Chapter 29

558 7 1
                                    

Nasa loob na ko ng school namin ng makita ko ang komusyon na nagaganap sa Director's office. Hinanap ko si Sophia dahil alam kong number one yun sa mga chismis na nangyayari dito sa school.

Hindi naman ako nagkamali at nakita ko siya malapit sa Director's office. Kinawayan ko siya ng kamay para palapitin sakin.

"What happened Pia? Bakit nagkakagulo dito?" tanong ko sa kanya.

"Well. Well, my prenny! The previous school director, who is also the father of Direk the heart-throb slash red flag boy, is no longer in the position." nagulat naman ako sa sagot niya.

Napakunot noo ako "What! Bakit daw?"tanong ko ulit.

Naglakad na kami palayo sa komusyon para di nila sabihin na nakiki chismis kami dun. Para iwas na din kami sa gulo na nagaganap sa lugar na iyon.

Nag isip siya bago sumagot "I don't know? Sabi daw kasi may anumalyang nakita sa pagpapatakbo ng Director sa school na to" sagot niya "Kita naman sa pagpapalaki nila kay Direk na yun kaya deserve bhe" dagdag niya pa.

Hinampas ko naman siya sa balikat "Hindi porket ganun ugali ni Direk ay ganun na din ugali ng tatay niya" depensa ko naman.

Inirapan niya lang ako at bumusangot. Dumeretso na kami sa paglalakad at hinanap ang room namin.

Hindi natin masisi sa magulang ni Direk ang ugali ng anak nila. Ikaw pa din ang pipili kung paano ka makibagay, makitungo o kung paano dadalhin ang iyong sarili mapa ugali man yun o personality mo.

We have no right to judge a person if we cannot truly understand what they are experiencing and how they live. Opinions are normal but we must know the limit.

Pagkatapos ng klase namin ay dumeretso kami ni Sophia sa cafeteria para mag lunch. Wala naman na kami subject ngayon pero di pa daw kami makakauwe kasi may announcement pa daw mamaya at sa gym gaganapin. Kaya instead na umuwe na ay intayin na lang namin para di na kami babalik mamaya dito.

"Hindi ka pa nag kwekwento tungkol dun sa exclusive at live na pag confess sayo ng Daddy mo kuno. Nakakakilig!" tanong ng kaibigan kong parang kiti kiti at pinaghahampas pa ko.

Lumayo naman ako para hindi ako matamaan.

Nagtaka naman ako "Bakit mo naman alam yun? Isa ka talagang dakilang chismosa" pagtataka ko pa din.

"Girl, mag confess ba naman sayo ang isang famous na CEO ewan ko na lang kung di ka pag uusapan. Hindi mo nakikita ang mga matang kanina pa nakamasid sayo" sagot niya at napatingin sa mga tinuro niya.

Nahiya naman ang mga ito at nagsipagtago ng tumingin ako sa gawi ng mga tinuro ni Sophia. Tinapik ko naman ang kamay ni Pia na walang hiyang pinagtuturo ang mga school mates namin. Wala talagang preno ang batang ito, ako na lang nahihiya sa mga ginagawa niya.

"Pia! You don't need to point your finger on them" suway ko sa kaniya.

Tumahimik naman siya "Eh! Kung makatingin sila parang tutuklawin ka nila para mamatay ka na lang" pag irap niya pa sa mga ito.

Bumuntong hininga na lang ako, alam ko naman na ayaw nila ako para kay Lucas pero hindi ko sila pwede husgahan dahil hindi ko naman alam kung ano talaga nasa isip nila.

"Hayaan mo na let them do what they want" pangangaral ko sa kaibigan ko.

I know Lucas is very successful person at mahirap paniwalaan na Lucas well be contented on a school girl and adopted like me. Hindi ko naman sila pinipilit na intindihin kami pero nakakababa lang ng pagkatao ang mga tingin nila na mapanghusga. I silently felt pain in my heart to all the judgement that people might see on my relationship with Lucas.

OBSESSED TO BELLA (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon