad dahil magaling daw siya at… alam mo na, super ganda niya!”
“Eh ano naman? Hindi naman ako natatakot sa mga ganyan,” sabi ko nang walang kaabog-abog, sabay flip ng buhok at iniwan sila.
Haaay, gutom na gutom na ako! Naalala ko tuloy na hindi pa ako nakakapag-lunch dahil sa mga drama ni Prof Reyes.
A/N
Please don’t forget to vote and comment.
Thank you for your support!
BINABASA MO ANG
Professor Vaughn
RomanceSi Kestrel Summer Yates, isang senior college student, ay may masaya at exciting na buhay, pero lahat ay nagulo nang makilala niya si Prof. Wrenley Colzdein Vaughn, ang tinaguriang "God's gift to men and women" sa kanilang campus. Sikat ang kanyang...