Kestrel's POV
"Good evening, Summer." Ngumiti si Nanay Emily habang binuksan ang pinto.
"Good evening din, Nay." ngumiti ako at sinilip ang paligid.
"Nay, nasan si Mommy?" tanong ko kahit sanay naman akong wala pa siya pag-uwi.
Madalas siyang dumating mga alas-nuwebe ng gabi, minsan pa nga abot ng alas-onse. Pero kahit ganoon, palagi kong tinitingnan kung nakauwi na siya. Ewan, siguro namimiss ko lang siya kahit paano.
Tama na, Kestrel. Tanggapin mo na lang. May mga bagay talaga na hindi mo mababago.
"Wala pa si Mommy mo, Summer." as usual.
Nag-nod lang ako at diretso sa kwarto ko. Nag-shower, nagpalit ng damit, at humiga sa kama. Medyo pagod ako sa mga kalokohan ko kanina.
Napangiti ako habang naalala ko si Wrenley. Aminado akong di naman niya siguro seseryosohin 'yon, pero gagawin ko pa rin ulit kahit na sobrang snob niya sa akin.
Tumayo ako at kinuha ang iPad. Humiga ulit at nagsimula nang mag-stalk.
Binuksan ko ang Instagram at tinype ang pangalan na Wrenley Colzdein Vaughn.
May dalawang account na lumabas.
Ang isa, @Vaughn.WC, parang luma na puro black na photo. Kaya siguro 'yung @WrenColzdeinVaughn yung bago kasi 'yung profile pic niya may kasama siyang pusa.
Hmm, so mahilig pala siya sa pussy huh?
Klinik ko ang pangalan niya at pinindot ang "follow" button. Wala na 'kong hesitations sinabi ko nang kukunin ko siya. Hindi man ngayon, pero malay mo, soon.
Stalk mode on. Wow, 500k followers? Grabe, feeling ko walang chance na mapansin niya ako, pero okay lang, hintayin ko na lang kung iba-follow back niya ako. Nakakatawa kasi never pa talaga akong naghintay para sa kahit ano. Usually, ako ang fina-follow, di ako ‘yung naga-add!
Hay, para kay Ma’am Wrenley, game ako maghintay.
Scrolling mode until makatulog.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Habang naglalakad sa hallway, napansin kong may mga estudyanteng napapatingin sa akin. Nagulat pa yata sila.
Wow, ang aga ni Kestrel Summer Yates, ah?
Habang naglalakad ako, natanaw ko si Wrenley sa faculty room. Kumuha siya ng mga gamit at naglakad papalabas. Nagkatinginan kami.
Ngumiti ako ng malaki sa kanya, pero isang sulyap lang ang binigay niya at tuloy-tuloy na sa paglalakad. Parang wala lang. Nakakahiya! Ang harsh ni Prof, walang puso talaga.
Psh. Pero wala, tuloy pa rin ako. Ako pa.
Pagsapit ng 5pm class, derecho akong pumasok sa room. Psh, ito ang subject na pinaka-ayaw ko.
"Oh, bagong buhay ah, Summer?" bati ni Kaizer habang inabot ang isang upuan para sa akin. Pinandilatan ko siya.
"Nandiyan na ba sina Solein at Margaux?" tanong ko habang naupo.
Siguradong nag-save ako ng upuan para sa kanila sa tabi ko. Kinuha ko ang notebook ni Kaizer para makopya ang notes niya sa Calculus. Napa-shake siya ng ulo sa ginawa ko. Pero mukhang sanay na siya.
"Oo, nasa labas lang," sabay titig niya sa akin habang nagso-sulat ako.
“Ang ganda mo pa rin, Summer,” sabi niya habang abala ako sa pag-susulat ng notes.
“I know, right?” sagot ko at napaisip na tamarin na magsulat. Akin na lang dadalhin sa bahay.
Biglang pumasok si Wrenley. Dumiretso agad ang tingin niya sa amin. Ang lamig ng titig niya, parang kaya kaming ipa-freeze.
“Ahem. Copying notes, Miss Yates?” tanong niya na parang may mali sa ginagawa ko. Ewan, sa pagkakaalam ko, ayos lang naman ‘yon. Tama ba?
"Oo, bakit po?" sagot ko ng diretso.
Parang nag-pigil ng galit si Ma'am. Siguro sa dami ng pag-absent ko, feeling niya wala akong karapatan sumagot. Pero, sorry na lang.
“Aren't you bothering Mr. Ford?” Lumapit siya at tumitig sa akin. Si Kaizer naman, napa-kamot sa ulo at nag-attempt mag-explain.
“Ah, hindi naman p-” pero pinutol agad siya ni Wrenley.
"Okay. Magkakaroon tayo ng open notes quiz," sabi niya nang may authority, as if wala nang ibang option.
Ano?! Quiz agad?!
Nagreklamo ang mga kaklase ko pero mukhang wala rin silang magagawa. At least, open notes naman. Nakahinga ako nang malalim thank God may awa rin pala si Ma'am.
Dumating sina Margaux at Solein. Nabigla si Margaux nang makita ako, pero nang makita niya ang seryosong mukha ni Wrenley, tahimik siyang umupo.
"Uy, may quiz, pahiram ng notes," bulong ko kay Margaux.
"Hah? Totoo? Ngayon na?" Nanginginig niyang kinuha ang notes niya nang marinig naming nagsalita ulit si Wrenley.
“Btw, since allowed ang open notes, strictly no sharing ng notes ha.” Titig niya sa akin at napailing.
Nabitiwan ko yung ballpen ko. Paano na ‘to?!
A/N
Please don’t forget to vote and comment.
Thank you for your support!
BINABASA MO ANG
Professor Vaughn
RomanceSi Kestrel Summer Yates, isang senior college student, ay may masaya at exciting na buhay, pero lahat ay nagulo nang makilala niya si Prof. Wrenley Colzdein Vaughn, ang tinaguriang "God's gift to men and women" sa kanilang campus. Sikat ang kanyang...