CHAPTER EIGHT

11 2 5
                                    

Kindly, vote and leave some good comments. Thank you!

_________

THE SECRET VILLAGE



AFTER naming magpahinga at kumain kanina, nagpatuloy na kami sa paglalakbay papuntang Forest of Death. Masyado pang malayo ang aming lalakarin, kaya kahit anong reklamo ng kasama ko wala silang magagawa.

"Maggagabi na, wala ba tayong pwedeng tuluyan dito? Nakakatakot kaya matulog sa kagubatan"turan ni Dolly na nasa likuran. Maggagabi na nga, kanina pa kami lakad ng lakad. Halos ilang tulay na ang aming nadaanan.Wala man lang kaming makitang kabahayan o ano.

"We're near at Secret Village, village of bandits"simpleng sagot ni Gray, sinundan naman namin ito patungo sa isang tulay na nakaukit sa sign board nito ang 'WELCOME TO SECRET VILLAGE' village ng mga bandido to be exact.

Sinalubong kami ng mga bandido at hinarang.

"Anong ginagawa ng mga taga labas dito? Ang lakas ng loob nyong umapak sa aming teritoryo"turan ng isa sa kanila.May mga hawak silang mga palakol, at iba't ibang klase ng kagamitan sa pagmimina.

"We're here to fin—"pinutol ko ang sasabihin sana ni Gray.

"Makikituloy lang po kami, wag kayong mag-alala. Magbabayad po kami"turan ko at inabot ang isang paketing pilak at ginto. Tinignan naman ito ng isa sa mga bandido at tumango.

"Kung gayon, welcome na welcome kayo samin. Tuloy kayo, at makisalo sa amin"nakangiting aya ng pinakapinuno sa kanila at iginaya kami sa isang mahabang mesa na punong-puno ng pagkain at inumin.

Tinanguan ko ang aking mga kasama na sumunod nalang.

'Go with the flow guys, wag kayo papahalata na hindi kayo komportable sa kanila'

I said that on their minds.Ngumiti ako sa pinuno ng mga bandido, at nakisalo sa kanilang inuman.

Kung malalasing man ako, nanjan naman si Gray. I know he will take care of me, hindi ko alam pero ayun ang aking nararamdaman. Assuming man pero bahala na.

"Hindi namin alam, pero marami kaming mga kasamahang hindi na nakakabalik dito. Ang balita , binibihag sila ng mga itim na nilalang"kwento nito.

"Itim na nilalang? Baka yung mga evil or black enchanters yung tinutukoy mo"Yna said.

Nagkibit balikat lang yung leader ng mga bandits. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako, dahil nakita kong umitim ang mga mata nito saka bumalik sa normal.

Something isn't right here. Nakiramdam ako sa paligid, sabi ko na nga ba may hindi tama sa lugar nato.

Hindi ako nagpahalatang, may mali. I talked Gray and others through telepathy.

'Listen guys, kung kakain man kayo or iinom wag nyo lulunukin! This place is not real, nasa isa lang tayong illusion. Gawa ng black witch nating kaharap, hindi sya ang totoong leader ng mga bandits' me.

'Sabi ko na nga ba, may mali akong nararamdaman dito e' Yna.

'We need to be careful' Blue.

'Anong gagawin natin?'  Dolly.

'Wag kayo pahahalata na may alam kayo, just go with the flow lang.And maya maya hahanapin ko kung saan nila tinago ang mga totoong bandido, I can still feel their presence here, mag iingat lang kayo' huli kong sabi bago pinutol ang pag uusap.

"Hindi namin sigurado, oh sya magsikain na kayo at makapagpahinga. Siguradong malayo-layo ang inyong nilakbay"turan nito at uminom ng alak. I saw her smirk, i secretly smirked too. Sige lang, magsaya ka lang dahil sigurado akong hindi kana aabutan ng liwanag bukas.

THE HIDDEN ACADEMY (School of Enchanters)Where stories live. Discover now