CHAPTER SIX

9 2 0
                                    

Hi, if you like the story please leave some good comments and vote. Thank you!

________

CELLPHONE





WE ARE HERE at the royal-chanters, kung saan yung dorm ng mga princes and princesses. Syempre dahil isa din akong prinsesa kunno, dito nadin ako pinag-stay.Para din itong bahay, kompleto na ang lahat. May walong kwarto, living room, at kitchen.

"First day of school palang, may mission na agad"reklamo ni Eren.

"Ayaw nyo ba ng may mission? Ang ganda kaya nun, napakaadventurous"turan ko naman.

Tila hindi naman sila makapaniwalang tumingin sakin."Sa lahat ng binigyan ng mission, ngayon lang ako nakaencounter ng excited imbes na matakot"ili-iling na turan ni Dolly.

I laughed."Nasanay kasi ako tumanggap ng mission samin, like manghuli ng mga magnanakaw at pumatay ng mga makasalanang tao"nakangisi kong pagmamayabang na ikinasinghap ng iba.

Tumabi sakin si Dolly at Yna.

"Talaga? Hindi ka man lang natakot mamatay? Hindi ka nakokonsensyang pumatay?"sunod-sunod na tanong ni Dolly.Umiling ako at sumandal sa sofa.

"Why would I feel that? Nakonsensya din ba sila nung pumatay sila ng mga inosente? Hindi dapat binubuhay yung mga ganyang tao"seryoso kong sagot. Totoo naman, mas nakakabuhay ng dugo pag nakikita kong nahihirapan sa sarili kong mga kamay ang ganyang klase ng tao.

Katahimikan ang namayani sa paligid.




"Am not hell for nothing..."huli kong sambit bago tuluyang nilamon ng kadiliman.
















YNA VENTURA (POINT OF VIEW)


Sa mga narinig ko mula kay Hell, hindi ko maisip na kaya nyang pumatay ng walang pagsisisi. Napakainosente nya, at minsan isip bata pa.

Dalawang klase palang personality ang makikilala namin sa iisang katauhan.

I sighed and looked at her face, she's peacefully sleeping right now. Mukhang pagod na pagod ito.




"Sure ba si Headmaster na tama yung location na binigay nya satin? Nakakatakot pumunta sa Forest of Death. Ang sabi-sabi, lahat daw ng napapadpad doon hindi na nakakalabas ng buhay"nahihintakutang turan ni Dolly, napatango naman ang iba.


"Masyado kayong, matatakutin. You are not princes and  princesses for nothing, magpapadaig ba kayo sa babaeng yan?"masungit na turan ni Red at tinuro si Hell, as always masungit naman talaga sya. Ganyan lang yan pero mabait naman.

Nagulat naman ako ng bigla niyakap ni Hell ang aking braso."Fried chicken with fries...yum"natawa ako sa bulong nito. Kahit tulog, pagkain parin ang nasa isip nito.



"Anong plano Gray?" tanong ni Vince kay Gray na nakahalukipkip at nakasandal sa may pader. He's looking Hell, intently. Napangiti ako, mukhang may magpapalambot na sa ating Prinsipe.


"Just, get ready. We have to find Minister Yu, as soon as possible"malamig nitong sagot at humalukipkip.



"Gray, we need to talk" napatingin naman kami kay Blue, lumapit ito kay Gray. Ngayon lang kami ulit nakompleto, hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa academy si Blue. Kahit noon pa man hindi ito nagpapakita at never ginustong pumasok, may problema kaya?



Hindi sumagot si Gray, lumakad lang ito palabas na mabilis namang sinundan ni Blue.



Buti nga hindi nagmana si Blue sa kambal nya na sobrang lamig ng personality, minsan mo lang ito makausap.

THE HIDDEN ACADEMY (School of Enchanters)Where stories live. Discover now