THE ROYAL ENCHANTERS / FIRST DAY
SOBRANG lawak pala ng academy, katulad na katulad din sya sa mga school sa amin.Matataas na building din, parang sa manila.
Andito ako ngayon sa café-chanters, sobrang ganda at lawak nito.May similarities din ito kung saan ako nagwowork, ang pinagkaiba lang ay puno ito ng mahika.
Yung mga crew dito is mga elves, ang cute nila tignan. Bigla ko tuloy namiss si kiko, hayts.
"Here's your food, pretty"
Nagpasalamat naman ako sa elf na naghatid ng aking pagkain.
Marami padin nagsisikain dito, malamang dahil dinner narin.
Busy ako sa pagkain nang may biglang may nagsilapagan ng tray sa mesang kinauupuan ko, mahaba naman yung mesa kasya naman yung sampong katao kaya di ko nalang sila pinansin.
"Grabe, ang gaganda at gwapo talaga nila"
"Ang ganda din pala nung new student"
"Balita ko, apo daw yan nina Queen Lindazeth"
"Isa din pala sya sa mga royalters "
Halos rinig kong bulungan ng mga nandito sa cafe, diko nalang pinansin at tinapos yung kinakain ko.
"Hi hell!" nagulat naman ako sa biglang nagsalita kaya naman nabilaukan ako, ubo-ubong tinatapik ko ang aking dibdib.Inabot at ininom ko naman agad yung tubig na binigay sakin ng katabi ko.
"Sorry hell, nagulat ba kita?"
"Ay hindi, nasurprise lang"pamimilosopo ko.Nandito pala yung mga engkanto. Diko alam kung sino sila e, kaya engkanto nalang.Sila pala yung mga tumabi sakin.
"Feeling close kasi"sabi nung mukhang doll na babae.
"Pake mo, edi mag feeling open ka din"
-__-
Napailing nalang ako."Anyway, tutal feeling close naman kayo. Anong mga pangalan nyo?"tanong ko saka uminom ng juice.
Umirap naman yung red hair na babae habang maarteng kumakain, bale yung pwesto magkatabi yung tatlong babae then katabi nila yung lalaking kaaway nung doll na babae, and katabi ko si Gray at yung isa ding lalaki.Bahala na kayo umintindi.
"Yna Ventura, a vampire and a half fairy. Princess of Blood Kingdom"turan nung medyo singkit na babae.Yna Ventura, blonde hair.
"Dolly Buster, a werewolf. Princess of Werewolves Kingdom"yung mukhang doll na babae naman ang nagpakilala, kaya pala doll. Dolly Buster, a werewolf.
"Eren Sue, ren for short. A wizard, prince of Wizardous Kingdom and lastly ang pinakagwapo sa lahat"yung kaaway nung dolly.Hangin.
"Vince Camuto, a demon. Prince of Demon Kingdom"
Tumango naman ako tsaka tumingin sa dalawang di pa nagpapakilala.Bigla naman nagsalita si Yna.
"Red Sue, half witch and half wizard. Kapatid nya si Eren and lastly Gray Linton, God of Life and Death. Prince of Gods and Goddesses"
"And we are the ROYAL ENCHANTERS, nice to meet you Princess Hell"huling sambit ni Yna bago sila nagsikain.
Ganun ba kasikat sina lola at lolo? Pati ako kilala, naks naman para nakong artista nito.
"Eat this"nagulat naman ako nang inilapag ni Gray yung sushi sa harap ko, i looked at him. Umiinom lang sya ng coffee.
"Hindi kaba kakain? Sure kang akin nato? Wala ng bawian? Ha?"sunod-sunod kong tanong, tumango lang ito kaya masayang nilantakan ko na yung sushi. Hmm, ansarap talaga.
YOU ARE READING
THE HIDDEN ACADEMY (School of Enchanters)
FantasyShe was adopted. She's so loving and kind. Innocent but dangerous. Funny but when she becomes serious you'd better to shut your mouth up. Don't you ever think to try to hurt her love ones or else you'll see how hell it was. She's HELL CLARA, ang bab...