Kindly, vote and leave some comments. Thanks!
________
I LIKE YOU
PAGKATAPOS ng pangyayaring yun, bigla akong napabitaw sa kanya. At nakangisi na ito sa akin, ako naman pulang-pula na at hindi makatingin ng deretsyo sa kanya.
Shuta! Nakakahiya ka hell. Aish!
"A-ahmm, hindi ganun ang ibig kong sabihin no! Wag ka mag-aassume jan"may pagkautal kong sabi sa kanya pero ang epal mas lalong lumawak ang pagngisi. Jusko naman.
"Tsk, don't deny it. I heard it clearly"
"Aba! Mali ka ng rinig no! Tsaka, wag ka nga mag assume jan amp"
Bigla akong kinabahan nang bigla itong sumeryoso.
Seryoso ako nitong tinitigan at sinabi ang katagang nagpagulat sa akin.
"I like you..."
After he said those words, lumapit ito sa akin at tsaka ako hinalikan sa noo. Tulala, tulala lang ako dahil sa sinabi nito. Tibok lang ng aking puso ang tanging naririnig ko. Hindi ko nadin namalayang nakaalis na pala ito.
"I like you..."
"I like you..."
"I like you..."
Paulit-ulit yan na rumehistro sa utak ko. The hell ka Gray!
Alam kong di na naman ako makakatulog nito dahil sa lalaking yun!
Fuck that man!
KINABUKASAN. Parang zombie akong naglakad palabas galing kwarto, inaantok pa. Napuyat ako kagabi kakaisip dahil sa lalaking yun. Makita ko lang siya, humanda siya sakin!
Pagpasok ko ng kusina, naunang napatingin sakin si Eren na saktong iinom ng kape ngunit naibuga nito ang kape sa kaharap nitong si Vincent. Pfft.
"Tangina naman pre! Kung may galit ka sakin, walang bugahan ng kape. Ang baho pa naman ng hininga mo"reklamo nito. Gusto kong matawa ngunit wag na, wala namang nakakatawa.
Nakita na nila ako, nagulat sila dahil sa aking itsura.
"Pfft, napuyat ka ba hell?"pigil tawang tanong ni Yna pero sinimangutan ko lang ito at umupo sa tabi niya bago sumubo nung pancake. Diko nalang sila pinansin kahit pigil tawa sila. Mukha bakong nakakatawa? Duh, bahala sila jan.
"Hala, naging zombie ka hell?"maya-maya pang tanong ni Dolly. Uminom muna ako ng chocolate coffee na gawa ni Yna para sakin bago nagsalita.
"Oo, at kapag di pa kayo tumigil sa pagpigil ng tawa. Kakagatin ko kayo"matik na tumigil sila dahil sa sinabi ko kahit alam kong natatawa parin sila.
Mukha na kasi akong sabog, kalaki ng eyebags.
Buti nalang wala yung pesteng Gray nayun dito. Pero mali pala ako, dahil bumugad ito sakin mula sa pintuan ng kusina. Medyo nagulat pa ito ng makita ang itsura ko tsaka mahinang natawa.
Bat ang pogi niya? Oh! No, hindi. Hindi siya pogi!
Pero ang sexy niya tumawa sheyt.
May nabasag na kung ano, pagtingin ko si Dolly na nakatulala kay Gray. Hindi lang pala siya kundi lahat sila. Anong meron?
Yung hawak palang baso ni Eren yung nabasag.
"K-katapusan naba ng mundo? Kita niyo yun? Kita niyo?! Tumawa si Gray, sa harap natin"ang OA naman Eren.
YOU ARE READING
THE HIDDEN ACADEMY (School of Enchanters)
FantasyShe was adopted. She's so loving and kind. Innocent but dangerous. Funny but when she becomes serious you'd better to shut your mouth up. Don't you ever think to try to hurt her love ones or else you'll see how hell it was. She's HELL CLARA, ang bab...