Kestrel's POV
"Kestrel," seryosong sabi ni Margaux matapos ang ilang minuto ng katahimikan. Napatigil ako, tiningnan siya sa mukha.
"Okay, Kestrel. Tigilan na natin 'to, okay? You've proven enough na kayang-kaya mong magpakilig ng kahit sinong lalaki o babae, so let's stop this na. Parang mas pinapahirapan lang kita." She smiled at me, pero di ko binitiwan ang tingin.
"Hindi, Margaux. Di ako titigil," sabi ng pride ko.
"What? Are you serious, Kestrel? Let's end this deal na, okay? Di ka naman nabebenefit dito. Oo, admit it, hot si Professor Vaughn. Pero kung ayaw niya sa'yo at ganito ka na lang naman niya tratuhin, tama na."
Ayaw talaga sa'kin ni Wrenley? Hindi ba ako gano'n ka-attractive para sa kanya? Napapakilig ko naman kahit sino... pero si Wrenley? Wala. Parang mas gusto pa yata niyang i-ignore ako.
"I said, hindi ako titigil," sagot ko, matigas ang boses, pero ramdam ko ang bigat sa loob.
"Pinatumba ko nga 'yung ibang guys, si Wrenley pa kaya?" Sinabi ko 'yon with a confident smile kay Margaux.
She just shook her head, parang natatawa na ewan. "Grabe ka sa kumpiyansa, ano?"
"Siyempre naman, Kestrel Summer Yates 'to!" Kinindatan ko siya. Napailing lang siya habang nakangiti.
"Fine," sabi niya.
Hala, pumapayag siya?
Di ko maintindihan bakit, pero parang gusto kong manalo sa laro kong ‘to kay Wrenley. Babae lang naman siya, ano ba naman yon? Kayanin ‘yan.
"So... pumapayag ka?" tanong ko, ngumingiti.
"Oo, pero may isang kondisyon."
"Sige, ano 'yon?" Tanong ko, excited.
"Promise mo lang, pag ginawa ka niyang iyakin, pinahiya, pinagsalitaan ng masama, o basta… kung ma harass ka ma-”
"Harass ako ni Wrenley? Parang gusto ko nga yata," natatawa kong sagot.
"Tigil-tigilan mo 'ko, iba na 'yon!" Natawa rin siya.
"Ito na last, ha? Kapag nangyari ulit, talagang tatapusin na natin 'to. Kung hindi, ako mismo ang sasapak kay Wrenley kahit hot siya as hell."
"Aba, kaya mo ba 'yon? Feeling ko tatakbo ka pag nakita mo siyang galit!" Natatawa kong sabi habang umiiling.
"Seryoso 'ko!"
Swerte ko talaga at nandyan si Margaux.
Tiningnan ko ang date sa phone ko para i-check ang assignment ko. Kailangan ko nang i-submit today. August 2, isang linggo na pala akong student assistant ni Wrenley. At sa buong linggong iyon, deadma lang siya.
Ginawa ko na lahat para mapansin niya, pero wala pa rin. Pinapakain ko pa siya araw-araw, pero lagi niyang kinakain ‘yung baon niya with her co-teachers. Grabe, parang gusto kong mabaliw. Bakit ganito? Di ba dapat sanay ako na ako ‘yung nilalapitan?
"Goodbye, Professor!" may mga girls na nag-giggle sa unahan pagkatapos mag-dismiss ni Wrenley sa class. Maaga niyang pinalabas lahat, at ewan ko kung bakit.
Naku, alam ko na siguro.
Muntik ko nang makalimutan! Di ko pala nasabi kay Prof. tungkol sa meeting kanina. Nakalimutan ko ibigay ‘yung memo. Kaya hindi siya nakasipot. Nakakahiya.
"Let’s have a snack, baby girl?" Kaizer grinned habang lumalapit sa’kin. Medyo malakas ang boses niya, parang nagpapansin. Nilingon ko siya, saka ko rin napansin na nakatingin si Wrenley.
Pero nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya, hindi man lang kami nilingon ulit.
May mali. Something feels off lately. Pero di ko pa maintindihan.
"Sige na nga, next time na lang Kaizer, may kailangan pa akong tapusin," I said, pero forced smile ‘yun. Kahit siya, parang nagtataka.
Napailing ako. Ba’t ganito ako ngayon?
Napabuntong-hininga na lang ako.
Nang ako na lang at si Wrenley ang naiwan, napa-smile ako ng palihim. Naku, Kestrel, wag kang assuming! Pero oo nga pala, kailangan ko mag-sorry kay Wrenley, at least ma-explain ko sarili ko.
Inispray ko perfume ko at inayos ang mga gamit ko. Papalapit na ako nang biglang may pumasok. Tsk!
"Hello, Professor! Pasensya na po, pero pwede ba akong magpatulong?" si Mianne Bautista, kaklase ko sa calculus. Tumigil ako.
Sinundan ko sila ng tingin, lalo na nang makita kong ngumiti si Wrenley kay Mianne. Parang may sumakit sa dibdib ko. Ang dali-dali niyang ngumiti sa iba, pero sa akin…?
Di ba pwede sa’kin? Pero sige na nga…
Di pa rin ako susuko. Ako pa ba? Kestrel Summer Yates to, ‘no!
"Yeah sure, Miss Bautista. What can I help you with?" tanong ni Wrenley na may ngiti. Aba!
Napansin kong pasimple niyang hinawakan ang kamay ni Wrenley, and the worst part? Mukhang di na siya napansin ni Wrenley o baka naman, hinayaan lang niya.
Nag-init ang ulo ko. Tumayo ako at lumapit.
"Oh, Wrenley." Sabi ko na may bahagyang pag-irap kay Mianne. Lumingon lang si Wrenley sa’kin, pero mukhang di masaya.
"Naayos ko na lahat ng gamit ko sa office mo," sabi ko habang tinititigan siya ng diretso.
"Ayan, mabuti naman," malamig niyang sabi. Wala akong in-expect na ibang reaksyon, pero shit, ganito ba talaga?
"At saka nga pala, Wrenley… mag quiquit na ako." Tapos bigla akong tumalikod.
Ayan. Nasabi ko na. Kailangang tapusin ko na ‘to. Ayoko na rin.
"Miss Yates," tawag niya sa’kin, pero di na ako lumingon. Dere-deretso akong lumabas kahit ilang beses niya akong tinawag.
Ano bang nangyayari sa akin? This is stupid.
A/N
Please don’t forget to vote and comment.
Thank you for your support!
BINABASA MO ANG
Professor Vaughn
RomanceSi Kestrel Summer Yates, isang senior college student, ay may masaya at exciting na buhay, pero lahat ay nagulo nang makilala niya si Prof. Wrenley Colzdein Vaughn, ang tinaguriang "God's gift to men and women" sa kanilang campus. Sikat ang kanyang...