CHAPTER SEVENTEEN

15 0 0
                                    

Kindly, vote and leave some good comments. Thank you!

__________

DOLLY, EREN, VINCE'S GUARDIANS

DOLLY BUSTER'S POV

I WAS left alone here, grabe iniwan talaga nila ako? Sa cute kong ito? Hay, nagpapadyak-padyak akong naglakad sa kung saan para mahanap yung magiging guardian ko. Sana naman wag ako pahirapan nung dragon nayun.

Nakasalubong ko si Yna, kasama ang baby fire dragon na nasa tuktok ng ulo nito. Wah, ang cute. Kita ko ang saya sa mukha ng bruhang to, buti pa siya wala man lang kagalos galos sa katawan nito.

"Wow, congrats! Ang cute ng guardian mo"ngumiti naman ito sa akin tsaka nagpasalamat at ginoodluck, sana ganun din kacute makukuha kong guardian.

Napunta ako sa mga mapunong lugar ng isla, tahimik lang dito at may mga iba't ibang dragon dito pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay isang kakaibang dragon, it has green and brown scales, leafy wings, and vines entwined. It's a nature dragon because of her green crystal on her forehead, to be exact. Nakakamangha itong pagmasdan.

Nakahiga ito sa pinakacenter ng mga dragon, natutulog ata ito. Lumapit ako dito tsaka siya tinitigan super ganda niya, kakaiba.

Akmang hahawakan ko ito nang bigla niya akong inatake gamit ang kanyang bundot. Argh! Walanghiyang dragon, akala ko ba tulog?

Napadaing ako dahil sa sakit, nahagis kasi ako sa katawan ng isang malaking puno. Kung normal lang ako for sure bali na buto ko. Nag iba ang kulay ng aking mata, from light brown to emerald green. As a werewolf, i can enhanced my vision.

I have so many, abilities as a werewolf princess pero kahit na ganun may weaknesses parin ako. Pero dahil dragon lang naman ang aking kalaban, no need to transform into a wolf or hybrid form.

Dahil sa pag-iisip ko hindi ko napansin ang sunod nitong atake. Natamaan ako ng mga pinalabas nitong leaf blades, damn!

Hindi ako ininform na aatake na siya.

"Curse you, dragon!"inis kong sabi sa kanya, pero rinig ko lamang itong tumawa.

'Fight me back, little weak princess' sinamaan ko ito ng tingin, so babae pala ito dahil narin sa kanyang boses, halata naman e.

"Humanda ka saking dragon ka!"gigil kong sabi tsaka nagpalabas ng invisible air blades, pero laking gulat ko nang maiwasan niya ito.

"H-how?"

'Baka nakakalimutan mong isa akong nature dragon' napatampal nalang ako sa noo ng marealize ko kung ano ang sinabi nito. Ang bobo mo, dolly.

Nag-isip ako ng plano kung pano siya matatalo, napangisi naman ako bigla. I can control this dragon using my mind control ability, isa ito sa supernatural abilities ko. Pero bago yun kailangan ko muna siyang lituhin para macontrol ko ang isip nito.

Inatake ko siya ng napakaraming air balls, habang paikot-ikot sa kanya. Mukhang, gumagana ang plano ko dahil hindi nito naiwasan ang iba kong atake, nakahanap ako ng tyempo para magawa ang plano ko. I close my eyes before spoke some spell for mind controlling, hindi naman ako nabigo dahil nagawa ko ito. Napangiti ako tsaka tumayo sa harap niya.

"Now, kneel"agaran naman itong lumuhod at inutusang saktan ang sarili nito, nagulat ako ng bigla niyang pinagaspas ang leafy wings nito at lumabas doon ang ilang mga leaf blades na tumama sa katawan nito, bigla itong napadaing ng malakas.

"R-roaaarrrr!"daing nito sabay nawalan ng malay, namangha lang ako dahil sa nakita. So, ganun pala kalakas ang kakayahan nila kahit na sila ay tinablan.Napapikit ako nang bigla itong lumiwanag, pagmulat ng aking mata isang napacute na baby dragon ang bumungad sakin, wow.

THE HIDDEN ACADEMY (School of Enchanters)Where stories live. Discover now