Curse of Love

172 11 42
                                    

CURSE OF LOVE

Written by: Youniqueen

Genre: Romance/Fantasy

Word Count: 3275

_________________________

MAYROON isang kaharian na tinatawag na Encantasia

Ito ay isang lugar na punong-puno ng salamangka ngunit nahahati ang mga salamangkero sa dalawa. 

Una ay ang mga Finex. Sila ang mga salamangkero na nagtataglay ng puting mahika. Sila rin ang pumoprotekta sa buong Encantasia. Habang ang mga kalaban naman nila ay ang mga Forus. Sila naman ang mga salamangkero na nagtataglay ng itim na mahika. Nais nilang sakupin ang buong Encantasia ngunit palagi silang pinipigilan ng mga Finex dahil silang mga maharlika salamangkero lamang ang nagtataglay ng malakas na kapangyarihan na tatalo sa mga ito.

Sa lugar din na ito matatagpuan ang isang malungkuting Prinsesa na nagngangalang, Hara. Mas gusto niyang mapag-isa palagi. Hindi naman siya dating tahimik. Masayahing siya noong siya'y bata pa ngunit biglang na lang siyang nagbago ng mamatay ang pinakamamahal niyang ama. 

Ito'y pinaslang ng mga Forus. Nagkagulo sa Encantasia ng mga sandaling iyon at maraming salamangkerong namatay.

Naging malungkutin si Prinsesa Hara simula ng pumanaw ito. Nais rin niya na palagi lang nakakulong sa kaniyang silid kaysa makihalubilo sa mga maharlikang kalahi niya. 

Hindi naman siya nag-iisa sa buhay dahil kasama niya pa naman ang ikawalang asawa ng ama niyang Hari at ang anak nito na mas nakakatanda sa kanya. Ngunit dama niya pa rin na tila nag-iisa siya dahil wala naman pakialam sa kanya ang mga ito.

Hanggang ngayon, hindi pa rin napapantag ang lahi nila Prinsesa Hara dahil nalaman ng kanilang Reyna mula sa sa isang salamangkero na hindi pa rin nauubos ang lahi ng mga Forus kahit sila ang pinaka napuruhan sa digmaan na naganap. Naghahanda lang daw ang mga ito para sa susunod na pag-atake dahil alam nilang mga Finex na maghihiganti pa ang mga Forus.

Batid niyang isang banta na iyon sa kaharian nila at dapat na silang mag-ingat para sa muling pagsalakay ng mga ito ngunit hindi siya natakot. 

Kasalukuyan siyang naglalakad, wala sa isip niya ang panganib na dala ng kaniyang pag-iisa, lalo na't sa kagubatan pa siya napunta. Inikot niya ang kaniyang paningin upang siguraduhin na walang taong nakatingin. Nagsimula na siyang pumikit upang basahin ang isang ritwal sa kaniyang isip. Maya-maya pa'y naramdaman niya na unti-unti nang umaanggat ang kaniyang paa. Kasabay nito ang malakas na hangin na bumabalot sa buo niyang katawan upang dalhin siya sa himpapawid.

Napangiti si Prinsesa Hara dahil nang dumilat siya'y nakalutang na siya at natanaw niya ang berdeng-berdeng tanawin. Kasabay no'n, unti-unti rin niyang itinaas ang mga kamay at naglabas iyon ng isang asul na kapangyarihan. Halos malagas lahat ng dahon sa puno dahil sa sobrang lakas ng hangin na pinakawalan niya.

Sa kanya ipinamana ng yumao niyang salamangkerong ama ang asul na bato na nagtataglay ng kapangyarihan ng hangin. Siya na ang pinaka malakas sa kanilang lahi lalo na't ibinigay din nito sa kanya ang kapangyarihan ng lupa.

Palagi niyang ginagawa ito ng walang nakakakita. Ngunit isang araw, sa kaniyang pag-iisa, napansin niya na palaging may matang nakasunod sa kanya kahit saan siya magpunta. Tila ba'y pinagmamasdan siya nito mula sa malayo. 

Naramdaman niya na nagtatago lamang ito kaya naman kaagad siyang nagtago sa gilid ng isang puno. Batid niyang hinahanap siya nito. Hanggang sa nakita niya ang bulto ng isang lalaki. Bigla siyang lumitaw mula likod nito. 

Sorelle CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon