Chapter 5

12 1 0
                                    

Kestrel's POV

“Bye, Kestrel!” paalam ni Margaux habang naglalakad palabas ng room.

Napailing ako at ngumiti, sinundan siya ng tingin habang inaayos niya ang bag sa balikat niya. Nagkatinginan kami, at bago siya umalis, kumindat siya sa akin. Alam ko na ang ibig sabihin niyon kailangan kong patunayan na kaya ko ang hamon.

“Kaya ko ‘to, Margaux,” bulong ko sa sarili, para bang kinakausap ko siya.

“Bet ko hindi! Mahirap ‘yan,” natatawang sagot niya habang tuluyang lumabas. Inayos ko naman ang gamit ko, siniguradong wala akong nakaligtaan. Tulad ng dati, hinihintay ko pa rin si Wrenley.

Kami na lang ang natira sa room. Ang professor namin, relaxed na nakaupo, seryosong nagrerecord ng scores sa laptop niya. Syempre, naalala ko agad ang score ko, zero na naman!

Ang hirap kasi! Wala akong notes, at binabantayan niya ako dahil ako lang ang walang notes. Inayos ko ang bag sa balikat ko at naglakad papalapit sa kanya.

Nang makalapit na ako, tinaas niya ang kilay niya at kumunot ang noo, halatang naiinis.

“What is it again, Miss Yates?” tanong niya, kita ang inis sa tono niya.

“Love…” sambit ko habang lumalapit pa. Nanatili siyang seryoso, pero nakita ko ang bahagyang pagngiwi ng panga niya.

“Zero talaga score ko?” tanong ko, kunyaring seryoso.

“What do you expect? Gusto mo bang palitan ko?” inis niyang balik.

Narinig kong nag-“tsk” siya.

“And stop calling me that. It’s inappropriate, Miss Yates,” dagdag niya, tuloy sa pag-record ng scores.

“Ano? Yung ‘Love’?” tanong ko, kunwaring seryoso pero tawang-tawa na ako sa loob. Ang cheesy, eh!

“Bakit ko ititigil ang pag-express ng nararamdaman ko, professor? May freedom of expression tayo, ‘di ba?” smirk ko. Goodness, lalo yata siyang nainis.

“Then you should at least be modest, Kestrel. I am your professor, and you should respect me or at least respect yourself,” sarkastiko niyang sabi.

“Ang sungit mo naman, Love,” pout ko, sabay upo sa harap niya.

“Lalo mo tuloy akong napa-fall. Hmm.” Tinitigan niya lang ako nang walang pakialam at nagpatuloy sa ginagawa niya, hindi man lang ako pinansin. Ang sungit talaga! Parang siya ang reyna ng mga isnabera.

“And oh…” Kinuha ko ang isang bagay sa bag ko. Napansin niya ito at tinaas ang kilay habang naghihintay.

“Excited?” tanong ko habang hinahanap ko pa rin ang nasa loob ng bag. Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin sa sinabi ko.

“Can you just get out? I have so many things to do. You’re a distraction.” Grabe, ang sakit nun! Medyo lang. Hehe.

“Aww, ang sungit mo talaga, Love.” Tuloy pa rin ako sa pagtawag sa kanya ng “Love.” Enjoy na enjoy ko kasi.

“Here, ginawa ko ‘to for you, Wrenley.” Ngumiti ako sa kanya, pero sinamaan lang niya ako ng tingin. Wala talagang intensyon na tanggapin ‘to!

“Ano? Titignan mo lang ‘yan? Hindi mo ba kukunin?” tanong ko, sarkastiko.

“Why would I?” maikli niyang sagot.

Kinuha ko kamay niya at pilit na pinahawak ang souvenir jar na may colored salt sa loob. May dekorasyon pa ito at nakatali ang abaca rope sa kalahati ng bote—project namin ‘to sa isa kong subject. Tinitigan niya lang ito, walang intensyon na tanggapin.

“Choosy mo naman, Love!” singit ko, pero sinamaan niya ako ng tingin.

“I said stop saying that.”

“Eh ‘di bigyan mo ako ng valid reason kung bakit ko ititigil,” challenge ko. Hindi niya talaga ako mapipilit.

“I am your professor,” sagot niya, direkta.

“At ako ang student mo.”

“Yes, you’re STILL a student, kaya tumigil ka na,” sagot niya, disgustado.

“Okay, ititigil ko ‘yan kung…” tumayo ako sa harap niya.

“What?” tanong niya, halatang naiinis na.

“Maging student assistant mo ako,” smirk ko, habang nakita kong kumuyom ang kamao niya.

“What? Are you crazy? I don’t need a student assistant.”

“Then okay, sasabihin ko sa lahat na pinilit mo ako na may nangyari sa atin, masisira pangalan mo, at wala nang babaeng maghahangad sa’yo dahil sa akin. Mapapaalis ka pa dito sa trabaho mo at—” Napatigil ako nang marinig ko ang magaan niyang tawa. Napa-iling siya, natatawa sa inimbento ko.

“And as if someone would believe you?” sabay irap.

“Masyado bang madali? Eh ang mommy ko influential. Kaya niyang may magawa tungkol doon,” sagot ko, bratty lang, sorry na.

“Sa bagay, Miss Yates, ano naman mapapala mo sa mga kalokohang plano mo, ha?” Umiling siya.

“To get closer to you, ‘yan lang,” sagot ko. Napa-iling siya ulit, halatang hindi natutuwa sa akin.

“Smooth,” sabi niya, kita ang pagkirot ng mata niya.

“Desperada ka na ba? Desperada lang ang gumagawa niyan.” Ouch, unang beses kong matawag na desperada!

Temper, Kestrel. Temper. Patunayan mo kay Margaux na kaya mo ‘to. Kaya ko ‘to! Huminga ako nang malalim at ngumiti ulit.

“Kung ‘yan ang tawag mo, eh ‘di so be it,” sabi ko, determined na ipakita sa kanya na hindi ako aatras.

“Fine,” she rolled her eyes, napilitang pumayag.

“Be here at 6:00 a.m. every day para tulungan ako sa pag-train ng athletes. Buhatin mo mga gamit ko kahit saan ako pumunta, at sundin mo lahat ng iuutos ko sa’yo,” ngisi niyang sabi.

“You can still back out, Miss Yates.”

‘Bakit ako magba-back out, Professor?’ sagot ko, pero sa loob-loob ko, minumura ko na si Margaux.

Lahat ng ito dahil sa isang deal. Diyos ko, ano bang pinasok ko?!



A/N

Please don’t forget to vote and comment.

Thank you for your support!

Professor VaughnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon