CHAPTER TWENTY ONE

11 0 0
                                    

Kindly, vote and leave some good comments. Enjoy!

_________

NEW STUDENTS

SIMULA nung nakalabas ako ng clinic hindi na ako tinantanan ni Gray. Super naiinis ako sa kanya kasi kahit saan ako magpunta dapat daw kasama siya.

Tinanong ko kung bakit ang lagi niyang sagot.

'Tsk'

Ganyan! Aba, sinong di maiinis dun aber? Hindi nalang ako kumontra kasi di naman ako mananalo sa lalaking yan. Feeling close talaga kahit kailan.

Maaga akong pumasok, di nalang ako nakisabay sa kanila kasi ayoko makita ang pagmumukha ng lalaking yun, tsaka baka mawala lang ako sa mood lalo na't may dalaw ako ngayon. Mabilis ako mairita at mainis, hayts bakit ba kasi ako naging babae? Pwede namang lalaki nalang diba? Dapat kasi mga lalaki nalang mga nagkakadalaw e.

Nahagip ng mata ko ang pagpasok nina Yna, panghuli doon ang lalaking masama ang mukha. Kunot-noo ito habang naglalakad palapit sakin, napalunok ako ng laway dahil ang sama ng tingin nito. Luh? Ginawa ko?

Akala ko, uupo ito sa tabi ko pero ganun nalang ang gulat ko nang umupo ito sa likuran, hindi ko alam pero bigla akong nalungkot dahil dun. Aba! Bat ako malulungkot? Ano siya gold, para tumabi sakin. Pero, hindi ko din maiwasang malungkot dahil dun.

Maya-maya pa dumating narin si prof, nakangiti ito. Buti pa siya, pangiti-ngiti lang postiso kaya ngipin nito? Ang puti e.

"Good morning everyone, we have new students now. Please, welcome your new classmates. Pumasok na kayo iha,iho"sabi nito sabay tingin sa pintuan. Naunang pumasok ang maladiyosang babae. Ang puti nito at ang ganda, she has blueish eyes. Medyo mahabang buhok, nakangiti ito.

'Ang ganda niya'

'Wow, sexy'

'Malakas kaya siya katulad ng royalters?'

'Sana hindi siya masungit '

Bulungan nila, well maganda naman talaga siya pero mas maganda ako. And, I don't know pero ayoko ang presensya nila.

"Hi, My name is Violet Blackwood. Nice meeting you! I hope we can be friends"she sweetly said pero nag iba ang tingin nito ng makita ako, tsk sabi na e.

Sinundan naman siya ng isa pang babae. She has short hair with green highlights. Mukha itong jolly, maganda rin naman. May subo-subo itong lollipop.

"Hgi—ay sorry. May subo pala akong lollipop hihi."childish nitong ani, natawa ang iba sa sinabi nito."Pauline Light, i hope you'll be nice to me"pakilala nito sabay subo ulit ng lollipop nito, cute siya pero ayoko talaga sa kanila.

"I don't like their presence"rinig kong bulong ni Yna. Yeah, me either.

Anyways, apat sila. Dalawang babae at dalawang lalaki. Nakaagaw ng pansin ko ay isang lalaking kanina pa nakatitig sakin. Alam kong maganda ako.

He looks so familiar to me.

"Hi, Tristan Park here. Nice meeting you"pakilala nung isang lalaki.

Sunod naman yung huling lalaki, yung nakatitig sakin. "Rozen Martinez.... it's nice to see you again"pakilala nito, ako lang ata ang nakarinig sa huli nitong sinabi. Nahuli ko itong palihim na ngumisi, nginisian ko din ito na ikinagulat niya nawala din saglit at hindi na ako nito tinignan.

Kung inaasahan niyong magagawa niyo ang inyong binabalak kaya kayo nandito, pwes hinding-hindi niyo yun magagawa.

Pinaupo na ito ni prof, nasa pinakadulo sila. Hindi ko nalang pinansin kahit alam kong nakatitig parin ang mga asul na matang iyon.

THE HIDDEN ACADEMY (School of Enchanters)Where stories live. Discover now