Kindly, vote and leave some good comments. Thanks!
__________
FAKE PRINCESS/THE GAME
AFTER a long long long weekend, nagkaroon kami ng pagpupulong dito sa arena. Nandito na kaming lahat, including master gyu, minister yu, prof david and the other teachers. Hihintayin nalang daw namin ang mga hari't reyna sa iba't ibang palasyo.
Boring.
"Please, stand and let's all welcome our Kings and Queens. They just arrived!"panimula nung emcee. Napatingin ako sa pwesto kung saan uupo ang mga highnesses.
Nandun ang mga magulang nina Yna, including my grandparents. Grabe, ngayon ko lang ulit sila nakita. At ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang nasa pinakagitna nila, it was them.
Napakagat ako ng labi nang makita sila, gusto ko tumakbo papuntang pwesto nila ngunit hindi pwede. Aish, kaasar.
Nagtagpo ang mata naming dalawa, why so pretty naman yarn. Napangiti ako, gumanti rin ito ng ngiti at tsaka sumandal sa matitipunong katawan ng lalaki na iyon. Kalandi talaga kahit kailan, kidding.
"And to our special visitors! King Helmero and Queen Claudette. Nice to see you again here your highnesses"dugtong nung emcee, nagpalakpakan ang iba.
'Grabe, ang ganda talaga ni Queen Claudette'
'Pogi parin talaga ni King Helmero'
'How I wish na ako nalang yung anak nila huhu'
'Kapal mo naman'
Sari't saring komento nila. Mainggit kayo sakin hmp.
Tumayo si ina at ama tsaka tumingin sa lahat."I would like to thank all of you, dahil nakikipag cooperate kayo. And ayoko ng patagalin ito, gusto kong sabihin na kailangan na nating maghanda para sa nalalapit na digmaan sa pagitan ng dalawang panig, ayokong magsayang ng oras kaya simula sa araw na ito. Kami ang magtetrain sa inyo, upang matiyak na mahasa ang inyong mga abilidad"pagsasalita ni ama. Pogi talaga kahit kailan hihi.
"Bago ang lahat, magkakaroon muna tayo ng kaunting pagdidiwang dahil sa wakas nahanap na namin ang aming munting prinsesa"nakangiti namang sabi ni ina. Pero bigla akong kinabahan, anong? Munting prinsesa? Wag nilang sabihing......
Nagsinghapan ang lahat.
"Yes, so let's all welcome our dearest daughter. Princess Violet Blackwood! Please come here, iha"pagtatawag ni ina sa babaeng iyon. What the fuck is going on?!
Mabilis namang nakarating doon yung babaeng iyon, may mali. Nakangiti ito kina ama at ina.
Napatingin ako sa pwesto nina Rozen, walang emosyon itong nakatingin sa harap habang ang mga kasama nakangisi.
The hell.
"W-what? Bakit? Hindi iyon totoo"rinig kong bulong ni Yna, kahit sila nagulat din.
"Kung nagtataka kayo kung bakit ganun na ang pangalan niya, ganun na talaga dahil sa mga kumopkup sa kanya"dugtong ni ama. Napatingin ako kina lolo, na malungkot na nakatingin sakin. Umiwas ako, ayokong malaman nilang nakakaalala nako.
Kailangan kong alamin kung anong nangyayari, bakit ganun sina ama at ina.
Ugh. I fucking hate this.
Nagsipalakpakan sila, while me nakatingin sa kawalan.
"Baby...you okay?"nagulat naman ako ng may nagsalita sa gilid ko. Si Gray na naman.
Ngumiti lang ako."Y-yeah..."
YOU ARE READING
THE HIDDEN ACADEMY (School of Enchanters)
FantasyShe was adopted. She's so loving and kind. Innocent but dangerous. Funny but when she becomes serious you'd better to shut your mouth up. Don't you ever think to try to hurt her love ones or else you'll see how hell it was. She's HELL CLARA, ang bab...