Papasok pa lang ako ng classroom ay nandoon na ang mga tingin nila sa akin na may paghanga ngunit may kasamang takot.Bakit?
Ikaw ba naman makilalang anak ng Yakuza raw eh. Ewan ko ba kung saan nila nakuha 'yon.
Ang totoo niyan, masakit lang ang ipin ko nung first day of school kaya masama ang aura at tingin ko nang magpakilala ako sa lahat.
'Di ko naman akalaing gano'n ang kahihinatnan. Saklap!
"Kaiyak Lira!" Atungal ko sa best friend ko habang nakayakap sa braso niya. Kung hindi kami magkaklase noong high school, siguro ay pati siya nalinlang ng nakakamatay na istilo ng pagtingin ko.
Hindi ko naman ginustong may gan'to akong mga mata eh.
"Nakatitig na naman sila sa'yo? 'Wag mo na lang pansinin Aye." Tinapik niya ang ulo ko saka niya iniayos ang bangs ko. "H'wag mo na lang piliting ngumiti ulit kapag may masakit sa'yo. Kinasasama lang ng mukha mo eh." Narinig ko pa siyang tumawa matapos niyang sabihin 'yon.
Nginusuan ko si Lira saka ako umirap. Nang umupo ako sa upuan ko ay may iniabot siyang papel sa'kin.
"'Yan na 'yong dental clinic na sinasabi ko sa'yo. May appointment ka mamayang hapon. Pumunta ka na," aniya.
Kinuha ko ang papel na 'yon saka napanguso. "Ayoko talagang pumunta. Ayoko sa denstita! Wala bang ibang way para maalis ang cavity? Takte naman oh! Kaiyak na talaga!" Himutok ko.
"Arte mo! Batukan kita eh!" Rinig kong sabi ni Lira pero hindi ko na siya pinansin.
Mula noong last na bumisita ako sa dental clinic ay naging masama na ang tingin ko roon. Na-trauma lang naman ako sa ginawang pag-bunot sa ipin ko. Ang sakit kaya!
"Gusto mong magka-boyfriend 'di ba?" Tanong ni Lira kaya nilingon ko siya saka ako napakunot noo.
"Anong kinalaman ng boyfriend sa sakit ng ipin ko?"
Inilapit niya ang upuan sa tabi ko saka siya umiling. "Pa'no ka makikipaghalikan kung bad breath ka? Kadiri ka naman Aye kung gano'n. Eww!"
Hinampas ko siya sa braso saka ko siya inirapan. "Oo na! Pupunta na! Leche!" Inilagay ko ang papel sa bulsa ng blouse ko. "Kailangan kiss agad? Adik talaga 'tong babae na 'to," bulong ko.
Matapos ng klase naming 'yon ay labag sa loob akong dumiretso sa center city para puntahan ang dental clinic na 'yon.
Pagpasok ko sa loob ay hindi ko maiwasang makaramdam ng panlulumo. Ayoko talagang magpa-dental!
Halos pabagsak akong naupo sa sofa roon matapos kong masabi ang pangalan ko sa babaeng nasa front desk.
"Excuse me miss, 'yong magazine ko, naupuan mo."
Narinig ko 'yon kaya naman agad akong lumingon sa puwitan ko at nakita nga roon ang magazine. Kinuha ko 'yon at iniabot sa kanya. Nang tumingala ako ay napagpasiyahan kong humingi agad ng sorry.
"Sorry--" Ngunit agad din akong natigilan nang makita ang mukha ng lalake.
Cute. Exact word to describe him, lalo na nang makita ko ang dimple niya kahit hindi naman ito nakangiti. Bahagyang naka-angat ang dalawang kilay niya at para bang hinihintay na tuluyan kong iabot ang magazine na hindi ko pa magawang maiabot. Pinakatitigan ko ang mukha niya mula sa makapal na kilay, bilugan na mga mata, at hindi rin maitatagong mahahaba ang pilik mata niya. Matangos ang ilong at mamula mula ang labi.
Anime in real life? Oh my gosh!
"Miss?"
He's so pretty!