Chapter 30

619 6 0
                                    

Inexplain ni Lucas kung bakit siya naging Director sa school namin. Kinuha niya daw ang position na yun dahil sa situation ng school nalulugi na daw kasi ito at dahil daw yun sa kagagawan ng ex Director namin na ama ni Direk.

The other investors decided that if they didn't want to see the school go to destruction, Lucas had to take charge. Pumayag na lang din si Lucas para daw masalba ang mga estudyanteng nag aaral dito. At para daw maiwasan ang mga usap usapan tungkol sa pagsasara ng Sul Ross University. Hindi naman na ko nagtanong pa, dahil alam ko naman na kaya kayang ni Lucas at pinag iisipan niya ng maigi ang mga desisyon niya. Andito naman ako lagi para suportahan siya sa abot ng aking makakaya.

We are now preparing for the dinner that Ledezma offered to us. I don't want to be rude that's why I agree to meet them.

I felt Lucas hug on my back "Can we just cuddle to bed and rest" lambing niya sakin.

I touch his jaw and stares at him in the mirror "After our dinner h-honey" nahihiya kong sabi sa kanya.

I decided to call him honey because he is so sweet like honey. Humigpit naman ang hawak niya sa bewang ko ng marinig niya iyun mula sa akin.

Napangiti ako ng binaon niya ang kanyang namumulang mukha sa leeg ko. Iba pala makilig ang isang D'lore namumula ang buong mukha. Pinilit kong lumingon sa kanya para makita ang pamumula niya. Pero pinirmi niya ko gamit ang kamay niyang nakapulupot sa tyan ko.

"Stop baby! I felt like my heart is not normal anymore. You really know how to get me" pag aamin niya.

Nakabaon pa din ang kanyang ulo at tinatago ang kilig sa pagitan ng aking leeg at balikat.

Natawa naman ako sa inaasta niya ngayon, hindi ko alam na may ganito siyang ugali. Madami pa talaga akong kailangan malaman sa ugali ni Lucas. Even though I may have known Lucas for a long time, I still want to learn more about his personality and who is really Lucas D' lore.

After niyang maglambing ay tumuloy din kami sa lakad namin; ang mag dinner sa mga Ledezma. Papalapit pa lang kami sa bahay ng mga Ledezma ay nakita ko na agad kung gaano kayaman ang pamilya ni Shiela. Kitang kita ang taas ng gate nila at laki ng bahay nila.

Habang papasok sa gate ng mga Ledezma ang aming sasakyan ay nakaramdam ako ng kakaibang pagkasabik at kaba. Parang naramdaman kong kilala ko ang mga taong nasa loob ng bahay na ito.

Humigpit ang hawak ko sa braso ni Lucas nang lumabas na kami sa kanyang sasakyan. Kakaiba ang tibok ng aking puso, para itong sasabog sa lakas ng tibok nito. Bigla akong napahinto at napahawak sa aking puso. Pumikit ako at kinalma ang sarili.

"Are you okay baby?" nagtatakang tanong ni Lucas.

Hinarap ko siya matapos kong ikalma ang puso "Y-yeah! D-dont worry" at huminga ng malalim.

Pilit kong kinalma ang sarili at dumeretso na papasok sa malaking pinto ng mga Ledezma. Pinagbuksan kami ng pinto ng kanilang katulong. Kitang kita ko naman kung gaano ka ingrade ang bahay nila. Parang halos gold ang mga kagamitan na nakadisplay sa loob. There is a spiral stairs in the center that connects into the second floor. Mas lalong nagdadag ng liwanag ang chandelier na nasa center ng high sealing nilang sala. This is not a typical house it could be a mansion because of the hugeness of the house.

Giniya na kami ng katulong papunta sa dining area ng mga Ledezma. Namamangha pa din ako sa laki ng bahay na ito. Ilan kaya ang katulong nila dito? Parang ang linis linis ng bahay. Naputol ang pagmamasid ko ng huminto na si Lucas sa paglalakad.

Natigil ako sa pagmamasid ng makita ko ang isang magandang babae na medyo may edad na. Bigla ulit pumitik ang puso ko at hinawakan ko ulit ito para pigilin ang pagtibok nito. May sakit na ata ako sa puso, pinilit ko namang kumalma. Nakita ko din ang isang lalaki na may medyo may edad na din pero kita mo pa din ang angking gwapo nito. Bumaling naman ang tingin ko sa babaeng kilalang kilala ko si Shiela.

OBSESSED TO BELLA (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon